Chapter 21: Interactions

1478 Words
Wait! Naguguluhan ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang sasabihin niya. So ibig sabihin niyan, 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina ay hindi 'yong na delete ni Paula? Eh, pa'no 'yong file na nahanap ko kanina? Wala lang? Walang sense gano'n? Pinagtitripan niya ba 'ko? O gusto niya lang talagang sukatin ang patience ko at kung hanggang saan ang kaya kong gawin dito sa kompanya niya? "Marriage Proposal?! Ibig sabihin ba niyan ikakasal na si Sir Zach?" Gulat na sambit ni Maurice. Bigla namang tinakpan ni Paula ang bibig niya. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito pero buti na lang walang nakarinig kasi unti-unti na ring nagsilabasan ang mga kasama namin dito sa office para mag-lunch. "Shh! Hinaan mo lang ang boses mo, baka marinig pa tayo ng kabilang department. Pero hindi naman ako sigurado kung para sa kan'ya 'yon, eh," saad ni Paula. Hindi na 'ko nakinig sa pinag-uusapan nila. Kasi iniisip ko pa rin 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina. Hindi ko pa rin talaga maintindihan. Bakit nagawa 'yon ng boss ko? Bakit nagawa niyang magsinungaling para lang sa file na 'yon na hindi naman talaga totoong nag-eexist? Ewan ko kung ano ang dahilan 'yan pero wala naman akong pakialam do'n. Pero kasi, 'yong effort at time ko nasayang lang sa paghahanap nang walang kwentang file na 'yon. Gawa-gawa niya lang ba 'yon? Para ano? Para pagtripan ako? Para sukatin ang kakayahan ko? Gusto kong magalit sa kan'ya pero wala akong karapatan kasi siya ang boss ko at dapat kong sundin ang ipinag-uutos niya. Pero nadali niya 'ko ro'n. Pinaglaruan ako ng sarili kong boss. "Tara na, Athena. Kain na tayo ng lunch," aya ni Maurice. Tumango na lang ako bilang sagot at tumayo na rin para lumabas ng office. Pero palaisipan pa rin talaga ang ginawa ng boss ko sa akin. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa'kin 'yon. Nang makarating kaming tatlo sa cafeteria ay kaagad na rin kaming pumila para kumuha ng pagkain. Konti lang ang kinuha ko kasi may baon akong dala. Pinabaunan ako kaninang umaga ni tiya Rosa ng pagkain pero hindi ko nakain kasi dinala ako sa clinic. Sayang naman kung hindi ko kakainin. Nauna akong natapos sa pagkuha ng pagkain kaya ako na ang naghanap ng mesa para sa aming tatlo. Nang makahanap ako ay kaagad na rin akong umupo at inantay silang dalawa na dumating. "Kapag minamalas ka nga naman .." bulong ko nang tuluyang makaupo. Hindi ko man lang napansin na iisang table lang pala kami ng inuupuan ng boss ko. Nasa dulo siya ng table nakaupo habang ako nasa gitna pero sa tingin ko wala naman siyang pakialam sa akin. Seryoso lang siyang kumakain at hindi man lang nag-aksaya ng panahon para tumingin sa paligid niya. Kasya lang sa limang tao itong table kaya malabo na hindi niya ko mapansin. Pero bakit ko ba siya tinitingnan? Ba't kasi 'di na lang ako kumain? Hays, nakaka-distract ang presensiya niya. Ba't pa kasi magkaharap kami? "Athena, ito prutas .. kumuha kami ni Paula. Good for the health 'yan," ani Maurice nang makarating ito at kasunod nito si Paula na bitbit din ang pagkain niya. Mukhang hindi rin nila napansin ang presensiya ng boss namin. "At ito energy drink para iwas pagod sa trabaho," saad ni Paula at naupo na rin sa tabi ni Maurice. Napatingin ako sa kanilang dalawa at sumenyas na tumingin sila sa tabi nila. At doon lang nila napansin si boss. Pareho pa silang gulat pero bigla silang natahimik at nagsimula ng kumain. Palihim akong napatawa at nagsimula na ring kumain. After mga ilang minutes, bigla siyang tumayo at umalis. Sinundan pa namin siya ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nakaalis ng cafeteria. "Kanina pa ba siya nakaupo rito?" Tanong ni Maurice. "Oo, bago pa 'ko nakaupo rito nandito na siya pero hindi naman siya nagalit," sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Sabagay wala naman siyang pakialam sa mga empleyado niya," ani Maurice. Hindi na 'ko nagsalita, tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa usapan nilang dalawa. Ewan ko, bigla akong nawalan ng gana magsalita lalo na ngayon na si Sir Zach ang topic nila sa usapan. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako sa kanilang dalawa na mauuna ng bumalik sa office. May kailangan pa kasi akong tapusin na report. Pumayag naman silang dalawa kaya agad na rin akong umalis ng cafeteria. "Thena, nai-send ko na sa sss mo 'yong needed budget para sa supplies ng department natin. 'Yong proposal follow-up ko na lang. Okay lang ba?" Wika ni Christian, siya ang naka-assign sa paggawa ng proposal sa department namin. "Sure, walang problema pero I needed it by 7 pm. Bukas na kasi ang deadline kaya kailangan tapusin ngayong araw," sagot ko. "Yes, before 7 pm ise-send ko na sa'yo. Pasensya ka na talaga, Thena," aniya. "Wala 'yon, take your time lang. Alas kwarto pa lang naman ng hapon." "Sige, Thena, salamat." Hays, ang bilis lang ng oras. Parang kakakain ko lang ng lunch kanina pero ngayon maggagabi na. Hindi na 'ko nakapagmeryenda kasi mas inuna ko 'tong tapusin ang report pero hindi ko pa matapos tapos kasi kailangan ko pa 'yong ginawang proposal ni Christian. Sa totoo lang, ang sakit na ng likod ko pero hindi ako p'wedeng huminto sa pagtatrabaho. Dapat before 9 pm matapos ko na 'to para makabawi man lang ako ng tulog at pahinga. "Kailangan ko nang kape," sabi ko sa sarili bago tumayo at lumabas ng office. Ilang beses na 'kong napapahikab at kape lang ang katapat nito. "Ay malaking tao!" Gulat na sambit ko nang makapasok ako sa pantry. At napatakip ako ng bibig nang bigla siyang lumingon sa akin. Hindi ko na naman napansin na nandito siya. Bigla na lang siyang nagpapakita na hindi ko namamalayan. Jusko! Ayoko siyang makita ngayon pero gumagawa talaga si lord ng paraan para magkita kami. "I'm sorry, Sir," paumanhin ko habang nakayuko. Nakakahiya! Gano'n pa talaga ang lumabas sa bibig ko. "What are you doing here? Break time is over and it's still time for work. Don't you even know about that rules?" Masungit na sambit nito. "S-Sir .. kukuha lang po sana ako ng kape," kinakabahan na sagot ko. Baka pati 'yon issue pa sa kan'ya? Alam ko naman ang rules and regulations ng kompanya. At sinusunod ko naman 'yon. Siya nga na mataas ang posisyon dito sa kompanya nandito sa pantry na office hour's pa, nagreklamo ba 'ko? Ang unfair niya. "Okay, go ahead," aniya. Akala ko may sasabihin pa siyang iba. Kumuha na 'ko ng paper cup at nagsimula ng magtimpla ng kape. Akala ko nga lalabas na siya ng pantry pero hindi. Sa tingin ko dito niya uubusin ang tinimpla niya ring kape. "Yes, I'll be home by 8 pm. Yeah, wait me there, honey." Honey? So, totoo nga 'yong proposal? Totoo nga na ikakasal na siya? Hays, mabuti naman para hindi na 'ko mag-aalala sa kalagayan ng anak ko kapag nalaman niya ang totoo. Ngayon na ikakasal na siya, 'yon lang ang pagtutuunan niya ng pansin. Nilingon ko siya at nadatnan ko siyang nakasandal sa gilid habang nagta-type sa cellphone niya. Lumabas na ako ng pantry na dala ang tinimpla kong kape. Hindi ko na kailangang magpaalam sa kan'ya kasi mukhang busy ito sa pakikipag-usap sa "honey" niya. Nang makabalik ako sa office, binabad ko na ulit ang sarili ko sa paggawa ng report. Malapit ng mag-alas singko ng hapon at uwian na rin namin pero kailangan kong mag-overtime para tapusin 'tong report. "Thena, mag-oovertime ka?" Tanong ni Trixie habang nag-aayos ng mga gamit niya. Pansin ko rin na nagliligpit na ng mga gamit ang iba ko pang kasamahan dito sa office. Uwian na nga. "Ah oo, may tatapusin lang," sagot ko. Ayoko namang mag-overtime pero kailangan kasi. Nagsiuwian na nga ang mga katrabaho ko gano'n din ang mga nasa ibang department. Tatlo na lang kami ang naiwan dito sa office. Balak din ng dalawa mag-overtime para sa paggawa ng bagong software ng kompanya. Ang sakit na ng likod ko pati na rin ang mga kamay ko. Nagpapahinga naman ako pero mga ilang seconds lang then magpapatuloy na ulit. "Thena, uuwi na kami. Ikaw? Anong oras ka pa uuwi?" Tanong ni Von nang lumapit ito sa direksiyon ko. Napatingin naman ako sa orasan, alas syete na ng gabi pero nandito pa rin kami sa opisina. "Maya-maya uuwi na rin ako. Mauna na kayo," sagot ko. "Sige, mag-iingat ka. Una na kami," paalam nito at lumabas na rin silang dalawa. Hays, ako na lang mag-isa tapos ang dilim na rito. Pinatayan na 'ko ng ilaw ng security guard. Hindi naman ako takot sa dilim pero mas takot ako sa multo. "Why you're still here?" Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Sir Zach. Mabuti na lang walang bad words na lumabas sa bibig ko kundi lagot ako. My gosh! Nandito pa pala siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD