"Agh! Ang sakit," daing ko habang nakahawak sa ulo ko.
Jusko, bigla na lang kumirot at sobrang sakit.
Nagising kasi ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kahit alarm lang 'yon, nagising ang buong diwa ko. Partida nakainom pa 'yan kagabi.
Sana talaga 'di na lang ako uminom, 'yan tuloy nagka-hangover pa.
Anong oras na kaya? Kailangan ko nang pumasok sa trabaho at bawal akong ma-late kasi may meeting ang buong department.
"Oh my god! Late na 'ko," gulat na sambit ko nang makita ko ang oras. Alas otso na pala ng umaga at alas nuebe 'yong meeting. Jusko po! Late na 'ko.
"Wait .. s-sino ang .."
Napahinto ako nang may napagtanto.
Ano ang nangyari kagabi?
Pa'no ako nakauwi?
Sino ang naghatid sa'kin dito sa bahay?
"OH MY GOD!" Napasigaw ako sa gulat nang maalala ko na ang mga nangyari kagabi.
Uminom kami nina Paula at ang iba pa naming kasama sa office tapos may mga lalaking lumapit sa table namin .. tapos--
"S-Si .. sir Zach .." Napatakip ako ng bibig at tuluyang napaupo sa sahig.
Ang naalala ko nando'n siya sa bar tapos kinaladkad niya 'ko palabas at pinasakay sa kotse niya. 'Yon lang ang natatandaan ko.
'Di kaya, siya ang naghatid sa'kin dito sa bahay?
Pero paano niya nalaman ang address ko?!
Napalingon ako sa pinto nang biglang bumukas ito.
"Oh, Athena napano ka?"
Si tiya Rosa na nagulat nang makita akong nakaupo sa sahig at nakahawak sa ulo ko. Hindi ako sumagot sa halip ay tumingin ako sa kan'ya na parang maiiyak na.
"Sorry po kung umuwi akong lasing kagabi. Hindi na po mauulit 'yon, tiya," sabi ko bago umupo.
Katatapos ko lang maligo at bumaba ako agad matapos kong magbihis para makapag-almusal at makapasok na sa trabaho.
"Hindi na talaga mauulit 'yon, Athena. Lalo pa na lalaki ang naghatid sa 'yo rito kagabi pero pasalamat ka mukhang matino 'yon," seryosong sagot ni tiya Rosa.
Paano ko sasabihin sa kan'ya na ang lalaking naghatid sa'kin dito sa bahay kagabi ay ang tatay ni Aaron? Ayokong gulatin si tiya pero kailangan niya nang malaman.
"Sino nga pala 'yon? Kasama mo sa trabaho? Hindi kasi siya nagpakilala, umalis agad matapos ka niyang ihatid sa kwarto mo," aniya pero 'di agad ako nakasagot.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan'ya.
"T-tiya .. may sasabihin po ako pero sana .. sana huwag kayong magalit sa'kin," kinakabahan na sambit ko.
Tumigil siya sa kan'yang ginagawa sa kusina at lumapit sa akin para makaupo sa tabi ko. Napabuntong hininga ako bago nagsalita. Hays, bahala na.
"Ang totoo po niyan .. 'yong lalaking naghatid sa'kin dito kagabi .. s-siya po 'yong boss ko." Napalunok ako ng laway bago sabihin ang hindi ko kayang sabihin sa kan'ya kanina. "S-siya po 'yong .. siya po 'yong t-tatay ni Aaron," dugtong ko na ikinagulat niya.
Inaasahan ko nang mangyari 'to pero sana huwag siyang magalit sa'kin.
"Patawad po kung ngayon ko lang sinabi sa inyo. Ang dami po kasing nangyari no'ng mga nakaraang araw kaya po nakalimutan kong sabihin sa inyo. Patawad po, tiya, hindi ko po sinasadyang ilihim sa inyo," malungkot na sabi ko.
"Huwag kang humingi ng tawad, naintindihan ko," sagot niya habang nakahawak sa kamay ko. "Hindi ba sabi mo na siya ang boss mo? Natatandaan ka ba niya?" Tanong ni tiya Rosa at umiling naman ako bilang sagot.
"Sa tingin ko naman po hindi. Mga isang linggo ko na po siyang nakakasama sa kompanya at wala naman po akong napapansin na kakaiba sa kan'ya," sabi ko.
"Mabuti naman, pero kaya mo pa bang magtrabaho sa kompanya niya? Hindi ka naman ba nahihirapan?"
"Hindi naman po, hindi naman po kami laging nagkikita sa kompanya kaya nagagawa ko po siyang iwasan."
Ayokong magsinungaling kay tiya Rosa pero ayokong mag-alala siya sa'kin. Kakayanin at gagawin ko ang lahat huwag lang akong makilala ng boss ko, at higit sa lahat malaman niya ang tungkol sa anak namin.
"Mag-iingat ka, Athena. Magluluto muna ako ng tanghalian ni Aaron bago ko siya balikan sa school," wika ni tiya Rosa nang ihatid niya 'ko sa labas ng bahay.
Marami kaming napag-usapan tungkol kay sir Zach pero dahil sa super late na 'ko kaya pinutol na namin ni tiya Rosa para makapasok na 'ko sa trabaho.
"Sige po, tiya, maraming salamat po," sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Walang anuman, sige na pumasok ka na sa trabaho. Late ka na at baka mapagalitan ka pa nang boss mo. Ingat ka," nakangiting aniya at sumakay na rin ako sa kotse.
Pero .. paano nakauwi 'tong sasakyan kung naiwan ko 'to sa bar kagabi?
Kailangan ko talagang kausapin si sir Zach mamaya. Marami kaming pag-uusapan at balak ko ring magpasalamat sa kan'ya dahil sa paghatid niya sa'kin sa bahay kagabi.
"Good morning, Thena," inaantok na bati sa'kin ni Maurice nang makapasok ako sa office.
Kararating ko lang at dito na 'ko dumiretso imbis na sa pantry. Balak ko pa sanang magtimpla ng kape bago ako pumasok dito kanina kaso nagbago ang isip ko.
Late na nga 'ko tapos may lakas ng loob pa 'kong magtimpla ng kape.
"Ba't kayo nandito? Ba't wala kayo sa meeting?" Nagtataka na tanong ko nang maibaba ko na ang bag at laptop ko sa mesa.
Pito kami ngayon ang nandito sa loob ng office at 'yong anim sila ang mga nakasama kong uminom kagabi. Si Paula at Trixie parehong tulog, si Grace at Rose naman nakaupo at malayo ang tingin, at samantala sina Maurice at Jane parehong inaantok.
"Hindi kami pinapasok ni sir Zach sa conference room," wika ni Maurice na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi naman kami late pero ayaw niya kaming papasukin," dagdag ni Grace bago lumingon sa akin.
"At kakausapin niya raw tayo pagkatapos ng meeting," dugtong pa ni Jane.
Parang bigla akong kinabahan dahil sa mga sinabi nila. Mukhang malalagot kaming pito neto. Pero sana naman huwag kaming tanggalin sa trabaho. Sana hindi mangyari 'yon.
Napalingon ako nang makarinig ako ng mga yabag ng paa sa labas ng opisina. 'Yong mga kasamahan ko lang pala sa department. Parang tapos na ang meeting kaya sila nakabalik na rito.
"Oh, Thena, good morning. Buti na lang nandito ka na, pinapatawag na kayo ni boss sa opisina niya," wika ni Von nang makapasok na ito kasama si Nel.
"Hala lagot kayo kay boss," nang-aasar na sambit ni Nel. Inambahan tuloy siya ng suntok ni Grace.
Mukhang malalagot nga kami sa kan'ya.
"Gisingin niyo na 'yang dalawa bago pa tumawag 'yong boss natin," sabi ko at napabuntong hininga ng malalim.
Jusko, kinakabahan ako. Huwag naman sanang mangyari 'yong iniisip ko ngayon.
"G-Good morning, Sir Zach," nag-aalangan na bati ni Paula nang makapasok na kami sa opisina ng CEO.
Dumako kaagad ang tingin ko sa lalaki na seryoso ang tingin sa amin habang nakaupo ito sa swivel chair. Napalunok ako ng wala sa oras at napayuko habang naglalakad papunta sa table niya.
Nahihiya ako, sobra. Iniisip ko pa lang ang mga nangyari kagabi parang gusto ko na lang hilingin na lamunin ako ng sahig.
"I thought I wouldn't see you all reporting today in my company, but I was wrong. You still have the guts to show your faces here despite what happened last night," seryosong sambit niya. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa kan'ya pero nakatingin siya kina Maurice.
Nakapagtataka, ba't parang sila lang ang pinapagalitan?
"Did you all forget that both of you caused big trouble in that bar?!" Galit na sigaw niya na ikinagulat ko.
Anong ibig niyang sabihin? Trouble? Wala namang nangyaring gano'n sa bar kagabi.
Napatingin ako kina Maurice pero silang anim parehong nakayuko at kinakabahan ang mga mukha. Parang may nangyari kagabi na hindi ko nalalaman.
"You all started a fight. You all caused a lot of damage. People got hurt because of your actions. And all of you ruin my company's name," dugtong niya na mas lalo kong ipinagtaka.
"S-Sir, hindi po namin sinasadya 'yong nangyari kagabi. Hindi po kami nagsimula no'ng gulo. K-Kung hindi lang sana-"
"Kung hindi lang ano, Miss De Leon?" Putol ni sir Zach kay Trixie na ngayon ay umiiyak na.
Mas lalo akong naguguluhan. Ano ba kasing nangyari no'ng umalis ako sa bar kagabi?
At anong gulo ang sinasabi ni Trixie?
"I'm really disappointed in both of you. All of you contributed to the development of my company, but I want you all to reflect on the trouble that all of you have done," aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.
"I don't want to see all of your faces for 2 weeks," sabi nito na ikinagulat naming pito.
"S-Sir, hindi naman po-"
"What? Did I say something wrong, Miss Angeles?" Putol nito kay Maurice. "That's my decision and it's final. Or you want any other options?"
Hindi ako makasagot. Hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Naintindihan ko naman kung ano ang gusto niyang iparating pero 2 weeks na hindi magtatrabaho? Napakahirap niyon bilang isang empleyado.
"Leave my office now before I terminate all of your contracts," seryosong sambit nito.
Hindi na kami sumagot, tumalikod na kaming pito at nagdesisyon ng lumabas ng opisina niya.
"Aside from you, Miss Sandoval," dugtong nito na nagpatigil sa akin sa paghakbang papalabas ng opisina.
Ito na ang katapusan ko.