Chapter 32: Drunk

1437 Words
"May sinasabi ka, Athena?" Kaagad kong nilingon si Paula na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Med'yo tipsy na siya at ewan ko lang kung nakita niya rin ang boss namin. "Si sir Zach kasi .. nakita ko-" Wala na siya pagharap ko. ".. ro'n.." Saan naman kaya siya nagpunta? Totoong siya 'yong nakita ko. Hindi ako namamalikmata o nag-iimagine na nandito siya. 'Tsaka hindi pa naman ako lasing. "Ano sinabi mo, Athena?" Tanong ni Paula habang nilalapit ang tenga sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot at ininom ang isang shot ng gin. Um-order na sila ng panibagong alak na hindi ko napapansin. Halo-halo na ang iniinom namin pero sana lang hindi kami gagapang pauwi. "Shot pa, Athena. Sulitin na natin ngayon habang may oras pa," wika ni Trixie habang inaabot sa'kin ang panibagong shot ng gin. "Ito ba 'yong sinasabi mong hindi tayo maglalasing, Paula?" Nang-aasar na sabi ko at binalingan ng tingin si Paula na ngayon ay tahimik na sa gilid at nakahawak sa ulo niya. Lasing na. "Minsan lang naman, eh. Hindi na mauulit, promise," nakangusong tugon nito na ikinatawa naming lahat. "Cheers tayo girls para sa panibagong araw bukas at para sa masayang taon. Cheers!" At nag-cheers nga kaming lahat sa pangunguna ni Rose. Ewan ko pero natutuwa ako ngayon at masaya ang puso ko dahil sa kanila. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong bagay at masaya naman pala. Kahit papa'no nakalimutan ko pansamantala 'yong mga problema at iniisip ko sa buhay. At nagawa kong mag-enjoy kahit sa kaunting oras lang. "Hi girls," bati ng isang lalaki na bigla na lang lumapit sa direksyon namin. May tatlo itong kasama na sa tingin ko mga ka edad lang din namin pero halatang mga lasing na. "Hi? M-May kailangan ba kayo?" Nag-aalangan na sabi ni Maurice. Nagkatinginan kaming pito at parehong umiling. "Can we join you?" Tanong ng isang kasama nito bago tumingin sa akin at kumindat pa ito na ikinakunot ng noo ko. Balak niya ba 'kong landiin? Umiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang pag-inom. Med'yo nahihilo na 'ko pero hindi pa naman ako lasing. Dahil lang 'ata 'to sa mga alak na ininom ko. Mataas ang tolerance ko sa alak kaya hindi agad ako nalalasing. "Umm .. ano kasi, hindi naman sa ayaw namin sa inyo o ayaw namin kayong makasama. It's just that we promised each other before we got here that we will not hangout with boys. Umm .. sorry," nahihiyang sambit ni Trixie at tumingin sa akin. Palihim akong nag-thumbs up at ngumiti sa kan'ya. Tama lang ang mga sinabi niya. Pero sana naman hindi na magpumilit ang mga lalaking 'to para iwas na rin sa gulo. "Kahit 5 minutes lang? Or .. more," pagpumilit pa nang isa. Hindi makaintindi, bwesit! Napapikit na lang ako, nagtitimpi at kinakalma ang sarili na huwag magalit sa mga asungot na 'to. "S-Sorry .. we will not hangout with you guys. So please do understand," mahinahong sambit ni Maurice. "Okay, we understand. No need to apologize. But before we leave, can I get your number?" Walang hiya, gusto pang kunin ang number. Pero nino? "Athena .." Si Maurice at mahinang tinapik ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Nakatingin siya sa'kin, ang lawak ng ngiti tapos hawak ang cellphone, at naghihintay na kunin ko ito. Ako ba ang tinutukoy niya? Number ko ang gusto niyang kunin? "Ba't ko ibibigay ang number ko sa 'yo?" Masungit na sambit ko. Biglang nabura ang ngiti sa labi niya. Natawa ito pero halatang napahiya. "'Cause I find you interesting. Interesado ako sa 'yo," diretsong sagot nito na ikinagulat ng mga kasama ko gano'n din ang mga kasama niya. "P'wes hindi ako interesado sa 'yo," seryosong tugon ko na ikinatahimik niya. "Kaya p'wede ba umalis na kayo bago pa 'ko magpatawag ng guard at sila na ang kusang magpaalis sa inyo," dugtong ko. "Tara na, Brix. I don't want to cause any trouble," aya ng isa at hinawakan siya sa balikat. Pero itong lalaking nasa harapan ko nakatingin pa rin sa akin at hindi man lang natinag sa sinabi ko. "Athena, huwag mo na lang siyang pansinin. Papansin lang ang mga 'yan lalo na ang lalaking 'yan," bulong sa'kin ni Maurice. Tumango ako bilang sagot at maliit na ngumiti sa kan'ya. "We'll see each other again," tunog pagbabanta na sabi nito at kaagad ng tumalikod para umalis. Pero napahinto ang mga ito na ipinagtaka naming lahat. "An'yari? Ba't sila huminto?" Nagtataka na tanong ni Rose bago tumingin sa amin. "Wala rin akong idea, hindi ko naman kasi makita kung sino ang nasa harapan nila," sagot ni Trixie. "Sino? What do you mean?" Tanong ni Grace at nagdesisyon na tumayo para makita kung sino ang tinutukoy ni Trixie. "Nakita mo?" Si Paula na nakatayo na ngayon. "Hindi eh, ang tatangkad ba naman nila," sagot ni Grace at muli nang umupo. "Huwag niyo na lang pansinin, uminom na lang tayo para makauwi na. Med'yo lasing na rin ako, eh," saad ni Maurice na ngayon ay papikit-pikit na. Lasing na nga ang loka. "Last shot for you, Athena. Thank you for being brave tonight. That idiot don't deserve someone like you. Girls, let's cheers for Athena!" Masayang sambit ni Paula na ikinatawa naming lahat. Pero iinom na sana ako nang biglang may humablot ng baso sa kamay ko na ikinagulat ko. Napalingon ako para matingnan kung sino ito pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makilala ko na kung sino siya. "Are you out of your mind?! You're f*****g drunk but you keep drinking!" Galit na sigaw nito. Natahimik ako gano'n din sina Maurice. Ewan pero bigla akong nakaramdam ng takot mula sa kan'ya. "S-Sir Zach .." tanging naisambit ko. So totoo nga na siya 'yong nakita ko kanina? "You're supposedly at home, taking care of your son but you're here drinking, as if there's no tomorrow," sermon nito. Hindi ako nakasagot, kasi tama siya. Mali na sumama ako, mali na pumunta at uminom ako rito. "S-Sir, kami po ang nagyaya kay Athena na p-pumunta rito," nag-aalangan na sabi ni Maurice pero hindi siya tinapunan ng tingin ni Sir Zach. Nakatingin pa rin ito sa akin pero galit at pag-aalala ang tanging emosiyon na nakikita ko sa mga mata niya. "Get your things, I'll drive you home," sabi nito at biglang tumalikod. Hindi na 'ko umangal, kinuha ko na lang ang mga gamit ko at nagpaalam kina Paula na mauuna na. Pagkatapos ay lumapit na rin ako kay Sir Zach na ngayon ay nakahawak sa magkabilang baywang niya at masama ang tingin sa akin. Nahihilo na 'ko pero nakikita ko pa rin ang reaksiyon ng mukha niya. "Let's go," aniya bago ako hinawakan sa braso at kinaladkad papalabas ng bar. Mas lalo akong nahilo dahil sa ginawa niya at feeling ko masusuka ako anumang oras. "Why you're here?" Tanong nito na ikinatawa ko. "Sir, ano bang ginagawa sa bar? S-Syempre uminom alangan naman nanuod ng sine," pilosopong sagot ko at biglang naupo sa semento. Ewan, bigla akong napagod at parang gusto ko na lang humiga rito. "Huwag kang pilosopo-" "S-Sir, ayusin niyo kasi 'yong tanong niyo," putol ko sa kan'ya habang nakayuko at nakayakap sa magkabilang tuhod ko. Inaantok na 'ko at parang gusto ko nang matulog. "Can you please get up from there?" Sabi nito, iniiwasang magalit na naman sa akin. "A-Ano muna 'yong tanong niyo?" Narinig ko siyang napabuntong hininga bago lumapit sa akin. At naramdaman ko na lang na parang umangat ako pero 'yon pala binuhat niya 'ko. Napahigpit ang pagkapit ko sa balikat niya at hindi ko naiwasang mapatitig sa mga mata niya at maging sa labi niya. "I'll drive you home," sabi niya at nagsimula nang maglakad papunta sa nakaparada niyang kotse. Nang makarating kaming dalawa, pinasakay niya na rin ako at sinuotan ng seatbelt. Pagkatapos niyon ay sumakay na rin siya. Hindi na 'ko nagsalita o umangal kasi ayoko nang makipagsagutan sa kan'ya. Nahihilo na 'ko at gustong-gusto ko nang matulog. "S-Sir .." "Hmm?" Ramdam kong pinaandar niya na ang kotse pero hindi pa ito umalis. Iuuwi niya na nga talaga ako. "Ba't ang sungit niyo?" Nakapikit na tanong ko pero narinig ko siyang natawa. Hindi ko na siya nilingon kasi mas lalo lang akong nahihilo. "Ano na .. po 'yong tanong niyo?" "We'll talk about it tomorrow." Ba't bukas pa kung p'wede namang ngayon? "Sir .." "Hmm?" "T-Thank you .." Sabi ko at tuluyan na ngang nilamon ng antok ang buong sistema ko. "You're welcome .. my love." At naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi nito sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD