"Nak, nandito na sa loob ng bag mo ang baon mo, okay? Then ang tumbler mo nandito na rin. Inom ka nang maraming tubig at ubusin mo ang pagkain mo, okay?" Paalala ko sa anak ko. Tumango naman ito bilang sagot at ngumiti sa akin.
Nagsusuot siya ng kan'yang sapatos. Balak ko sana siyang tulungan pero ayaw niya, big boy na raw siya at kaya niya na. Natutunan ng maging independent nang anak ko.
"Thank you po, mommy," pasalamat nito at niyakap ako pagkatapos niyang magsuot ng sapatos.
"You're welcome, anak .. be a good boy, hmm? Huwag makulit at makinig ng mabuti kay teacher."
"Yes po, mommy," nakangiting sambit niya at sumaludo pa ito na parang sundalo. Tumawa na lang ako at sabay na kinurot siya sa pisnge.
Nang masigurado ko na wala na 'kong nakalimutang dalhin, lumabas na rin kaming dalawa ni Aaron sa bahay. Matapos kong ma-lock ang pinto nagtungo na rin kami sa garahe ng sasakyan. Nandoon na si tiya Rosa at naghihintay sa amin.
'Yong sasakyan, regalo sa akin 'yon no'ng birthday ko noong nakaraang taon ng mga magulang ni Vanessa. Second hand lang 'yon pero maganda at nagustuhan ko. Hindi ako marunong magmaneho kaya nag-driving lessons ako at after a month, marunong na 'ko. At na hahatid-sundo ko na sina Aaron sa school at may sasakyan na 'ko papuntang trabaho.
"Oh! Tiya, kanino po 'yan galing?" Gulat na tanong ko nang makarating na kami sa garahe. Naabutan namin siyang may hawak na isang bouquet ng tulips.
"Hindi na naman sinabi no'ng rider, eh." Sagot ni tiya Rosa at inabot sa akin ang bulaklak.
Kung hindi bulaklak, pera at kung anu-ano pa ang pinapadala rito sa bahay. Kahit na lumipat na kami, alam pa rin nito ang address ko at iisang tao pa rin ang nagpapadala nito sa akin. Si Mr. Z, siya pa rin at wala nang iba.
"Mommy, kanino po galing?" Usisa ng anak ko. Gusto niya ring malaman kasi pinadalhan na rin siya ng mga laruan ng taong 'to.
"Huwag mo nang alamin, anak. Hali ka na, alis na tayo baka ma-late ka pa sa school," sagot ko at pinagbuksan na siya ng pinto.
Simula no'ng bumalik ako sa pag-aaral, panay padala siya ng pera sa tuwing kapos ako at maraming kailangang bayaran sa school. Ewan ko ba kung pa'no niya nalalaman ang tungkol do'n. Pero hindi ko naman ginastos ang perang pinapadala niya kasi hindi ko naman siya kilala. Nakatago 'yon at ibabalik ko na lang lahat kapag nakilala ko na siya.
Nag-iba na ang tingin ko sa kan'ya, hindi na secret admirer kundi stalker. Kasi halos walong taon na rin siyang panay bigay at padala ng kung anu-ano sa akin at sa pamilya ko. Nagdududa na 'ko at hindi ko na rin napigilan ang matakot. Minsan naisipan ko na lang na takutin ang rider para lang sabihin niya sa'kin kung sino pero wala talaga eh. Ayaw niyang sabihin pero kilala raw ako nito.
"Maraming beses na 'yan, anak. Kailangan mo nang i-report 'yan sa pulis," wika ni tiya Rosa at pagkatapos ay sumakay na rin siya sa sasakyan.
Balak kong gawin 'yon noon pa pero nawalan ako ng lakas ng loob kasi hindi naman ako sigurado kung masamang tao ba siya o hindi. Pero sa mga ginagawa niya, sa tingin ko hindi. Kasi kapakanan ko at ng pamilya ko ang iniisip niya. Kaya gustong-gusto ko na siyang makilala habang maaga pa.
Nang maihatid ko sina tiya Rosa at Aaron sa school, dumiretso na rin ako papuntang trabaho. Gusto ko pa sanang dumaan sa coffee shop pero malapit ng mag-alas otso ng umaga. Baka ma-late pa 'ko at makatanggap ng memo. Ayoko namang mangyari 'yon.
Kararating ko lang ng kompanya pero pagkaapak ko pa lang sa entrance, naramdaman ko na agad ang pagod. Huwag naman sana kasi Monday ngayon at ayokong ma-stress ng maaga.
Dumiretso na kaagad ako sa loob at nagtungo na sa elevator. Sixth floor pa 'yong department ko at med'yo marami-rami na rin ang nakatayo sa harapan ng elevator. Kailangan kong magmadali kasi baka hindi ako umabot at ma-late pa 'ko.
"Thena!"
Napalingon ako agad nang may tumawag sa akin. Nandito na 'ko sa harapan ng elevator at naghihintay na makasakay. Si Maurice lang pala, kasamahan ko sa trabaho at iisang department lang kami which is IT Department.
"Good morning," bati ko sa kan'ya.
"Good morning, kumusta ang gising mo? Mukhang antok ka pa or kulang ka lang sa kape?" Aniya, natawa ako .. 'yon talaga agad ang napansin niya.
"Both, gusto ko nang uminom ng kape para magising naman ang diwa ko. Inasikaso ko pa kasi ang anak ko kanina kaya ngayon antok pa."
"Mother roles .. hays, saludo ako sa kasipagan mo at pagiging mommy mo. Anyways, kailan mo ulit siya dadalhin dito? Huli ko siyang nakita no'ng Christmas Party natin sa office," saad niya.
Pumasok na rin kaming dalawa sa loob ng elevator nang bumukas ito at may apat na lalaki ang sakay nito. Med'yo nagulat pa 'ko kasi silang apat nakasuot ng black na toxido, kulang na lang shades para magmukhang bodyguard.
"Hindi ko pa alam, may pasok na rin kasi siya eh tapos ang pahinga niya weekends lang. Ayoko namang ma-stress ang bata. Baka sa susunod, masasama ko na siya rito," tugon ko.
Naiilang ako kasi ang apat na lalaki nakatayo sa likuran namin pero itong si Maurice chill lang at walang pakialam sa mga kasama niya rito sa loob.
"Gano'n ba, gusto ko na siyang makita ulit. By the way, may chika ako sa 'yo," excited na sambit niya.
Dito pa talaga sa loob ng elevator kung saan pa may kasama kami. Pero hindi ko na mapigilan 'to, madaldal 'tong si Maurice.
"Alam mo na ba na may bago na tayong boss? Ngayon daw siya papasok sabi ni Lara, 'yong friend ko na taga Marketing office, tanda mo?" Tumango ako bilang sagot pero hindi ko alam na may bago na kaming boss.
"Ayun nga, siya raw ang papalit na CEO kasi alam mo naman 'di ba na si Mrs. Montero tumatanda na? Since siya naman raw ang tagapagmana ng kompanya kaya siya na ang papalit," dugtong niya.
"Ibig mong sabihin .. 'yong anak ni Mrs. Montero ang papalit sa kan'ya sa puwesto?" Tugon ko, nagtataka sa sinabi niya.
"Exactly! Sabi ni Lara sobrang pogi raw niyon at mayaman. Kaya nga excited akong makita siya, eh. Ano kaya sa tingin mo ang itsura niya?" Kinikilig na sambit niya.
Lalaki pala ang anak ni Mrs. Montero, ngayon ko lang nalaman kung hindi sinabi ni Maurice. Nagtrabaho lang naman kasi ako sa kompanya na hindi tinitingnan ang family background nang nagmamay-ari nito. Bukod sa hindi ako interesado, ayoko ring malaman. Pero mabait si Mrs. Montero sa mga empleyado niya gano'n din sana ang anak niya.
Bakit kaya hindi pa bumababa 'tong mga kasama namin sa elevator? Sixth floor din ba ang punta nila?
"Hays, salamat nakarating din," usal ko at lalabas na sana ng elevator pero bigla akong nawalan ng balanse dahil sa suot kong heels. Akala ko matatapilok na 'ko pero may biglang sumalo sa akin.
"Are you okay? Are you hurt?" Nag-aalala na tanong nang lalaking sumalo sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa kan'ya at biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Jusmiyo marimar! Ang gwapo niya!!
"Uhm.. ah .. hi-hindi. A-Ayos lang ako .. salamat," nauutal na sambit ko at umayos na ng tayo.
Nakakahiya na kasi, 'yong tatlong kasama niya walang emosiyon na nakatingin sa akin habang si Maurice kinikilig na ewan dahil sa nasaksihan.
"Be careful next time," aniya at maliit na ngumiti sa akin. Nauna na rin siyang lumabas ng elevator at kasunod nito ang tatlong lalaki.
Diyos ko parang hindi ako makagalaw dahil sa nangyari. Natameme ako dahil sa taglay niyang kagwapuhan.
"Ang mouth paki-close baka may pumasok na langaw," natatawang sambit ni Maurice. Hindi naman totoo, sinusundan ko lang ng tingin 'yong lalaki kanina.
"Kilala mo kung sino 'yon?" Tanong ko nang makalabas na kami ng elevator.
"Hindi eh pero base sa pananamit niya .. baka kamag-anak ni Mrs. Montero. Gwapo eh at halatang mayaman," sagot niya.
Baka nga tama ng hula si Maurice pero how about naman 'yong tatlong kasama niya? Bodyguards?
Na curious tuloy ako, sino naman kaya 'yon?