"Sigurado ka na kaya mo nang pumasok?" Tanong ni tiya Rosa nang makababa na 'ko mula sa kwarto.
"Opo tiya Rosa, maayos naman na po ang pakiramdam ko kaya huwag na po kayong mag-alala sa'kin," sagot ko.
"O siya sige basta mag-iingat ka. Kapag sumama ulit ang pakiramdam mo, tawagan mo lang ako," nag-aalala na sambit nito at niyakap ako ng mahigpit.
"Opo, sige po tiya aalis na po ako." Paalam ko sa kan'ya at umalis na rin ako ng bahay.
Papasok na 'ko sa school, ilang araw na kasi akong absent kaya kailangan ko nang pumasok. Madami na rin kasi akong na missed na mga activities at quizzes. Kaya kahit med'yo nahihilo at mabigat pa ang katawan ko pumasok na lang ako para makabawi man lang. Wala na rin naman kasi akong ibang choice kundi ang pumasok kahit na ayoko pa.
"ATHENAAA!"
Nagulat ako kay Vanessa nang salubungin ako nito. Ang lakas ng sigaw niya na halos lahat ng estudyante rito sa may entrance napatingin sa kan'ya. Hindi maipinta ang mukha niya, parang problemado na ano, basta hindi ko maintindihan.
"O bakit? Anong problema?" Tanong ko nang makarating na siya sa harapan ko.
"May kailangan kang makita," sagot niya na ipinagtaka ko sabay hila nito sa'kin papuntang field.
Sumilong kaming dalawa sa puno ng pine tree nang makarating kami sa field. Inalalayan pa niya 'kong makaupo na ipinagtaka ko. Ewan ko ba kung bakit pero naguguluhan ako sa ginawa niya.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ay kaagad niyang binuksan ang cellphone niya.
"Ito tingnan mo," aniya sabay abot ng cellphone niya sa akin. Kaagad ko naman itong kinuha at tiningnan kung ano ang tinutukoy niya.
"Sino sa tingin mo ang sumusunod sa'yo no'ng gabing 'yan?"
Parang bigla akong nanghina dahil sa mga litratong nakita ko. Napuno na ito ng mga masasamang komento tungkol sa akin. Marami na ang nakakita, marami na ang nakaalam, at marami na ang masama ang tingin sa akin.
Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. Sino ang gagawa ng ganitong bagay sa akin? Napahiya na 'ko ng husto sa lugar namin pero pati ba naman dito sa school?
Ako na nasa bar at nasa condo na may kasamang lalaki ang laman ng mga litrato.
Sino ang nagpakalat nito?
"Gagawa ako ng paraan para mahanap kung sino ang nagpakalat niyan. Pinost 'yan sa isang dummy account kaya hindi agad malalaman kung sino ang owner. Pero huwag kang mag-alala, magpapatulong ako sa mga kilala kong website master para ma-delete na 'yan."
Napaiyak na 'ko, hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko nang babae dahil sa mga masasamang komento na nabasa ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. At parang tuluyan na talagang nasira ang dignidad ko bilang isang babae.
"Hindi ba siya 'yong nasa post?"
"Oo siya nga, may guts pa talaga siyang pumasok. My gosh, hindi na nahiya."
"Kaya nga pero sabagay ugali na 'yan ng mga nagtatrabaho sa bar, mga wala nang hiya sa katawan."
Hindi na 'ko tumingin kasi alam ko naman kung sino ang pinag-uusapan nila, walang iba kundi ako.
"If I were her, I will not let myself be here in school anymore. Sira ka na nga mas lalo ka pang masisira. She's not even thinking, she's just making it worse."
Yumuko na lang ako at patuloy na umiyak habang nakakuyom ang kamay ko. Nagtitimpi lang ako pero parang gusto ko nang sumabog sa galit.
"Yeah, such a whore."
At nagtawanan ang mga ito na parang hindi ako nag-eexist sa paningin nila.
Masakit, sobrang sakit na marinig mula sa kanila ang gano'ng mga salita. Akala ko kapag pumasok ako rito sa school, maiiwasan ko na ang mga gano'ng salita pero hindi pala, nagkakamali ako at parang mas lalong lumala ngayon. Mas masakit palang pakinggan kapag nanggaling ang mga katagang 'yon sa bibig ng mga estudyante rito sa school.
"Hoy! Huwag mo ngang pagsalitaan ng gan'yan ang kaibigan ko. Sino ka ba sa inaakala mo ha?!" Galit na sigaw ni Vanessa at kaagad na tumayo para lapitan ang limang babae.
"And who do you think you are for stopping us?" Masungit na tugon ng babaeng matangkad.
Tatayo na sana ako para lapitan si Vanessa pero hindi ko nagawa kasi bigla na lang umikot ang paningin ko.
Sh*t! Nangyari na naman ang iniiwasan kong mangyari. Please, huwag muna ngayon.
"Why? Totoo naman ang sinasabi namin ah. Ano ang mali ro'n? My gosh, ikaw pa naman ang kaibigan niya pero tino-tolerate mo pa," dugtong pa nito. Gusto ko nang tumayo para lapitan at pigilan si Vanessa pero hindi kaya ng katawan ko.
"If I were you, i-uwi mo na lang siya at huwag nang papasukin dito sa school. It will help her not to totally ruined her image. Mabuti pa kami concern sa kaibigan mo."
At umalis na sila, naiwan si Vanessa na nanggagalaiti sa galit habang sinusundan ng tingin ang limang babae. Napapikit na lang ako at napatakip ng mukha habang nakaupo sa lupa.
Gusto kong magwala pero wala akong karapatan. Gusto kong isigaw lahat ng galit na nararamdaman ko pero sino ako para gawin 'yon? Alam kong kasalanan ko, inaamin ko 'yon pero hindi naman na 'ata tama 'to? Tuluyan ng nasira ang imahe ko sa maraming tao dahil lang sa pangyayaring 'yon.
Ayoko na, tama na, hindi ko na kaya 'to.
"Athena! Saan ka pupunta?"
Hindi ko na nilingon pa si Vanessa, kahit nahihilo ako pinilit kong makatakbo para lang makaalis dito.
Patawad Van, pero ayoko nang manatili pa rito.
Lakad-takbo ang ginawa ko pero sa bawat dinaanan ko, mapanghusgang tingin ng mga estudyante ang tanging nakikita ko. At kahit bulungan sa paligid naririnig ko.
Ngunit napahinto ako sa pagtakbo nang may tatlong lalaki na bigla na lang humarang sa dinaraanan ko.
"Hey hooker." Wika ng isang lalaki na nakasuot ng kulay maroon na damit. Kumindat pa ito sa akin na parang may binabalak na masama.
Parang bigla akong kinabahan kasi pinalibutan nila akong tatlo. Nasa area kami kung saan malayo sa mga classrooms kaya kahit sumigaw ako rito hindi ako maririnig. Wala ring mga nakatambay na mga estudyante rito kasi simula na ng first period.
"Ano ang kailangan niyo sa'kin?" Tanong ko, iniiwasan ang mautal dahil baka isipin nila na natatakot ako.
"Baka ikaw ang may kailangan sa amin." Bigla silang nagtawanan dahil sa sinabi ng lalaking nasa likuran ko. Hindi na 'ko lumingon kasi baka may gawin siya na hindi ko magugustuhan.
"Sa'n ka tonight? Doon pa rin ba sa bar na 'yon? P'wede bang ikaw ang mag-serve sa amin habang nakasuot ng bikini?"
"HAHAHA that's right, it sounds fun."
Gusto ko silang takbuhan pero hindi ko magawa kasi nakapalibot sila sa akin. Sa bar ni minsan hindi ko naranasang bastusin ng mga customer, mapalasing man o hindi pero sa mga lalaking 'to naranasan ko.
"Name your price, kami ang bahala sa'yo mamaya."
Muli silang nagtawanan at unti-unting lumapit sa'kin ang lalaking nasa harapan ko. Pero bago pa man itong tuluyang makalapit sa akin at hawakan ako, sinampal ko siya ng sobrang lakas at nag-iwan ito ng marka sa pisnge niya.
"b***h! You-"
Napapikit na 'ko at inantay na lumapat ang palad nito sa akin pero hindi natuloy dahil sa lalaking dumating.
"Try to lay a hand on her, you might be looking for a new hand anytime."
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa lalaking dumating. Pero laking gulat ko nang makilala ko na kung sino siya.
"I'll give both of you 5 seconds, If you hadn't left, I might not have just cut your hand. If you show up again and disrespect her, we'll meet at the jail. Do you understand?" Dugtong pa nito pero puno ng pagbabanta ang boses niya. Natakot naman ang tatlong lalaki kaya hindi na sila nakasagot at kumaripas na lang ng takbo ang mga ito.
Akala ko hindi ko na siya makikitang muli pero ngayon dumating siya kung kailan kailangan ko nang magliligtas sa akin mula sa mga bastos na lalaking 'yon.
Si Zander, ang lalaking minsan na ring tumulong sa akin.