Chapter 36: A Twist of Fate

1083 Words
Habol ang hininga ng makarating ako rito sa opisina. Tumakbo ako pagkalabas ko ng opisina niya. Ewan ko, bigla nalang akong natakot sa banta niya. Parang anumang oras, may gawin siyang hindi ko magugustuhan. Pero bakit nga ba niya nasabi 'yon sa akin? Wala naman akong ginawa o sinabi sa kaniya para bantaan ako ng gano'n. Siraulo talaga ang lalaking 'yon. Kaya ayoko talaga na nagtatagpo ang landas naming dalawa rito sa opisina kasi may nangyayari na 'di ko talaga nagugustuhan at ngayon napagalitan niya 'ko. Pero 'di talaga dinidinig ni lord ang panalangin ko. "Oh, Athena, ano nangyari sa'yo?" Tanong ni Rusty, isa sa mga I.T rito sa office. Kaagad akong umayos ng tayo at hinarap siya. Hawak ko kasi ang magkabilang tuhod ko at habol ang aking paghinga nang makita niya 'ko. "W-Wala naman, ayos lang ako," med'yo nahihingal na sagot ko at sabay na pinunasan ang pawis ko sa leeg. Pinagpawisan talaga ako kahit ang ikli lang naman ng tinakbo ko. "Saan ka ba galing?" Usisa niya. "Umm, may kinuha lang sa ground floor," pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kaniya na galing ako sa opisina ng boss namin baka kasi mag-isip siya ng kung anu-ano lalo na't nakita niya 'ko sa ganitong sitwasyon na nahihingal at tagaktak ang pawis. "Ah gano'n ba. By the way, may meeting nga pala ang department natin after lunch," aniya. Pero .. balak ko pa naman sanang maghalf-day para mapuntahan ang anak ko mamaya. "Okay lang ba na wala ako? Balak ko sanang maghalf-day mamaya, eh," sagot ko. "Bakit may pupuntahan ka? Sa tingin ko okay lang naman. Narinig ko mula kay Miss Lena na tungkol lang naman ang meeting sa gagawing team building ng department natin. Magpaalam ka nalang sa kan'ya baka mag-e-expect 'yon na and'on ka sa meeting." Tumango na lamang ako bilang sagot. Gano'n naman talaga ang gagawin ko dahil baka mapagalitan niya 'ko kapag 'di ako nakapagpaalam sa kan'ya. Lunch break na. At balak ko na ring umalis. Nakapagpaalam na 'ko sa supervisor ko at pumayag naman siya basta raw sa susunod na meeting ng department namin um-attend na 'ko. Bitbit ko na ang aking bag nang makalabas ako sa opisina at naglakad na rin ako patungo sa elevator. Ewan pero parang gumaan ang pakiramdam ko nang makalabas ako sa opisina kanina. Siguro dahil sa makikita at makakasama ko na ang anak ko. "Sh*t!" Mahinang mura ko nang bumukas ang elevator at makita ko kung sino ang nasa loob nito. Pero bigla akong napapikit at napatakip ng bibig. Wrong choice of words, Athena. Bakit ba kung sa'n ako nando'n din siya? Hindi ba p'wede kahit isang araw lang hindi ko siya makita o makasama? "Do you have no plans to get in?" Masungit na sambit nito. Kaagad naman akong pumasok dahil baka tuluyan ng mag-sara ang pinto. "Thank you, sir," sambit ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kan'ya. Mabuti naman kasi ayoko ng marinig ang boses niya kahit ngayon lang. "Where are you going?" Ako ba kausap niya? Nilingon ko siya pero diretso lang ang tingin niya. Ako nga ang kausap niya. Hays, gusto ko nang peace of mind pero kinakausap niya pa rin ako. "Umm, may pupuntahan lang po, sir," sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya. "Where?" Muling tanong niya. Ba't ba gusto niyang malaman? Nagsimula na 'kong mairita sa kakatanong niya. Napabuntong hininga na lang ako at dumistansiya sa kaniya. Bahala siya, ayoko na siyang makausap. "I'm asking you, why you're not answering?" Iritableng sambit niya pero 'di ako sumagot. "Is it about what happened earlier?" Dugtong niya na nagpakunot ng noo ko. Alam niya na dahil do'n kaya ayaw ko siyang makausap? Pero 'di lang naman dahil do'n, may iba pang dahilan kaya ayaw ko siyang makausap. "Hindi naman po dahil kanina. Wala naman na po kasi kayong karapatan na malaman kung saan ako pupunta," sagot ko na nagpatahimik sa kaniya. Tumunog na ang elevator, hudyat na nasa groundfloor na kami. Ewan ko ba ba't ang bagal ng oras kapag siya ang kasama ko. Lumabas na rin ako pagkabukas nito at hindi na nagawang magpaalam sa kaniya. Tama lang ang ginawa ko para hindi na siya magsalita pa. At hindi niya na rin ako kausapin pa. Nang makarating ako sa parking lot, sumakay na 'ko agad sa kotse ko at umalis na rin ng kompanya. Balak ko munang dumaan sa fast food para bumili ng pagkain since hindi ako nakakain ng tanghalian kanina. At doon na 'ko kakain sa school ni Aaron. Walang alam ang anak ko na pupuntahan ko siya. Balak ko siyang i-surprise para naman kahit papa'no mapasaya ko siya. Nababad ako sa trabaho simula no'ng nakaraang linggo pa at ngayon lang ako nagkaroon ng bakanteng oras para makabawi sa kaniya. "Aaron.." Tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang naglalaro sa playground kasama ang mga kaklase niya. Kaagad naman siyang lumingon sa direksiyon ko at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Kararating ko lang at siya na agad ang hinanap ko. "Mommy!!" Gulat ngunit nakangiting aniya bago tumakbo papunta sa direksiyon ko at kaagad akong niyakap ng mahigpit na parang wala ng bukas. Napangiti ako bago tumugon sa yakap niya. "I miss you, Mommy. Akala ko po nasa trabaho ka," aniya matapos ako nitong yakapin. "I miss you too, anak. Nag-half day lang ako para mapuntahan kita rito kasi sobrang namiss ka na ni mommy," sagot ko at mahinang kinurot ang magkabilang pisnge niya. Napangiti siya at muli akong niyakap. "Nakinig ka ba sa klase kanina? Hindi ka naging pasaway? Sinunod ang mga bilin ni mommy?" Tanong ko nang makarating kami sa isang bench. Nilabas ko na rin ang mga binili kong pagkain sa fast food kanina at nilapag sa mesa. Si tiya Rosa may binili lang sa labas kaya hindi namin siya kasama ngayon. Pero ewan ko ba ba't ang tagal niya bumalik? Eh, kanina pa siya umalis. "Yes naman po, Mommy. Nakinig po ako kay teacher kanina at hindi po ako naging pasaway," sagot niya. "Very good, sige na kumain ka na habang mainit pa 'yan." "Aaron!" Pamilyar ang boses na 'yon. Magkaharap kami ng anak ko kaya hindi ko nakikita kung sino ang nasa likod ko kundi siya lang. Pero nagtaka ako, kasi nagsalubong ang dalawang kilay ng anak ko. Hindi na 'ko nagtanong, nagdesisyon na lang ako na lumingon para malaman ko kung bakit. Pero nanlaki bigla ang mga mata ko nang malaman ko na ang dahilan. Si Amy kasama si ... SIR ZACH?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD