Chapter 20: Important File

1348 Words
Nandito na 'ko sa harap ng office ni boss. Pero wala akong lakas ng loob para kumatok. Kinakabahan ako baka kasi sigawan niya rin ako. Ayaw ko kasi ng gano'n, ayoko na sinisigawan ako. Bago ako pumunta rito, kinausap muna ako ng supervisor ko. Sabi niya, gawin ko raw ang lahat para ma-retrieve 'yong file na nabura ni Paula. Bigla akong na pressure nang sabihin niya 'yon. Paano kasi kung hindi ko magawa? Baka bigla rin akong tanggalin sa trabaho. "Kaya mo 'to, Athena," sabi ko sa sarili at kumatok ng tatlong beses sa pinto bago pumasok. Nadatnan ko siyang nakatayo habang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa'kin kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon nito. Pero paniguradong galit pa rin ito dahil sa nagawa ng ka trabaho ko. Napabuntong hininga ako ng malalim bago lumapit sa table niya. Ayoko na muna siyang tawagin baka makaistorbo lang ako at magalit pa ito. Pero ngayon, nakaramdam na naman ako ng galit dahil sa kan'ya. "Athena, 'wag ngayon," sabi ko sa sarili at muling napabuntong hininga. Kailangan kong isantabi muna ang personal kong nararamdaman kasi ayoko na mahalata niya na kilala ko siya. Baka maging dahilan pa 'yon para maalala niya 'ko at malaman niya ang lahat kasali na riyan ang tungkol sa anak namin. Sa yaman at kapangyarihan na meron siya, kaya niyang makuha lahat ng gusto sa isang pitik lang. At ayokong mangyari na makuha niya sa'kin ang anak ko kapag nalaman niya na ang totoo. Napasinghap ako nang bigla siyang humarap sa akin. Pero hindi man lang siya nagulat sa presensiya ko. Tumingin lang siya ng seryoso sa akin at agad na lumapit sa mesa niya para umupo. "Take a seat," saad nito. Kaagad naman akong umupo at napayuko. Hindi ko siya kayang tingnan kasi biglang pumapasok sa isip ko ang mga masasamang nangyari sa'kin noon. Alam ko na hindi niya na 'ko natatandaan pero siya .. tandang-tanda ko pa. Hindi ko siya nakalimutan kahit walang taon na ang nakalipas simula no'ng may nangyari sa aming dalawa. "I told my secretary to let you rest and stay in the clinic. Why did you come here? Can you do it?" Seryosong sambit nito habang titig na titig sa mga mata ko. Napalunok ako ng wala sa oras. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nakaharap mo siya ng malapitan. Ngayon naintindihan ko na ang sinabi ng mga katrabaho ko. "Yes sir, okay naman na po ako at kaya ko namang gawin. Gusto ko rin kasing tulungan ang katrabaho ko para hindi siya tuluyang matanggal sa kompanya niyo," sagot ko nang hindi nakatingin sa kan'ya. "I already fired her. So, even if you do it, she won't be coming back here. I don't want weak employees in my company, so you better do your job, or you might end up like her," paalala nito na nagpakaba sa akin. Napakuyom ang kamay ko dahil sa sinabi nito. Wala talaga siyang puso. Kung ano ang naging desisyon niya, 'yon na talaga at hindi na mababago. Kawawa si Paula, siya na lang din ang inaasahan ng pamilya niya. Kapag nawalan siya ng trabaho, ano na lang ang mangyayari sa kan'ya? "Come here," utos nito. Kaagad akong nag-angat ng tingin at napatingin sa kan'ya. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi pa rin ako tumayo kasi inaantay ko ang sunod niyang sasabihin. Pero hindi na siya nagsalita dahil nakatutok na siya sa monitor. "You'll do it or not?" Striktong sambit nito na ikinagulat ko. "Gagawin na po," agad na sagot ko sabay na tumayo at pumunta sa direksiyon niya. "It's an important file so you really have to find it. I'll give you 30 minutes since I have a meeting after this," saad nito at tumango naman ako bilang sagot. Tumayo na rin siya at ako naman ay ang pumalit sa puwesto niya. Ilang beses na 'kong nakaupo rito simula no'ng si Mrs. Montero pa ang boss ko at may lakas ng loob ko na maupo agad dito pero ngayon nakakailang at nakakakaba kasi iba na ang namamahala. "Take your time," sabi nito bago umalis at umupo sa puwesto ko kanina. Ginawa ko naman agad ang ipinag-uutos nito. Hinanap ko agad ang file na sinasabi niya. Tutok na tutok ang mga mata ko sa monitor at isa-isang binuksan ang mga naka-save na files at drive. Gano'n din ang nasa recycle bin pero wala na ito. "Nasa'n ka na ba?" Bulong ko at biglang napabuga ng hangin. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa kasi nakasalalay rito ang trabaho ko. Kailangan kong mahanap 'yon before 30 minutes kasi kung hindi lagot ako. "There you are!" Nakangiting sambit ko nang mahanap ko na ito. Hindi naman pala tuluyang na delete ni Pau. Nahanap niya ito at na i-transfer sa ibang file. Akala niya siguro na delete niya pero hindi. May pag-asa pa na hindi siya matanggal sa trabaho. "Have you found it?" Tanong nito bago tumayo at lumapit sa akin. Tumayo na rin ako at ipinakita sa kan'ya ang document na pinapahanap niya. "Opo, nahanap ni Paula. Akala niya na delete pero na i-transfer niya sa ibang file," sagot ko na ipinagtaka niya. "Hindi niyo na po kailangang tanggalin sa trabaho si Paula kasi ginawa niya naman po lahat ang ipinag-uutos ninyo," dugtong ko. Nasa sa kan'ya na 'yon kung maniniwala siya sa sinabi ko o hindi. Basta sinabi ko kung ano ang totoo. Pero sana magbago ang isip niya at pabalikin sa trabaho si Paula. Bumalik na 'ko sa department ko after kong gawin ang ipinag-uutos niya kanina. Nang makabalik ako, pinagpatuloy ko na rin ang naiwan kong trabaho at nag-focus sa paggawa nito. Another report 'to para sa supplies ng department ko noong nakaraang buwan. Gusto niya rin kasing makita at malaman. Sa totoo lang, naii-stress ako sa kan'ya. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi gusto niya na maipasa sa kan'ya agad kinabukasan. No'ng si Mrs. Montero pa ang boss namin, nagse-set siya ng deadline every 3-4 days in a week. Pero ngayon na siya na ang boss, hindi na gano'n. Kinabukasan dapat nakahanda na. Sobrang taas ng expectations niya pagdating sa mga empleyado niya. Kaya sobrang nape-pressure ako ngayon na hindi naman dapat. "THENAAA!!" Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Paula at pati na rin ang mga kasamahan namin dito sa loob ng office. Ewan ko kung saan siya nanggaling pero umiiyak na naman ito. Pinaiyak na naman ba siya ng boss namin? "Oh? Anyari?" Nag-aalala na tanong ko pero bigla niya 'kong niyakap nang makalapit siya sa direksiyon ko na ipinagtaka ko. Anong meron? Bakit niya 'ko niyakap? "Thena, sobrang thank you. Dahil sa tulong mo at sa mga sinabi mo kay boss pinabalik niya 'ko sa trabaho. Thank you, Athena," umiiyak na sambit nito matapos niya 'kong yakapin. Napangiti ako .. akala ko hindi siya maniniwala sa sinabi ko sa kan'ya kanina. Pero natuwa ako kasi hindi natanggal sa trabaho si Paula. "Seryoso?! Pinabalik ka ni boss?!" Gulat ngunit natutuwang sambit ni Maurice nang makalapit siya sa direksiyon naming dalawa ni Paula. "Oo, Maurice .." mangiyak-ngiyak na sagot ni Paula. Kaagad naman siyang niyakap ni Maurice. Napangiti na lang ako nang makita silang dalawa na ganito ka saya. "Thank you talaga, Athena, ha?" Ani Paula sabay na humawak sa kamay ko. "You're welcome, Pau. Sino pa ba ang magtutulungan dito? Kundi tayo tayo lang din naman," nakangiting sagot ko. "Tama, kaya huwag ka nang umiyak. Nakakasira ng beauty 'yan," sang-ayon ni Maurice at nagtawanan naman kaming tatlo dahil sa huling sinabi niya. "Pero .. anong file ba 'yon? Bakit galit na galit si Sir Zach?" Usisadong tanong ni Maurice. Oras ng trabaho pero nagtsitsismisan kaming tatlo. Pero lunch time naman na kaya hindi kami pagagalitan ng supervisor namin kapag nahuli kami. "Ewan ko nga rin, eh. Pero 'yong name ng file ... hmm .. wait, nakalimutan ko," ani Paula habang nag-iisip. Important documents lang naman 'yong file name. Kaya wala pang 30 minutes nahanap ko na kanina. "Ahh! Oo, natatandaan ko na. Marriage proposal 'yong file name," wika ni Pau na ikinagulat naming dalawa ni Maurice. Marriage Proposal?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD