Napabuntong hininga ako ng malalim nang muli ko na namang maisip ang mga nangyari kahapon. 'Yong pagkikita namin ni Sir Lim at ang mga napag-usapan namin na nakaiwan ng maraming katanungan sa akin.
Nagtataka pa rin ako, at naguguluhan sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala roon sa sinabi niya tungkol kay Zachariah. Na bigla na lang itong hindi nagpakita sa kan'ya.
Bakit? Bakit bigla siyang hindi nagpakita?
Hindi ko na dapat isipin ang tungkol do'n pero .. gusto kong malaman kung bakit nangyari 'yon. Pero paano ko malalaman kung hanggang ngayon takot at ayoko pa ring sabihin sa kan'ya ang mga nangyari sa pagitan namin noon, at tungkol sa anak naming dalawa?
"Tsk! Huwag mo nang isipin 'yon, Athena. Huwag na," biglang sabi ko sa sarili sabay na napatihaya sa upuan.
Nandito na 'ko ngayon sa office at ginagawa ang ipinag-uutos ni Miss Lina, ang supervisor ko. Hindi naman gaano kahirap ang pinapagawa niya dahil tungkol lang naman ito sa bagong software ng department namin. Pero hindi ko pa natapos dahil sa kakaisip ng mga napag-usapan namin ni Sir Lim kahapon.
"Thena, lunch na tayo," aya ni Trixie sa akin.
"Sige Trix, kumain ka na. May baon akong lunch dito, eh. Sayang naman kung hindi ko kakainin," sagot ko.
"Gano'n ba, sige Thena. Kain lang ako, ha? Kain ka na rin," aniya at ngumiti sa akin. Lumabas na rin siya ng office at ako na lang ang naiwang mag-isa rito.
Sina Pau at Maurice hindi pumasok sa trabaho kasi day-off nilang dalawa, at ang ibang kasamahan ko rito nasa baba na para mag-lunch.
Hays, solo ko na naman ang office. Pero ayos lang, ang sarap sa pakiramdam na ganito ka tahimik at payapa ang office. Nakakawala ng stress at nakakagana magtrabaho.
"Thena.."
Nag-angat ako ng tingin at napatingin sa pinto. Si Miss Lina lang pala na may bitbit na limang kape galing Star Coffee. Ang malapit na coffee shop dito sa kompanya.
"Miss Lina, bakit po?" Tanong ko at agad na tumayo.
"I'll just want to remind you about the report. I needed it by 3 pm. Kailangan muna kasing ipa-approve 'yan sa boss natin bago natin i-release," sagot niya.
"Yes, Miss Lina, copy po. Isesend ko na lang po sa email niyo before 3 pm."
"Okay, thank you, Athena. Anyways, I have to go. Dadalhin ko pa 'to sa office ng boss natin."
Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit apat na kape? Eh, wala namang kasama si Sir Zach sa office niya no'ng pumunta ako ro'n kanina para mag-ayos ng internet niya?
"B-Bakit po apat na kape? At ba't po kayo ang maghahatid niyan?" Nagtataka na tanong ko.
"Dumating kasi 'yong mga kaibigan niya kanina. At ako ang maghahatid nito kasi wala 'yong secretary niya," sagot ni Miss Lina.
Mga kaibigan niya? I-Ibig sabihin niyon, nandito si Sir Lim?!
Pero sabi niya kahapon ..
"Athena, are you okay?" Nag-aalala na tanong ni Miss Lina nang bigla akong natahimik at napatulala.
"A-Ayos lang po ako, Miss Lina. Sorry po," sagot ko at maliit na ngumiti sa kan'ya.
"Okay, alis na 'ko. Kumain ka na ng lunch," aniya at umalis na ng opisina.
Sinong mga kaibigan ni Sir Zach?
Kinakabahan ako, kapag ang mga kasama niya sa bar noon ang tinutukoy ni Miss Lina, malalagot ako. Maaari nila akong maalala at makilala. Pero hindi ako papayag na dahil do'n malaman ni Sir Zach kung sino ako.
"Athena, kalma, hindi ka nila makikilala. Hindi sila 'yon, Hindi p'wede," sabi ko sa sarili at napabuntong hininga para pakalmahin ang sarili.
Kahit ano man ang mangyari, hindi ako lalabas ng opisina.
"Sh*t!" Usal ko nang biglang tumunog ang telepono.
Kaagad ko namang tinungo ang table ko para sagutin ang tawag.
"IT Department, good afternoon," sabi ko matapos kong damputin ang telepono.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Sa tingin ko, nagkaka-panic attack na naman ako at hindi 'to maganda.
(Hello, Miss Sandoval)
Napamura ako sa aking isipan. Kahit hindi niya na banggitin kung sino siya, malalaman ko na agad dahil sa boses niya.
"Y-Yes, Sir Zach?" Kinakabahan na tugon ko sabay na napahawak ng mahigpit sa telepono.
(Come to my office, fix again my internet)
"Tang*na!" Mahinang mura ko at naiinis na nagpupumadyak.
Pero buti na lang nailayo ko ang telepono kung hindi baka narinig niya na ako.
Nakakainis! Bakit lagi na lang nawawalan ng internet ang office niya? Sinasadya niya ba? Kapag talaga ako tuluyang napikon, tatanggalin ko na talaga ang internet connection niya.
(Miss Sandoval?)
"Yes, sir, coming po," sagot ko at binaba na ang telepono.
Napapikit na lang ako sa sobrang pagkainis sa taong 'yon. P'wede ba na kahit isang beses lang, hindi ko siya makita o makausap? Na iimbyerna na talaga ako sa pagmumukha niya.
"Okay! Act like you don't know them," sabi ko at lumabas na ng office.
Lord, ikaw na ang bahala sa akin. Sana hindi nila ako makikilala at sana hindi sila 'yong mga nakita at nakilala ko noon.
Nakarating na 'ko ngayon sa office ng CEO pero hindi ako pumasok, nandito pa rin ako sa labas ng opisina niya. Ayokong kumatok kasi baka hindi siya ang sasalubong sa akin.
"Why you're still there?"
Napasinghap ako at gulat na napatingin sa kan'ya. Hindi ko man lang napansin na siya ang kusang bumukas ng pinto.
"Umm.. sir-"
"Get inside." Putol niya sa akin at bigla akong tinalikuran pero iniwan niyang bukas ang pinto.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok ng opisina niya pero parang gusto ko nang lumabas nang tuluyan ko ng makita ang mga kasama niya rito sa loob.
Kahit isang beses ko lang sila nakita at kahit may naging pagbabago man sa kanila ngunit tanda ko pa rin ang mga mukha nila.
"Miss Sandoval."
"S-Sir?"
Hindi ko pa pala naisara ang pinto sabagay ngayon palang gusto ko nang lisanin ang silid na ito.
Hindi ko man lang napansin na ang apat niyang kasama rito ay nakatingin sa akin. Wala akong napansin na pagtataka o pagkagulat sa mga mukha nila. Ang tanging napansin ko lang ay ang kanilang mga reaksiyon na parang ngayon lang nila ako nakita.
"Hi, there! Come and join us," sabi ng isang lalaki. Tanda ko pa ang pangalan niya. Siya si Thomas, ang nag-iisang kaibigan niya na nagpakilala sa akin noon.
Humakbang ako patungo sa direksiyon nila ngunit ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod. Kinakabahan ako dahil baka anumang oras makikilala nila ako.
"What is your name?" Tanong ng isang lalaki na nakasuot ng eye glasses. Siya 'yong sa tingin kong may lahing hapon na sinabihan ako ng maganda noon. Hindi pa rin siya nagbabago.
"A-Athena," sagot ko.
"Familiar name," biglang sabi ng isa. Napalunok ako ng wala sa oras pero hindi ako nag-iwas ng tingin sa kan'ya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin pero hindi ko ipinahalata na nagulat ako sa sinabi niya. Gano'n pa rin siya, ang seryoso pa rin magsalita gaya ng dati.
"Could you guys stop talking with her?" Masungit na sambit ni Sir Zach pero tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya.
"Bro, just chill. We just want to know her. Anyways, I'm Aldrich, please to meet you," sabi ng lalaking naka-eye glasses sabay na tumayo para makipagkamay sa akin.
Kaagad ko namang inabot ang kamay niya at ngumiti sa kan'ya. Tumayo na rin ang dalawa nitong kasama at nagpakilala rin sa akin. Si Killian at Thomas, at ngayon ko lang nalaman na magkapatid pala silang dalawa.
"How long have you been working here?" Tanong ni Killian. Bigla akong napatingin kay Sir Zach na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
"Four years .. and counting," sagot ko.
"That's too long, you really working hard, are you?" Ani Killian, tumango na lamang ako bilang sagot.
"Such an amazing woman. Keep it up," wika ni Thomas at ngumiti sa akin.
Nakakailang pero ngumiti na lang din ako. Mabuti na lang hindi nila ako nakilala kaya nakahinga ako ng maluwag at nawala na ang kaba sa dibdib ko.
"Okay! That's enough, let her do her job here," singit ni Sir Zach at inawat ang mga kaibigan niya. 'Di ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa amin.
"Now, fix my internet," sabi nito. Kaagad naman akong tumango bilang sagot at nagtungo sa table niya.
"You're so mean. You don't even let us talk to her more," rinig kong sabi ni Aldrich.
"You're right, jealous much, bro?" Sabi ni Thomas na ikinatawa ng dalawang kaibigan nito.
Nag-angat ako ng tingin at napatingin sa kanilang apat. Hindi pa rin maipinta ang pagmumukha ni Sir Zach. Ewan ko ba kung bakit bigla siyang naging gan'yan?
"No, I'm not," sagot nito na ikinaiwas ng tingin ko.
Sakit.