"Thank you," naisambit ko habang nakatingin sa malayo.
Nahihiya akong tumingin sa kan'ya, ewan ko ba kung bakit pero siguro sa kadahilanang ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng tatlong taon.
Nandito kaming dalawa ngayon sa taas ng stage malapit sa field. Nawalan na 'ko nang ganang pumasok sa klase dahil sa mga nangyari kanina. Nasa kalagitnaan na rin naman ng second period at maya-maya uwian na rin. Hihintayin ko na lang na matapos ang klase bago ako umuwi sa bahay.
"Are you okay?" Tanong niya, kaagad ko siyang nilingon at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.
Nag-aalala siya, nakikita ko sa mga mata niya pero .. bakit?
"Probably you're not, it's written on your face," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.
"I saw that post circulating in the social media that's why every students here in campus were talking and badmouthing about you."
Nakita niya na rin pala 'yon, sabagay nagkalat na 'yon sa social media at maging dito sa university. Halos nga 'ata lahat alam na ang tungkol do'n. Nakakalungkot lang isipin na marami nang tao ang naninira at humuhusga sa akin.
"But you didn't do anything to make it stop, and you didn't even fight for yourself. Why didn't you prove to them that they were wrong and it was not true?" Aniya na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang mga sasabihin niya.
Tumingin siya sa'kin na parang dismayado. "Why, Athena? Why you didn't fight for yourself?"
Bigla akong natahimik, hindi ako makapagsalita at walang lumalabas na sagot sa utak ko. Ewan ko ba kung bakit pero natauhan ako sa mga sinabi niya.
"Natatakot ako .." Sagot ko at bigla na lang akong umiyak nang hindi ko inaasahan.
"Natatakot akong lumaban kasi .. kasi alam kong ako pa rin naman ang magmumukhang talo at sinungaling sa huli. W-Wala ni isang tao ang maniniwala sa'kin," umiiyak na sambit ko.
"There is one person in your life who believes in you," aniya na ikinagulat ko. "Your family .. always remember that. And of course, yourself," dugtong niya.
"Bakit .. bakit ganito ang mga sinasabi mo sa'kin?" Nagtataka na tanong ko. Ngumiti siya pero bigla rin naman itong nawala.
"For you not to give up," sagot niya at seryosong napatingin sa akin. Pero kaagad siyang tumayo at may inabot na panyo sa akin. Kinuha ko rin naman ito at nagpasalamat sa kan'ya.
"Take care of yourself." At naglakad na siya paalis. Sinundan ko na lamang s'ya ng tingin pero may bigla akong naisip.
"Sandali .. Zander." Huminto siya at lumingon sa akin. Parang bigla akong naputulan ng dila.
Kailangan ko siyang tanungin dahil baka lilipas na naman ulit ang ilang taon bago ko siya makita ulit o baka hindi na.
"Nakakahiya mang itanong 'to pero kakapalan ko na ang mukha ko. Uhm .. pa'no ko sisimulan? Uhm .. i-ikaw ba si Mr. Z?" Kinakabahan na tanong ko pero hindi siya nakasagot agad.
Ibig sabihin ba niyan .. siya si ..
"No .."
Parang bigla akong nanghina dahil sa sagot niya. Inaasahan ko na oo ang sagot niya kasi may posibilidad na siya 'yon. Paano ko nasabi? Kasi sa tuwing kailangan ko nang tulong o kausap nand'yan siya agad. Bigla na lang s'yang susulpot, bigla na lang s'yang dadating kahit na hindi ko naman hinihiling na dumating siya.
Pero nagkamali pala ako, hindi siya 'yon .. hindi siya si Mr. Z at hindi siya ang secret admirer ko.
"Ah gano'n ba, s-salamat," tanging naisagot ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya.
"I have to go, please take care of yourself," aniya at maliit na ngumiti sa akin. Kaagad na rin siyang umalis at naiwan ako ritong malungkot at umaasa.
Nandito ako ngayon sa kwarto, nakakulong, malayo ang iniisip at hindi alam kung ano ang gagawin. Dumagdag pa 'yong nalaman ko noong mga nakaraang araw na hindi si Zander ang secret admirer ko. Iniiwasan ko 'yong isipin pero tumatakbo pa rin talaga sa isipan ko.
Tang*na! Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako tinantanan ng mga tao. Pinagpapatuloy pa rin nila ang ginagawang paninira sa'kin, na parang wala akong ginawang tama sa mundo at parang ang dumi-dumi kong babae sa kung paano nila ako tingnan.
Pinaglaban ko na ang sarili ko pero hindi pa rin sila naniwala sa'kin.
"Athena, p'wede ka bang makausap?"
Si tiya Rosa, kasalukuyang nasa labas ng kwarto. Pangatlong beses niya ng balik dito pero hindi ko siya kinausap. Nawalan na 'ko ng gana makipag-usap sa lahat. Napapagod na 'ko, ayoko na.
"Nak, huwag mo namang pahirapan ang sarili mo. Nandito pa naman ako e, si Vanessa at ang ninang mo na naniniwala sa'yo."
Pumatak ang mga luha ko at kasabay nito ang pagkirot ng dibdib ko. Sa mahabang panahon ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong sakit. Nakakapanibago pero ayoko nang maramdaman ulit 'to.
"Tiya Rosa, iwan niyo na lang po muna ako. Gusto ko lang po mapag-isa ngayon," umiiyak na sambit ko at napayakap sa binti ko.
Lahat ng ginawa kong pagkakamali nasa isip ko na at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para itama 'to lahat. Habang tumatagal mas lalo lang nag-iiba at nagiging masama ang tingin sa'kin ng maraming tao. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para mapatunayan sa kanila na mali sila ng iniisip tungkol sa'kin.
Sa totoo lang, parang ayoko nang ipaglaban pa ang sarili ko, parang gusto ko na lang silang hayaan na husgahan at insultuhin ako. Wala na rin naman akong magagawa e, gano'n na ang tingin nila sa'kin at hindi ko na mababago 'yon.
Nag-angat ako ng tingin at napatingin sa lubid na tinali ko kahapon sa ilalim ng kisame. Tumayo na rin ako at pinunasan ang pisnge ko.
Handa na 'kong mamatay.
Ito na lang ang naisip kong paraan para makaiwas at makapagpahinga sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang husgahan at insultuhin ako.
"Diyos ko po, Athena!"
Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni tiya Rosa. Nakatayo na 'ko sa itaas ng upuan nang dumating siya. Humahangos at nangingilid ang luha sa mga mata niya.
"Athena, huwag mong ituloy 'yan, maawa ka naman sa sarili mo," umiiyak na sambit nito. "Ako na ang nagmamakaawa sa'yo, bumaba ka na riyan at pag-usapan natin ng maayos," dugtong nito at humakbang siya papalapit sa'kin.
"Tiya, pagod na po ako," mahinang sagot ko at bigla nang bumuhos ang mga luha ko.
"Alam ko .. anak alam ko pero nandito pa 'ko tutulungan kita at hindi kita iiwan. Please Athena, huwag kang sumuko kahit para na lang sa magiging anak mo," aniya dahilan para bitawan ko ang hawak na lubid.
Ang sama ko .. anong nagawa ko?