Chapter 40: Shadows of the Past

1619 Words
Dahan-dahan kong nilingon ang babaeng nakaupo sa sofa. Hindi ako nagkamali, siya nga. Parang bigla akong nanghina. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko dahil sa trauma na pinaranas niya sa akin noon. Gusto ko ng makalabas dito bago pa niya ‘ko makilala. “Apakasungit mo talagang boss pagdating sa mga empleyado mo, Elli,” sabi nito bago tumayo para lumapit sa direksyon naming dalawa ni sir Zach. “Lauren, I’m getting pissed. Please, leave my office before I call the security guard,” masungit na sambit ni sir Zach na ikinahinto ni Lauren sa paghakbang. “Okay, fine! But I’ll be back tomorrow, okay? Bye,” aniya at nag-flying kiss pa ito pero wala namang epekto kay sir Zach. Pagkatapos niyon lumabas na rin siya ng opisina. Pero hindi pa rin ako kumakalma kasi alam kong makikita ko pa rin siya rito sa kompanya. Bakit siya pa ang naging fiancée ni sir Zach? Ang tahimik na ng buhay ko at ayokong magulo ito dahil sa kaniya. “S-Sir, mamaya ko na po g-gagawin ang ipinag-uutos ninyo,” nauutal na sambit ko habang nakayuko. Hindi ko na kaya, gusto ko ng makalabas dito kasi inaatake na naman ako at kapag ‘di ito huminto mas lalo lang sasama ang pakiramdam ko. Ito ang iniiwasan kong mangyari kasi posible na hindi ko kayanin. “Are you alright? Your h-hand is trembling,” aniya dahilan para mapatingin ako sa kamay ko. Pero bago pa man ako makasagot, tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. “You don’t have to worry, Elli. She’ll be fine.” “Are you sure? She looks not fine to me.” Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang makarinig ako ng pamilyar na mga boses. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sa tingin ko nandito pa rin ako sa loob ng opisina ni sir Zach. “Miss Sandoval..” Si sir Zach na kaagad lumapit sa akin nang makita ako nitong gising na. Napatingin ako sa kaniya at nagtataka sa ipinakita nitong reaksyon sa akin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero mukha siyang nag-aalala. “Anong nangyari?” Tanong ko at dahan-dahang bumangon. Nagulat ako nang bigla akong alalayan ni sir Zach. Napatingin tuloy ako sa kaniya nang may pagtataka. Bakit siya naging ganito sa’kin ngayon? ‘Di naman siya ganito sa’kin kanina. Ang weird ng kinikilos niya. “Did you remember what happened, Miss Sandoval?” Nag-angat ako ng tingin sa isang lalaki. Kaagad ko naman siyang namukhaan. Si Doc. Matteo, ang doktor na nag-asikaso rin sa akin noon. Pero bakit siya nandito? “H-Hindi po .. anong nangyari?” Tanong ko, naguguluhan sa tingin nilang dalawa sa akin. “You passed out,” sagot ni sir Zach. Nahimatay ako? Dahil naman saan? "You didn't tell me that you were sick,” wika ni sir Zach at mababakas ang pag-alala sa mukha nito. “S-Sakit? Anong ibig niyong sabihin?” Naguguluhan na tanong ko sa kaniya. Porket nahimatay may sakit na agad? "Miss Sandoval, you passed out due to severe stress. Have you been experiencing this for a long time?" Sagot ni Doc. Matteo na ipinagtaka ko. Oo, nakakaranas ako ng stress at anxiety matagal na pero hindi dumadating sa punto na nahihimatay ako. Ito ba ang tinutukoy ni sir Zach na sakit ko? Pero ba’t naman naging sakit ‘to? "You experienced post-traumatic stress earlier, Miss Sandoval. It's a disorder, a mental health problem caused by traumatic experiences. I don't know the exact cause, but that's the reason why you passed out, and it won't be the only thing that could happen to you if left untreated," seryosong sambit ni Doc Matteo na nagpakaba sa akin. Pero dahil sa mga sinabi niya, unti-unti kong naalala ang nangyari kanina. Dahil kay Lauren kaya ‘to nangyari sa’kin. Hindi ko naman siya sinisisi pero isa siya sa mga kinakatakutan at iniiwasan ko noon pa. Isa siya sa mga nagbigay ng trauma sa akin noon na dahilan para masira ang buong pagkatao ko. Ayoko ng maalala pa ‘yon pero dahil sa pagbabalik niya, bumabalik din ang ugali kong mahina. "But don't be afraid, it's not that serious, but you still need to see a doctor to prevent it from getting worse." Hindi na ‘ko nakikinig sa sinasabi ni Doc Matteo kasi ‘di ko na rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Ang gusto ko na lang ay ang makaalis dito at pumunta sa anak ko. “Athena, sigurado ka na hindi na kita kailangang ihatid?” Tanong ni Von nang makarating kami sa ground floor. Tumango naman ako bilang sagot at maliit na ngumiti sa kaniya. “Dala ko rin kasi ‘yong sasakyan ko kaya ‘di mo na ‘ko kailangang ihatid. Kaya ko na, don’t worry,” sabi ko. Uuwi ako ngayon dahil sa kagustuhan ng boss ko. Ayoko sana kaso nagpumilit siya. Kaya wala na rin akong choice baka kasi magalit pa siya kapag ‘di ko sinunod. ‘Di niya ‘ko kinausap no’ng umalis na si Doc Matteo, ang sabi niya lang sa akin na umuwi na lang daw ako at magpahinga. ‘Yon lang na ipinagtaka ko. Kanina sobra siyang nag-aalala sa’kin pero ngayon parang wala na siyang pakialam. “O siya, sige, basta mag-ingat ka sa daan at magpahinga ka pagkauwi mo. Balik na ‘ko sa office, see you tomorrow,” aniya at naglakad na siya pabalik ng elevator. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na palabas ng kompanya. “Athena?” Tawag ng isang pamilyar na tinig. Ngunit bigla akong napahinto nang makilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Dahan-dahan ko siyang nilingon at kasabay nito ang biglaang pagbilis nang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Akala ko hindi ko na siya makikita ngayong araw pero nagkamali ako. "I didn't expect to see you here. Do you work here? How have you been?" Tanong niya nang makalapit ito sa direksyon ko. Hindi ako nakasagot sa halip tinitigan ko lang siya. Kahit walong taon na ang nakalipas, siya pa rin ang Lauren na nakilala ko. Walang nagbago, ewan ko lang sa ugali niya kung may nagbago ba o gan’on pa rin siya hanggang ngayon. "It's like you haven't changed. It's been what? 8 years since we last saw each other. You haven't changed a bit.” At tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Hindi nga talaga siya nagbago. “Anyways, how are you? What's been going on in your life?” “N-Nagtatrabaho ako rito ..” maikling sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “K-Kailangan ko nang umalis, may pupuntahan pa kasi ako,” dugtong ko at aalis na sana pero pinigilan niya ‘ko sa braso. “Mamaya ka na umalis, mag-usap muna tayo,” aniya sabay na hinatak ako papuntang lounge area. Ayokong makipag-usap sa kaniya at mas lalo ng ayokong makipag-plastikan sa kaniya. “Take a sit, Athena,” aniya nang makarating na kami. Pero hindi ko siya sinunod, napabuntong hininga na lang ako bago tumingin sa kaniya. “Hindi na kailangan, ano bang gusto mong pag-usapan natin?” Walang gana na tanong ko. Ewan ko pero bumalik ‘yong inis na naramdaman ko noon sa kaniya sa tuwing nagkaharap kami. “Madami, matagal kaya tayong ‘di nakapag-usap,” sagot niya na nagpainit bigla ng ulo ko. “Wala naman tayong dapat na pag-usapan ‘tsaka hindi naman tayo magkaibigan para gawin ‘yon,” iritableng sabi ko na nagpangisi sa kaniya. "I was wrong, may nagbago nga sa ‘yo. You've become brave now, whereas before, para kang daga na takot na takot at bigla na lang tatago sa tuwing nakakaharap ako,” malditang sambit niya sabay na pinagkrus ang binti. Buong akala niya ako pa rin ‘yong mahinang Athena na nakilala niya noon pero hindi na. Nagbago na ‘ko, naging malakas at matapang, at isa siya sa mga dahilan kung bakit ko binago ang sarili ko. “Lahat naman ng tao nagbabago pero sa tingin ko hindi ka kabilang do’n.” Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Tama lang ‘yon para masampal siya ng katotohanan na masama talaga ang ugali niya. “How dare—” “Masakit masampal ng katotohanan, ‘no?” Putol ko sa kaniya. “Walong taon na ang nakalipas pero hindi ka pa rin nagbabago. Maitim pa rin ang budhi mo. Siguro wala sa bokabularyo mo ang salitang character development,” dugtong ko na mas lalong nagpainis sa kaniya. Hindi siya nakasagot kaya nagdesisyon na ‘kong tumalikod at hahakbang na sana paalis pero hindi natuloy dahil sa sinabi niya. “Gan’yan ka pa rin kaya ka tapang sa oras na malaman niya ang tungkol sa anak mo?” Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero sino ang tinutukoy niya? “Dito ka pa talaga nagtrabaho sa kompanya ng lalaking nakabuntis sa ‘yo,” dugtong niya na ikinagulat ko. Si sir Zach ang tinutukoy niya, pero paano niya nalaman ang tungkol d’on? “P-Paano ..” Naguguluhan ako, kanino niya nalaman? Nilingon ko siya, naabutan ko siyang nakatayo at nakangisi habang nakatingin sa akin. “Bobo ka kasi magtago ‘yan tuloy nalaman ko. Pero ‘wag kang mag-alala ‘di ko naman sasabihin sa kaniya .. hindi pa sa ngayon,” aniya na mas lalong nagpakaba sa akin. “Yan lang pala ang makakapagpahina sa ‘yo.” At agad niya na ‘kong nilagpasan habang ako naiwang nakatayo at naguguluhan dito. Sino ang nagsabi sa kaniya? Sino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD