"Hindi naman ba siya nagtaka no'ng nakita niya si Aaron?" Tanong ni Vanessa sabay lapag ng isang basong juice sa ibabaw ng mesa.
"Thanks, Van. Umm, hindi ko alam pero parang naging interesado siyang kilalanin si Aaron," sagot ko.
Nakarating na kami sa bahay ni Vanessa at naikuwento ko na rin sa kan'ya ang mga nangyari kanina sa school. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa may sala samantala si Aaron nasa kwarto niya at nanunuod ng cartoons. Si Vanessa ang nagpapunta sa kan'ya ro'n para malaya kaming makapag-usap at hindi marinig ng anak ko ang pag-uusapan namin.
"Masamang pangitain na 'yan, Athena. What if naging interesado siyang kilalanin si Aaron kasi napansin niya na magkamukha sila? Pati nga anak mo napansin niya, eh. Kaya posible talaga na mapapansin niya 'yon. Alam mo 'yong lukso ng dugo? Baka dahil do'n kaya naguguluhan at nagtataka ang anak mo."
Natahimik ako at napahawak sa ulo ko. Kanina pa 'ko nag-iisip at nag-aalala para sa kalagayan ng anak ko. Ngayon na nagkita na silang dalawa, hindi na mawawala sa isip ni Aaron ang mukha ni Sir Zach. At ayoko na dumating sa punto na mas lalo niyang kilalanin ang taong 'yon.
"Thena, ayaw kitang pangunahan sa desisyon mo pero sa tingin ko kailangan mo nang sabihin kay Aaron ang tungkol sa tatay niya," saad ni Vanessa.
"Natatakot ako, Van .. pa'no kung magalit siya sa'kin? Pa'no kung hindi niya matanggap? Van, ayokong masaktan ang anak ko," sabi ko at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.
Matagal ko na 'yong pinag-isipan, na sabihin kay Aaron ang katotohanan pero na duwag ako kasi ayoko siyang masaktan at ayoko na magalit siya sa'kin.
"Naintindihan ko pero nasa isang sitwasyon na kayo na nakita niya na ang tatay niya. Hindi mo man pinakilala sa kan'ya pero alam mo naman kung pa'no mag-isip ang anak mo, 'di ba? Kung paano ka niya tanungin na hindi mo kayang sagutin?"
Kanina hindi ako nakasagot sa mga tanong ni Aaron kasi baka magkamali ako ng isasagot sa kan'ya. Kaya mas pinili kong manahimik at balewalain ang mga sinabi niya.
"Athena, maghanap ka nang tamang tiyempo para sabihin sa kan'ya ang tungkol sa tatay niya. Hindi mo 'yan maitatago sa kan'ya habambuhay. Kaya habang mas maaga pa, habang hindi pa alam ni Zach ang tungkol sa kan'ya, sabihin mo na sa kan'ya ang totoo."
Tumango ako bilang sagot bago yumakap kay Vanessa. Mabuti na lang nandito siya para tulungan at gabayan ako. Hindi ko kakayanin 'to ng mag-isa. Pero gagawin ko ang lahat para sa anak ko at para sa ikatatahimik ng buhay namin.
"Van, bumisita ka na lang sa bahay, ha? Bukas kasi kailangan kong mag-report sa trabaho," sabi ko nang papalabas na kami ng bahay niya.
Aalis na kami ni Aaron pero bago kami uuwi dadaan muna kami sa mall para bumili ng sapatos. Nasira kasi 'yong school shoes niya kahapon at kailangan na talagang palitan kahit p'wede pa namang ayusin. Pero luma na rin kasi kaya kailangan na talagang bumili ng bago.
"Sige, pero 'di ba dapat wala kang work bukas?" Aniya, tumango ako bilang sagot.
"May ipapagawa lang sa'kin ang supervisor ko," sabi ko at pinagbuksan ng pinto si Aaron. Sumakay naman siya kaagad at nagsuot ng seatbelt.
"Sad, eh hindi lang naman ikaw ang IT sa kompanya. Bakit ikaw lagi ang inuutusan? Ikaw na nga ang naka-assign sa boss mo tapos ikaw pa ang gagawa ng ibang work sa department mo?" Naiinis na wika ni Vanessa. "Seriously, nakapaka-unfair na niyan. You have other things to work on to, pero sa'yo inaasa lahat," dugtong nito.
"Wala rin naman akong ibang choice, eh. Kaya kailangan kong gawin kahit na labag sa loob ko. 'Tsaka trabaho ko 'yan, hindi ko p'wede i-asa sa iba," sagot ko.
"Gano'n na nga, 'yon lang. I hope kayanin mo but I believe in you. Alam kong kaya mo," aniya sabay na ngumiti sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Ingat ka rito, ha? Bumisita ka na lang sa bahay kapag hindi ka busy."
"Yeah, I'll visit you tomorrow. Ingat din kayo, message me once you arrive home." At niyakap ako nito. Sumakay na rin ako sa kotse pagkatapos kong magpaalam sa kan'ya.
Nang makarating kami sa mall, pumunta na kaagad kami ni Aaron sa bilihan ng mga sapatos. Ang daming tao ngayon dito sa mall pero hindi naman siksikan kaso kada shop ang daming bumibili at mahaba ang pila.
"Mommy," tawag sa'kin ng anak ko. Kaagad naman akong yumuko para tingnan siya.
"Yes, anak?" Sagot ko at huminto muna sa paglalakad.
"Bilhan po natin si Lola ng bulalak, mommy. 'Yong natatanim po, mahilig po kasi si Lola ro'n, eh. Okay lang po ba, mommy?" Aniya na nagpangiti sa akin. Naiisip niya rin pala ang lola niya. Nakakatuwa lang na sobrang importante ni tiya Rosa sa buhay niya.
"Oo naman, okay lang. Mamaya after nating bumili ng sapatos mo. Okay ba 'yon?" Sagot ko at ngumiti sa kan'ya.
"Yes po, mommy, thank you po," aniya sabay na yumakap sa akin.
"Let's go na?" Tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.
Ngunit hindi natuloy ang pag-alis namin nang may bumunggo sa'king lalaki at sabay na nahulog ang hawak nitong cellphone.
"Oh my god! I'm sorry, did I hurt you? I'm really sorry," paumanhin nito pero hindi ko siya sinagot.
Nakahawak pa rin ako sa noo ko na tumama sa cellphone at nauntog sa dibdib niya. Ang lakas ng impact pero buti na lang hindi ako tumilapon kanina.
"Mommy, okay lang po ba kayo?" Nag-aalala na tanong ng anak ko.
"Yes anak, okay lang ako," sagot ko sabay na tinanggal ang pagkakahawak ko sa noo. "Okay lang, hindi mo kailangang mag-"
Pareho kaming nagulat nang mapatingin kami sa isa't isa. Binalot na rin ng kaba at takot ang puso ko nang bigla siyang mapatingin kay Aaron, at nagtatakang napatingin sa akin.
Hindi ko inaasahan na siya ang makakaharap ko ngayon. Sa hinaba-haba ng taon ang nakalipas, ngayon ko lang siya nakita ulit at dito pa talaga sa mall.
"S-Sir Lim?" Usal ko. Hindi siya sumagot sa halip ay palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Aaron.
"Mommy, sino po siya?" Nagtataka na tanong ni Aaron pero hindi ako nakasagot.
"H-He's your son?" Hindi makapaniwalang sambit nito na ikinatahimik ko.
Napayuko ako at napatakip ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mabuti na lang wala si Aaron ngayon dito sa tabi ko dahil baka masaktan siya sa mga sasabihin ko.
Nasa isang ice cream shop kami ngayon. Dito namin mas piniling mag-usap kasi iilan lang ang customer. Nasa kabilang table si Aaron kasama ang nakababatang kapatid na babae ni Sir Lim. Kaya ako nabangga ni Sir Lim kanina dahil sa paghahanap sa kapatid niya.
Ayoko sana siyang kausapin kasi malalagay sa alanganin ang lahat pero hindi ko na siya kayang takasan ngayon pa na nakita niya na si Aaron.
"I'm really sorry, Athena. Hindi lahat mangyayari 'yon sa'yo kung hindi dahil sa ginawa ko. It was all my fault, and you can blame me for everything bad that happened to you before. I'm really sorry, I hope you'll forgive me," aniya sa nagmamakaawang tinig.
"Wala po kayong kasalanan, kaya hindi niyo kailangang mag-sorry. 'Tsaka tapos na 'yon at ilang taon na rin ang nakalipas. Masaya na 'ko sa buhay na meron ako ngayon," sagot ko. "Oo, siya ang anak ko, nabuntis ako ng kaibigan niyo p-pero hindi po ako nagsisi na nagkaanak ako ng maaga," dugtong ko na ikinagulat niya.
"A-Akala ko hindi totoo 'yong mga sinabi nila tungkol sa'yo, na .. buntis ka," aniya.
"Totoo 'yon, pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa inyo. A-At hindi ko pwedeng sabihin," sabi ko at umiwas ng tingin sa kan'ya.
"Why? You can tell me, and you can trust me with everything."
"Kung sakaling sinabi ko sa'yo, kakayanin mo bang hindi sabihin sa kaibigan mo?"
Hindi siya nakasagot sa tanong ko sa halip ay napabuntong hininga siya ng malalim at tumingin sa direksiyon ng anak ko.
"But he needs to know. He's the father-"
"Hindi niya kailangang malaman dahil wala siyang karapatan sa anak ko. 'Yong nangyari sa amin kinalimutan ko na 'yon at alam kong gano'n din siya," putol ko sa kan'ya. "Kaya sana huwag mong sabihin sa kan'ya na may anak kami kapag nagkita kayo."
Sana maintindihan niya ang mga sinabi ko. Bago pa malaman ng kaibigan niya na may anak kami, kailangan ko munang sabihin sa anak ko ang tungkol sa tatay niya. Mas importante 'yon kaysa ro'n.
"I haven't seen him .. for years," aniya na ipinagtaka ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"We haven't seen each other for 8 years. He just disappeared like nothing happened. The last time I saw him was that night when you accompanied him to his condo. After that, there was no presence or any news of him."
Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Sobrang tagal na niyon at imposible na bigla na lang siya lalaho na parang bula.
Ano kayang nangyari sa kan'ya pagkatapos niyon?