"Athena .."
"Hmm?"
Kaagad akong lumingon, si Von lang pala ang tumawag sa akin. Nakasandal siya sa pinto at may hawak na puting folder. Inangat niya ito para makita ko. 'Yan na 'ata 'yong financial report na hinihingi ko. Kakailanganin ko 'yan para sa proposal na gagawin ko.
"Here, pinapaabot ni Miss Christine. May meeting kasi siya kaya hindi niya maiabot sa 'yo ng personal," aniya habang naglalakad papunta sa direksyon ko.
Si Miss Christine, ang head supervisor ng finance department at isa rin siya sa mga naging ninang ni Aaron. Mabait siya pero medyo strikta pagdating sa trabaho.
"Salamat, Von," sabi ko at maliit na ngumiti sa kaniya.
"Walang anuman. Umm, iniisip mo pa rin ba ang mga nangyari kahapon?" Tanong niya, bigla akong nag-iwas ng tingin at sabay na inayos ang mga gamit ko sa mesa.
Pero tama siya, iniisip ko nga ngayon ang mga nangyari kahapon. Hindi ko lang inaasahan na dahil sa isang pagkakamali, mawawalan ako ng mga kasamahan sa trabaho. Hindi ko naman masisi si sir Zach kasi siya ang boss namin at karapatan niya ang magdesisyon.
Pero nakakalungkot lang, hindi ako sanay na konti na lang kami ang nagtatrabaho ngayon dito sa opisina. Mapapansin mo talaga na may nagbago. Mapapansin mo talaga na may kulang. Wala na ang saya, tanging lungkot at pangungulila na lang ang natira. Kaso wala naman akong magagawa para ibalik ‘yon.
“Oo, hindi lang kasi ako sanay na wala sina Maurice dito sa opisina,” sagot ko.
“Naiintindihan kita kasi magkaibigan kayo pero kailangan din nilang matuto dahil sa ginawa nilang pagkakamali. Hindi man sinadya pero kapag si boss Zach na ang nagdesisyon ‘di mo na mababago ‘yan kahit ano pang sabihin mo o pakiusap. Hayaan mo na, makakabalik pa rin naman sila rito, makikita mo pa rin sila after 2 weeks. Kaya ‘wag ka ng malungkot d’yan at mag-focus ka na lang sa trabaho mo,” aniya at mahina akong tinapik sa balikat.
Maliit akong ngumiti sa kaniya at nagpasalamat. Umalis na rin si Von dahil pupunta pa raw siyang marketing department. Habang ako sinimulan ng gawin ang proposal dahil bukas na ang deadline nito at kailangan ko itong tapusin today. Balak kong mag-half day para puntahan si Aaron sa school niya. Namiss ko lang bigla ang anak ko at gusto ko rin siyang makasama ngayong araw. Ewan ko ba parang gusto ko na lang manatili sa tabi ng anak ko kasi pakiramdam ko isang araw mawawala na lang siya bigla sa tabi ko. At bukod doon napakalungkot dito sa opisina at parang mababaliw ako kapag nanatili pa 'ko ng matagal dito.
"I.T Department, good morning," sabi ko nang sagutin ko ang telepono.
(Hello, good morning. Miss Athena)
Boses pa lang alam ko ng ang secretary na ni sir Zach. Ba't kaya bigla siyang napatawag? Huwag sana dahil sa internet connection na naman ng CEO. Kapag ako talaga nainis, tuluyan ko na talagang tatanggalin ang internet ng opisina niya.
"Yes, miss Dela Peña?" Magalang na sambit ko at palihim na napabuntong hininga.
(Miss, pinapatawag po kayo ni sir Zach dito sa opisina niya. ASAP daw po)
Jusko! Bigla akong kinabahan, bakit kaya bigla akong pinatawag tapos ASAP pa?
"Sige po, pupunta na po ako riyan."
Nang maibaba ko na ang telepono, kaagad na 'kong lumabas ng opisina at tumakbo papunta sa opisina ng CEO. 'Di ko alam pero kinakabahan ako kasi biglaan akong pinatawag. Eh, wala naman akong ginawa, maayos naman akong nagtatrabaho kaninang umaga at 'di rin ako na late sa pagpasok sa trabaho.
Nang makarating ako sa harapan ng opisina niya, bumuntong hininga muna ako ng malalim at kumatok na sa pinto.
"Come in."
Napabuga ako ng hangin nang marinig ko na ang boses niya at binuksan ko na rin ang pinto pagkatapos.
Sana hindi siya galit.
"Pinapatawag niyo raw po ako?" Sabi ko nang makarating ako sa harapan niya. Pero hindi siya nag-angat ng tingin kasi nakatutok siya sa laptop niya at halatang may ginagawa.
Ba't niya naman kaya ako pinatawag?
"Yes, I called you because I saw something wrong to your report that you submitted in my office last week. Did you do this quickly? There are many errors, and I didn't find in this report what I wanted to know about your department. I gave you enough time to do it, but you gave me this trash?" Tunog dismayado na sambit niya sabay angat ng folder at bigla na lang itong tinapon sa harapan ko nang hindi ko inaasahan.
Basura? Ang pinaghirapan at pinagpuyatan ko, basura lang para sa kan'ya? Buong oras ko nilaan ko riyan para matapos ng maaga kasi gusto niya ng makita pero para sa kan'ya basura lang? Ewan pero nasaktan ako sa sinabi niya.
"The work done by the interns here at the company is better and more detailed than yours, and you've been working here for a long time but still can't do your job properly. I'm disappointed. I thought you were perfectly good to your job, but it turns out you're not."
Natahimik ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot kasi ang sakit ng mga sinabi niya. Hindi ko inaasahan na maririnig ito mula sa kaniya kasi buong akala ko tama ang ginawa ko at tiyak na magugustuhan niya pero hindi pala. Hindi na dapat ako nag-expect kasi hindi ko naman pala magugustuhan ang resulta. Napagalitan at napahiya lang ako dahil sa ginawa kong "basura".
Ganito pala ang feeling na mapagalitan ng isang Zachariah Elliot Montero, nakakasakit sa puso at nakakababa ng dignidad bilang isang empleyado. Parang gusto ko na lang na lumabas at huwag ng bumalik pa rito.
"Papalitan ko na lang po at mas aayusin, sir. Bigyan niyo lang po ako ng isang araw para gawin ulit ito," sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya.
Ramdam ko na masama ang tingin niya sa'kin ngayon kaya ayoko siyang tingnan dahil baka tuluyan na 'kong manliit sa sarili ko.
"No need, I'll have someone else do it. Just finish what you're working on today because it might be trash again when it gets to me if you don't do it properly," sagot niya dahilan para mas lalo akong masaktan.
Wala na, wala na siyang tiwala sa kakayahan ko. Na dismaya ko talaga siya ng sobra.
Mahina na lang akong tumango at nakita ko siyang bumalik na ulit sa pagkatutok sa laptop niya.
"Okay, sir," mahinang sambit ko at pinulot ang folder na tinapon niya. Tumalikod na rin ako para umalis at hindi na nag-abalang magpaalam sa kaniya. Nawalan na 'ko ng gana at mas gusto ko na lang na makaalis na rito kasi hindi na naman ako makahinga dahil sa kaniya.
Presensiya niya palang nakakapanghina na, ano pa kaya kapag napagalitan ka niya? Tuluyan ka na talagang mawawalan ng lakas sa katawan.
"Where are you going? Did I told you to leave?"
Napasinghap ako. Mabuti na lang walang lumabas na masamang salita sa bibig ko kundi mas lalong malalagot ako.
Hindi natuloy ang pagbukas ko ng pinto dahil sa sinabi niya. Malapit ko na sana itong mabuksan pero bigla siyang nagsalita. Napapikit na lang ako at napabuntong hininga bago nagdesisyon na lumingon sa kaniya.
Masamang tingin ang naabutan ko at parang kakainin niya 'ko ng buhay sa klase ng tingin na ipinakita niya sa akin ngayon.
"Answer my question, Miss Sandoval. Did I told you to leave?" Seryosong tanong niya na nagpakaba sa akin. Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa kaniya. Pero bigla na lang siyang tumayo at lumapit sa direksiyon ko habang nakatingin sa akin.
Kinakabahan ako. Anong balak niyang gawin?
Jusko! Parang gusto ko na lang hilingin na maglaho ako ngayon.
"Sir ..."
Nakarating na siya sa harapan ko at titig na titig sa mga mata ko. Ibang klase na ng tingin ang nakikita ko sa kaniya ngayon.
Tingin na parang may balak na gawin sa akin na tiyak na hindi ko magugustuhan.
Bigla siyang yumuko at nilapit ang mukha malapit sa tenga ko.
"I'm disappointed in you, but don't give me that look, you're just trying to deflect my anger and disappointment towards you," bulong niya na ikinagulat ko.
Hindi ako nakaimik, bigla na lamang akong na estatwa dahil sa sinabi niya.
"Now leave before I'll do something terrible to you," dugtong niya na nagpagising sa akin sa reyalidad.
Jusko, ano 'yon? Ba't gano'n ang sinabi niya?