Chapter 19: Ruthless CEO

1487 Words
Nandito pa rin ako sa clinic, nagpapahinga. Mga isang oras at kalahati na yata akong nandito pero hindi pa 'ko makaalis kasi sabi ng nurse manatili raw muna ako. Pagkarating ko rito kanina kasama ang secretary ng boss ko, tiningnan kaagad ang blood pressure ko tapos ang daming tanong nong nurse pero puro oo at hindi lang naman ang sagot ko kan'ya. Wala naman kasi akong nararamdamang masakit sa katawan ko. Sad'yang puyat lang talaga ako at pagod. Kaso ang lalaking 'yon, mas'yadong OA at dito talaga ako dinala. Pero nagpapasalamat pa rin naman ako kasi kung hindi ako dinala rito hindi ko malalaman na biglang bumaba ang blood pressure ko dahil lang sa matinding puyat at pagod. Kaya pinagpahinga muna ako rito ng nurse at pinainom rin ako ng gamot. "Miss Athena, aalis po muna ako. May gagawin lang po ako saglit," paalam nito. "O sige, Nurse Anne, aalis na rin naman ako maya-maya. Salamat sa tulong mo," sagot ko. "Walang anuman, miss Athena. Kapag nahilo po kayo tumawag lang po kayo kaagad dito at ako na po ang kusang pupunta sa inyo." "Okay sige, salamat ulit." Kaagad na rin siyang lumabas ng clinic matapos niyang magpaalam. Kaya naiwan na lang akong mag-isa rito sa loob. Bago umalis kanina ang secretary ng boss ko, sinabihan naman siya ng nurse na dumito muna ako at binigay ko na lang din sa kan'ya ang ginawa kong report kagabi. Kasi walang kasiguraduhan na makakapunta ako sa meeting dahil malapit ng mag-alas nuebe. Since ang boss ko naman ang nagpadala sa'kin dito kaya alam na nito na hindi ako makakapunta. Hays, mabuti na lang kasi ayoko na siyang makita ngayong araw baka dumagdag pa siya sa pagod at stress ko. "Yes, Van?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kakalabas ko lang ng clinic at balak ko nang bumalik sa trabaho. Mga isang oras na rin akong nagpapahinga at med'yo sumakit na ang likod ko kakahiga. (Tuloy ba tayo sa Friday? Magpapa-book na 'ko ng reservation if every matutuloy) Natampal ko bigla ang noo ko. Nakalimutan kong sabihin sa kan'ya na may pupuntahan ako sa darating na biyernes. Balak pa naman sana naming dalawa na pumunta ng beach para makapag-unwind. Hays, mukhang hindi nga matutuloy. "Van, sorry, hindi pala ako p'wede sa Friday. May meeting sa school ni Aaron para sa family day at kailangan kong pumunta," malungkot na sabi ko. (Ano ka ba! Okay lang, wala 'yon. Ituloy na lang natin next month since may 1 week vacation kayo, 'di ba? Tapos isama na lang din natin si Aaron) "Okay sige, promise next month matutuloy na. Pasensiya ka na talaga." (Wala 'yon, naintindihan ko. Para naman 'yan sa inaanak ko kaya ayos lang. Pero .. speaking of family day. A-Ayos lang sa kan'ya na kayo lang ni tiya Rosa ang pupunta?) Bigla ko tuloy naisip ang tungkol do'n. Hindi ko pa natatanong si Aaron pero sa tingin ko ayos lang naman sa kan'ya. Kahit kailan naman hindi siya nagreklamo pero alam kong nalulungkot siya kasi hindi niya kasama ang papa niya at hindi kami kompleto. Pero ano'ng magagawa ko? Alangan naman sabihin ko sa kan'ya agad ang totoo. Ayoko namang masaktan ang anak ko dahil lang do'n. "Sa tingin ko ayos lang naman sa kan'ya. Ang gusto lang naman ni Aaron ay makapunta ako. 'Yon lang, wala na siyang hinihinging iba." (Mabuti na lang mabait ang anak mo at marunong umintindi. At mabuti na lang talaga nagmana siya sa'yo at hindi sa tatay niya. Hays, ang liit lang talaga ng mundo. Kung sino pa 'yong ayaw mo nang makita saka pa susulpot na parang kabute. Mag-iingat ka riyan ha? Kung kaya mo siyang iwasan, iwasan mo at never kang magpapadala sa galit at bugso ng damdamin. Okay, gets?) "Gets, thanks Van. Magkita na lang tayo sa Sunday. Ingat ka," nakangiting tugon ko at binaba na rin ang tawag matapos niyang magpaalam. Naglalakad na 'ko ngayon papunta sa department ko pero may napansin ako sa Marketing Dep. Parang may nangyayaring komosyon sa loob at merong ibang empleyado galing sa ibang department ang nakiki-tsismis sa labas ng mga office nila. IT, Marketing, Finance department, at Office of the CEO ang nasa floor na ito. Jusko! Dito pa talaga sila nag-tsismisan kung saan malapit sa office ng CEO. Pero ano ba kasi ang nangyayari? Nagtataka na rin ako. "Maurice!" Mabuti na lang nakita ko siya. Kalalabas niya lang galing pantry. May bitbit kasi siyang isang cup ng kape. Lumapit naman kaagad ako sa direksiyon niya para magtanong. "Oh! Thena, mabuti na lang nandito ka na. Okay ka na ba? Narinig ko kung ano ang nangyari sa'yo," aniya nang makarating ako sa harapan niya. "Nahilo ka raw kaya ka dinala sa clinic," dugtong niya na ikinagulat ko. "Sino naman ang nagsabi niyan?" Hindi makapaniwala na tanong ko. Dinala nga ako sa clinic pero hindi dahil sa nahilo ako kundi dahil sa puyat at pagod. Anong kasinungalingan 'yon? "Si Sir .. sinabi niya kanina sa meeting." Parang nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Gano'n talaga ang sinabi ng boss namin? Seryoso? Eh, hindi naman 'yon ang dahilan. Siguro iniisip niya na nahilo ako kaya ako natumba kanina at gano'n siguro ang dahilan kaya pinadala niya 'ko sa clinic. Hays, ayoko na lang magsalita at ayoko na lang din pag-usapan pa 'yon kasi baka mainis at ma-stress lang ako. "Ano pala ang nangyayari dito? Ba't parang may nangyayaring komosyon sa Marketing?" Pag-iiba ko nang usapan. "Ah, dahil kay Justin, 'yong intern. Pinapaalis na ni boss dito sa kompanya," sagot niya na ipinagtaka ko. "Bakit naman? Parang kakasimula lang niyon noong nakaraang linggo." Tanda ko pa na tinulungan niya 'kong linisin ang office. Mabait 'yon at masipag. Pero parang ang laki ng kasalanan niya kaya siya paaalisin dito. "Hindi kasi nagustuhan ni boss 'yong report na ginawa niya. Parang copy-pasted daw at bukod do'n aksidente niyang naitapon ang pinaghirapan na report ni Miss Fria. Ayun, nagalit at nagdesisyon si boss na paalisin si Justin. Pero ayaw namang umalis kasi si Mrs. Montero daw ang tumanggap sa kan'ya rito kaya siya lang daw ang may karapatan na magpaalis sa kan'ya. Kaya nagkakagulo riyan sa loob." "Hindi man lang binigyan ng second chance?" Tanong ko at umiling bilang sagot si Maurice. "Mukhang hindi nagbibigay ng second chance ang bagong boss natin. Tara na sa office, baka tayo naman ang mapagalitan," sagot niya bago kumapit sa braso ko. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpatangay sa kan'ya. Pero nakatatlong hakbang palang kami ni Maurice papuntang office ay nakita naming humahangos si Pau at umiiyak galing sa opisina ng boss namin. Ano naman kaya ang ginawa nito sa kan'ya? "Pau, ano'ng nangyari?" Nag-aalala na tanong ko nang salubungin namin siya ni Maurice. "T-Tinanggal a-ako ni boss .. sa trabaho," umiiyak na tugon nito. "Ha?! Bakit naman? Ano ba kasing nangyari?" Gulat na tanong ni Maurice. Kahit ako gulat din dahil sa sinagot ni Paula. "I-Inutusan niya kasi akong .. i-i retrieved 'yong file na .. na delete niya pero m-mali 'yong nagawa ko at tuluyan kong nabura. H-Hindi ko naman sinasadya .. p-pero hindi niya 'ko pinatawad. Tapos s-sabi niya .. tanggal na raw ako .. sa trabaho," sagot nito. Napahagulgol na si Pau at nanginginig na rin ang katawan niya sa sobrang pag-iyak. "Shh, huwag ka nang umiyak, tutulungan ka namin. Pero bago ka namin tulungan, ipaalam mo muna 'yan sa supervisor natin para makausap niya si boss," saad ko at kaagad siyang niyakap. Hindi naman makatarungan 'yon. Hindi naman p'wede na tanggalin agad sa trabaho porket nagkamali lang kasi p'wede pa namang mahahanapan 'yon ng paraan. Hindi niya man lang iniisip ang kapakanan at nararamdaman ng empleyado niya kapag nagdesisyon siya ng gano'n. Hindi man lang siya naawa. Hindi man lang binigyan ng pangalawang pagkakataon. Napakasama niya, wala siyang puso at walang pagpapahalaga sa kapuwa. "Jusko! Ano 'yon?!" Gulat na sabi ni Maurice. Nakarinig kami ng malakas na kalabog galing sa office ng CEO. Bigla akong kinabahan at nakaramdam na rin ako ng matinding takot. Ano kaya ang nangyayari doon sa loob? At mukhang hindi lang kami ang nakarinig niyon kasi ang ibang empleyado galing sa iba't ibang department biglang nagsilabasan sa mga opisina nila. "SEND THE BEST IT HERE TO RETRIEVE THAT FILE. IF IT'S NOT RECOVERED, I'LL REMOVE ALL OF YOU FROM MY COMPANY. UNDERSTOOD?!" Dumagundong ang boses nito sa buong floor na naging dahilan para magsibalikan ang ibang empleyado sa kan'ya-kan'ya nilang opisina. Pero kaming tatlo ay parang napako sa kinatatayuan namin. Hindi kami makagalaw dahil sa malakas na sigaw na 'yon. "Thena, mukhang kailangan na nating maghanda," wika ni Maurice bago tumingin sa akin. Nakita naming tatlo na lumabas ang supervisor namin sa office ng CEO. Nang humarap sa amin ito, biglang dumako ang tingin niya sa akin. Parang alam ko na kung ano ang ibig sabihin niyan. Tingin na humihingi ng tulong. "Athena, I need your help." I'm dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD