Bigla kong hinarap si Sir Zach na ngayon ay nakatingin sa akin pero wala akong makitang emosiyon sa mukha niya. Binalot ng kaba ang puso ko nang mapatingin siya kay Aaron na ngayon ay nakatingin din sa kan'ya.
Bigla kong hinawakan sa braso si Aaron at dinala sa likod ko bago pa nito mapansin na magkamukha sila.
"S-Sir Zach, nand'yan po p-pala kayo," nauutal ngunit kinakabahan na sambit ko. "H-Hindi na po kami magtatagal, may k-kailangan pa kasi akong asikasuhin sa bahay tapos-"
"But your son still wants to play with his friends," putol nito sa akin. Natahimik ako at napatingin kay Aaron na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Sir Zach.
Jusko! Meron siyang napapansin at panigurado mamaya marami siyang sasabihin o itatanong sa akin.
"Mommy, sino po siya?" Nagtatakang tanong ni Aaron nang pumunta siya sa tabi ko at sabay na humawak sa braso ko. Ngunit hindi pa rin maalis ang tingin niya kay Sir Zach.
"Umm.. anak, siya ang boss ko-"
"Iyong boss mo na masungit, mommy?" Putol niya sa akin at umiwas ng tingin kay Sir Zach.
Mag-ama talaga sila, ang hilig nilang putulin ang sasabihin ko.
Palihim akong umiling at sumenyas na tumahimik siya. Balak pa yata niya 'kong ibuking sa harapan ng boss ko, sa tatay niya.
"Ah, hindi anak .. hindi siya 'yon," sagot ko at tumingin kay Sir Zach na masama na ang tingin sa akin ngayon.
"I'm Zachariah Elliott Montero, how about you? What is your name?" Seryosong sambit ni Sir Zach pero hindi sumagot si Aaron sa halip ay tiningnan lang siya nito.
"Anak, tinatanong ka niya," mahinang sambit ko. Pero hindi pa rin sumagot ang anak ko.
"Do you have a name, or I'll call you any names you'd prefer?" Ani Sir Zach na ngayon ay yumuko na at nilapit ang mukha kay Aaron.
Pero pokerface pa rin ang anak ko at ewan ko ba kung bakit.
"I don't talk to strangers," masungit na sambit ni Aaron na ikinagulat ko at maging si Sir Zach. "Iyon po ang laging sinasabi sa akin ng mommy ko. Kaya ayoko po na sabihin sa inyo ang pangalan ko," dugtong pa nito.
"O-Okay, I understand," tugon ni Sir Zach at kaagad na umayos ng tayo. Pero alam kong napahiya siya sa sinabi ng anak ko.
Tumatak talaga sa isipan ni Aaron ang gano'ng bagay at ngayon nasabi niya mismo sa kan'yang tatay. Nakakaproud lang kasi ang mga sinasabi ko sa kan'ya hindi niya kinakalimutan. Pero nakakahiya lang kasi kay Sir Zach pa niya nasabi 'yon na hindi naman dapat.
"Uncle Ellie!"
Bigla akong napalingon nang may isang batang babae na tumakbo papunta sa direksiyon niya. At nang makarating ito ay kaagad siyang yumakap kay Sir Zach. Ang batang ito ay walang iba kundi si Amy.
Uncle Ellie?
Ibig sabihin ba niyon pamangkin siya ni Sir Zach?
"How old is he?" Tanong nito habang nakatingin sa direksiyon ni Aaron.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench malapit sa playground at pinapanuod ang mga bata na malayang naglalaro.
"Seven," sagot ko nang hindi nakatingin sa kan'ya. Kaharap ko lang siya ngayon pero ayoko siyang tingnan.
Uuwi na dapat kami ni Aaron kaso si Amy nakiusap sa akin na huwag na raw muna kami umuwi. Kaya ayun, nanatili pa rito na hindi ayon sa kagustuhan ko.
"He's smart, halatang sa'yo nagmana," aniya na ikinagulat ko.
Compliment ba 'yon? Ngayon lang ako nakarinig ng ganito mula sa kan'ya.
"Umm, si Amy .. anak mo?" Tanong ko, iniiwasan na pag-usapan si Aaron. Napansin ko kasi na parang bigla siyang naging interesado sa buhay ng anak ko.
"No, she's my cousin's daughter," tugon nito.
"Ba't ikaw ang um-attend ng meeting?"
"Her parents are out of the country. They are busy running their business. She lives temporarily in my mother's house, but I'm the one who takes good care of her and provides for her needs. So, that is why I'm the one who attended the meeting."
Ang swerte ni Amy, mahal na mahal siya ni Sir Zach na kailanman hindi naramdaman at naranasan ng anak ko sa tatay niya. Ewan ko, bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya.
"I never thought that you had a son," aniya.
Hindi ko rin iniisip na magkakaroon ako ng anak sa'yo.
"I thought you're single and not married," aniya pero tunog dismayado. Nakapagtataka pero hindi ko na lamang ito pinansin.
"Kung iniisip po ninyo na may asawa ako, wala po ako niyon. Single-mom po ako," sagot ko bago tumingin sa kan'ya.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. "I'm sorry, I-I didn't know," paumanhin nito.
"Ayos lang po, hindi niyo kailangang mag-sorry," sabi ko at maliit na ngumiti sa kan'ya.
Ewan ko kung bakit hindi niya 'ko naaalala? Wala namang nagbago sa mukha ko pero bakit hindi niya 'ko natatandaan na nagkakilala na kami noon?
Sabagay ang tingin niya sa'kin ay isang bayarang babae at kailanman hindi na 'yon mababago.
"Umm, magpapaalam na 'ko, sir Zach. Meron pa kasi kaming pupuntahan bago umuwi," sabi ko sabay na tumayo.
Tumayo na rin siya at inayos ang suot nito.
"Okay, I understand," sagot nito.
Kaagad ko na ring tinawag si Aaron. Lumapit naman ito kasama si Amy na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa amin. Nahihiwagaan ako sa ngiti niya pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang ito.
"Uuwi na po kayo, Tita Athena?" Tanong ni Amy at tumango naman ako bilang sagot.
"Sorry ha? May pupuntahan pa kasi kami, eh. Laro na lang ulit kayo ni Aaron next time, hmm?" Sabi ko at ngumiti sa kan'ya.
"Okay po, Tita Athena. I understand po, ingat po kayo ni Aaron," sagot nito.
Napakabait na bata at maganda pa. Nakakalungkot lang kasi hindi niya makakasama ang mga magulang niya sa pag-celebrate ng family day.
"Thank you, Amy, ingat din kayo ng uncle mo." At umalis na rin kami ni Aaron pagkatapos kong magpaalam kay Sir Zach.
Pero habang naglalakad palabas ng school, hindi ko maipaliwanag ang mukha ng anak ko. Para siyang naguguluhan na nagtataka habang nag-iisip tapos nakahawak pa siya sa baba niya. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa kan'ya pero nagsisimula na 'kong magtaka.
"Anak, okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansin no'ng naglalakad tayo palabas ng school. May iniisip ka ba?" Ani ko nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa bahay ni Vanessa.
"May iniisip lang po ako, mommy," sagot niya bago tumingin sa akin.
"Tungkol naman saan?" Tanong ko pero nakaramdam na 'ko ng kaba sa katawan.
"Tungkol po sa boss niyo," sagot niya na ikinagulat ko. Bigla kong naihinto ang sasakyan. Buti na lang walang sasakyan sa unahan at tamang-tama lang din dahil naging kulay pula ang traffic light.
"Ano naman ang tungkol sa kan'ya?"
"Ewan ko, mommy .. no'ng nakita ko siya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Mommy, normal lang po ba ang gano'n?"
Lukso ng dugo.
Ito na ang kinakatakutan ko noong nakaraan pa. Kaya ayaw ko na magtagpo ang landas nilang dalawa kasi makakaramdam talaga siya ng kakaiba.
Natahimik ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Tapos mommy, pansin ko na .. magkamukha kami."