Akala ko umuwi na siya pero hindi pa pala. Siguro may ginagawa pa siya sa office niya. Pero pakialam ko ba?
Ngayon nagkaroon na 'ko ng dahilan para umuwi na.
Ayoko na siyang makausap o makasama. Buong araw ko na siyang nakikita at nakakausap. At sobrang na iimbyerna na 'ko.
"Uuwi pa lang po, Sir," sagot ko at kaagad ng tumayo para ayusin ang mga gamit ko sa mesa.
Akala ko aalis na siya pero hindi. Nasa labas pa rin siya ng office at nakasandal sa pinto habang nakatingin sa akin.
Ano balak niya 'kong panuorin? Wala siyang balak umalis?
"S-Sir, may kailangan po kayo sa'kin?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kan'ya.
Hindi kasi ako maka-concentrate sa pag-aayos ng mga gamit ko dahil sa presensiya niya. Lalo pa ngayon na pinapanuod niya ang bawat galaw ko.
Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang weird niya ngayong araw at nagtataka na 'ko sa mga kinikilos niya mula pa kaninang umaga.
"Nothing, uhm.. take care," tugon nito nang mag-angat ako ng tingin. At agad na rin siyang umalis.
Take care?
Hays, ewan ko nga sa kan'ya.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko at nang mapatay ko na ang lamp shade sa table ko ay lumabas na rin ako ng opisina at nagtungo na sa elevator.
Mabuti na lang natapos ko ang report bago ako umuwi. Salamat naman kasi wala na 'kong gagawin sa bahay at makakapagpahinga na rin ako ng maayos.
Nang bumukas ang elevator ay kaagad na rin akong sumakay at pinindot ang button papuntang ground floor. Pero buong akala ko ako lang mag-isa ang sasakay kaso hindi. Humabol si Sir Zach na ikinagulat ko. Mabuti na lang nakasakay siya bago ito sumara.
"I'm sorry, Sir .. hindi ko po kayo nakita," paumanhin ko at umatras ng kaunti. Sobrang lapit na kasi namin sa isa't isa at nakakailang kasi malapit ng magdikit ang katawan naming dalawa.
"No need to apologize," aniya.
Mabuti na lang hindi nagalit.
Tumahimik na lang ako sa isang tabi pero palihim akong nakatingin sa kan'ya. Nasa harapan ko siya, tahimik lang na nakatayo habang sumusulyap sa relo niya.
Ngayon na sobrang lapit namin sa isa't isa saka ko napagtanto na kamukhang-kamukha talaga siya ni Aaron. Minana lahat ng anak ko ang physical features niya. Kaya posible na kapag nakita niya si Aaron ay malalaman niya agad na anak niya ito. At hindi ko na kayang ilihim pa 'yon sa kan'ya. Pero kailangan kong mag-ingat para hindi niya malaman na nabuntis niya 'ko noon at hindi niya makilala ang anak ko. Natatakot ako na baka bigla niyang kunin sa'kin si Aaron kapag nakilala niya na ito.
Speaking of Aaron ... tumatawag ang anak ko!
Jusko! Ano'ng gagawin ko? Sasagutin ko ba? Paano kung dahil dito malaman niya na may anak kami?
Pero hindi .. hindi niya malalaman kasi hindi niya naman ako natatandaan.
"Answer that damn phone!" Asik nito 'tsaka ako nilingon. Nakakunot na ang noo niya at galit na nakatingin sa akin.
"I'm sorry, Sir," tanging naisambit ko at kaagad ng sinagot ang tawag.
Anak naman, wrong timing ka. Ngayon pa na kasama ko sa elevator ang tatay mo.
"Yes baby? Napatawag ka," sabi ko habang nakatingin kay Sir Zach. Pero bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.
Salamat naman, baka kasi may plano ulit siyang panuorin ako.
(MOMMY! I missed you! Anong oras ka po uuwi? Nakapagluto na po si lola ng hapunan) Masayang sambit nito at narinig ko pa ang pagtawa ni tiya Rosa.
"Pauwi na 'ko, hintayin mo na lang ako riyan sa bahay, hmm? I missed you too, baby. Anong gusto mong pasalubong?" Nakangiting tugon ko at narinig ko pang tumikhim ang kasama ko rito sa elevator.
(Wala po, mommy. Kiss at yakap niyo lang po ang gusto ko. Ingat ka po sa pagmamaneho, mommy. I love you)
Kinilig naman ako sa sinabi niya. Siya na lang talaga ang nagpapakilig sa akin ngayon.
"Opo, mag-iingat ako. I love you too." At binaba ko na rin ang call matapos niyang magpaalam.
Napatingin ako kay Sir Zach pero gano'n pa rin ang sitwasyon niya. Tahimik na nakatayo sa harapan ko habang nakatingin sa cellphone niya.
Him and his temper. Ang bilis magalit pero mabilis din tumiklop.
"Damn! What the f*ck!" Asik nito nang biglang huminto ang elevator at namatay ang ilaw.
Brownout?!
Kapag minamalas ka nga naman. Kung kailan pa na nandito pa kami sa loob ng elevator saka pa nag-brownout. Urgh! Nakakainis! Gusto ko nang umuwi.
Kaagad ko namang binuksan ang cellphone ko at in-on ang flashlight, at gano'n din ang ginawa niya.
"Are you okay there?" Tanong nito at tumango naman ako bilang sagot.
Ngayon paano na kami makakalabas dito? Kanino kami hihingi ng tulong? Eh, walang signal dito sa loob. Bakit ngayon pa kasi nangyari 'to? Bakit ngayon pa kung kailan kasama ko siya?
Napaupo na lang ako sa sahig at napayakap sa magkabilang tuhod ko. Halos 25 minutes na kaming na stuck dito sa loob at hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Nilalamig na 'ko at kumukulo na rin ang sikmura ko.
Lord, nagugutom na 'ko.
"Are you cold?" Tanong nito at agad naman akong nag-angat ng tingin. Magkatabi kaming dalawa pero hindi gano'n ka lapit at ka layo.
Ayoko namang magsinungaling kasi halatang nilalamig nga ako. Nanginginig na ang mga tuhod ko gano'n din ang mga kamay at braso ko. Nakakahiya man pero tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"Here, take this and wear it. There's still no electricity, and we might be stuck here for an hour. The security guards know that I'm still here, and I think they're fixing it now. They will find me, and they'll help us. Don't worry," wika nito habang pinapasuot sa akin ang kan'yang business suit.
Napatitig tuloy ako sa kan'ya ng wala sa oras. At ang masasabi ko lang .. ang gwapo niya.
"Paano ka po? Baka nilalamig ka rin," nahihiyang sabi ko nang makabalik na siya ng upo.
"I'm fine, don't worry about me," aniya sabay na napapunas sa kan'yang noo.
Bakit ako nilalamig habang siya pinagpapawisan? Ang weird, siguro dahil sa gabi na pero siya? Hays, nevermind.
"Thank you, Sir," pasalamat ko nang hindi nakatingin sa kan'ya.
"Don't mention it, I'm willing to help," saad niya.
Napanguso ako sa kan'yang sinabi.
Willing to help daw pero nagpapaalis agad ng empleyado kapag nakagawa lang ng mali sa kompanya niya.
"Why? Is there any problem with what I said?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.
Patay! Lagot ako! Nakakunot na naman ang noo niya. Pansin ko kahit na hindi ko makita ang buong mukha niya.
"No, Sir .. sorry," sagot ko at palihim na napakamot sa batok.
"I know you saw me as an evil and unconcerned boss in treating my employees, but I'm not that bad to those people who needed my help in difficult situation. I know what I need and what I'm going to do to help," aniya na ikinatahimik ko.
Bakit bigla niyang sinabi sa akin ang tungkol d'yan? Bakit sa akin kung p'wede naman sa mga empleyado niya na nasaktan niya emosiyonal?
Pero naintindihan ko naman kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. Mabait siya pero ayaw niya lang ipahalata sa ibang tao lalo na sa mga empleyado niya. Pero ewan ko ba ba't gano'n ang ipinapakita niyang pag-uugali sa mga nagtatrabaho rito sa kompanya niya?
"I'm sorry, Sir, hindi na po mauulit," paumanhin ko.
"You don't have to, I understand." Aniya at kaagad siyang tumayo. Sa pagtayo niya biglang bumalik ang kuryente at nagkailaw na rito sa loob ng elevator. Umandar na rin ito hanggang sa tuluyang makarating ng ground floor.
Tumayo na rin ako at pinatay ang flashlight ng cellphone ko. Kahit papa'no nakatulong ito.
"Sir Zach, patawad po kung hindi agad namin naayos ang kuryente. Nagkaproblema po kasi sa generator, nawalan po nang power supply. Pasensya na po kayo," salubong sa amin ng isang technician nang makita kami nitong kalalabas lang ng elevator at kasunod nito ang dalawang security guard.
"Fix it as soon as possible. I don't want this to happen again. And what are you two doing earlier? You know that I'm still in my office, but you didn't bother to find me. For Pete's sake! We're stuck in the elevator for 35 minutes, and you don't even think to help us!" Bulyaw nito sa dalawang security guard.
Napaatras tuloy ako at natahimik dahil sa sigaw niya. Nakakatakot pala siya kapag nakita mo nang harap harapan kung pa'no magalit sa mga empleyado niya. Nakakapanghina at nakakakaba.
Para siyang dragon na anumang oras bubuga ng apoy sa sobrang galit.
"Sir, sorry po .. tumulong po kasi kami-"
"Both of you are fired!" Asik nito na ikinagulat ng dalawang security guard maging ako.
"Let's go, Miss Sandoval," aniya at bigla akong hinawakan sa braso na ikinagulat ko.
Anyari sa boss ko?