Chapter 39: Fiancée

1467 Words
May fiancée na siya? Kailan pa? I mean, wala naman akong pakialam kung meron talaga pero malalaman ko ‘yon kasi halos isang buwan ko na siyang nakasama rito. Pero tama lang ‘yon na may fiancée siya para hindi na ako pag-isipan ng kung anu-ano ng mga ka trabaho ko. After ko magtimpla ng kape, bumalik na ‘ko sa office at nagsimula na sa trabaho. Pero ‘di pa rin mawala sa isip ko ang tungkol do’n at ewan ko ba kung bakit. Wala akong gusto sa kan’ya at kahit kailan hindi mangyayari ‘yon. Pero bakit ko ‘yon na iisip? “Athena, may meeting mamaya para sa team building next month,” anunsyo ni Rica nang lumapit ito sa table ko. “Ah oo .. sinabihan ako kahapon ni Von. A-attend ako mamaya, don’t worry,” sagot ko at umalis na rin siya. Napabuntong hininga na lang ako. Ang dami ko pang kailangang gawin at tapusin pero hindi ko matapos tapos kasi may mga bagay na humahadlang. Hindi naman ako nagrereklamo kaso sana isa-isa lang, tao pa rin naman ako at napapagod. “IT department, good morning,” sabi ko nang sagutin ko ang tawag sa telepono. Sino naman kaya ito? Ayoko munang ma-stress ngayong umaga. [Is this Athena Sandoval?] Oh, hindi boses ni sir Zach. Sino naman kaya ito at bakit niya ‘ko kilala? “Yes, who is this caller anyway?” Sagot ko, nagtataka kung bakit kilala niya ‘ko at kung ano ang pakay niya sa’kin. [This is Yael] S-Si sir Lim? [Am I interrupting you? I call later if -] “No, hindi naman .. may ginagawa lang na proposal pero ayos lang. Bakit kayo napatawag? May kailangan ba kayo sa’kin?” Putol ko sa kaniya. Nakapagtataka, bakit siya napatawag at sa numero pa talaga ng department ko? Pero ngayon ko lang ulit siya nakausap simula no’ng nalaman niyang may anak ako. [No, I’m just checking you if you’re okay. You know .. working with him is too hard on you] “Ayos lang naman ako, natitiis ko pa naman na makita siya araw-araw dito. Salamat sa concern pero hindi mo na kailangang tumawag para kumustahin lang ako.” Hindi man magandang pakinggan pero tama lang na sinabi ko ‘yon. Hindi niya na kailangang mag-alala sa’kin kasi kaya ko naman at wala rin siyang karapatan. Hindi ako galit sa kaniya, hindi ako nagtanim ng galit sa kaniya dahil sa nangyari noon pero ayoko lang na magkaroon ulit ng koneksiyon sa kaniya. “At baka malaman niya na tumawag ka, magiging daan lang ‘yon para magtaka siya sa pagkatao ko dahil sa’yo,” dugtong ko na ikinatahimik niya sa kabilang linya. [I’m sorry, I don’t have your contact that’s why I called your company’s number. But it will not happen again, I promise] “Ayos lang, hindi mo na kailangang mag-sorry.” Guilty siya sa nangyari, ramdam ko ‘yon pero hindi naman na dapat kasi matagal na ‘yon at wala naman siyang kasalanan. Gusto ko lang ngayon ng peace of mind at mamuhay ng payapa kasama ang pamilya ko. “Ang sabi ko ayos lang, hindi mo na kailangang mag-sorry,” sabi ko nang damputin at sagutin ko ulit ang telepono. Hays, naiinis na ‘ko, hindi niya naman na kailangang gawin pa ‘to. “Huwag ka ng tumawag dahil baka-” [Bakit ‘di na ‘ko p’wedeng tumawag?] Putol nito sa akin. Diyos ko! Hindi na boses ni sir Lim ang nagsalita sa kabilang linya. Si sir Zach na ito! [What’s wrong Miss Sandoval? What the hell are you talking about?] Galit na siya, ano ang gagawin ko? “W-Wala po, sir .. pasensiya na po kayo. Akala ko po kasi si ano po kayo .. si..” [Akala mo sino? Tsk! Nevermind, come to my office now] At bigla niyang binaba ang tawag. Kaagad naman akong tumayo at lumabas ng opisina, at patakbong tinungo ang opisina niya. Nang makarating ako, napahawak ako sa magkabilang tuhod ko habang habol ang aking paghinga. Bakit kasi ako tumakbo kung p’wede namang lakarin ko lang? Haist! Kainis naman kasi ang lalaking ‘yon. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok ng opisina niya pero wala akong naabutang sir Zach dito o maging ang secretary niya. Saan siya nagpunta? Pinapunta ako rito pero wala naman siya. Pinagtitripan lang ‘ata ako ng lalaking ‘yon. “Tsk! Kainis ka Montero!” galit na usal ko at biglang napaupo sa sofa. Anong gagawin ko rito kung ‘di ko naman alam kung bakit niya ‘ko pinapapunta rito? Biglang nag-ring ang telepono na nasa table niya. Kaagad naman akong tumayo para sagutin ito. “Hello, good-” “Fix my internet.” ‘Yon lang ang sinabi niya at bigla niya ng binaba ang tawag. Bastos talaga ket kailan ang lalaking ‘yon. Mabuti na lang hindi minana ng anak ko ang gano’ng ugali ng ama niya. Dahil gusto ko nang makaalis dito sa opisina niya bago pa man siya dumating, lumapit na ‘ko agad sa computer niya at ginawa kung ano man ang ipinag-uutos nito. Pero nakailang pindot na ‘ko ng wifi, ‘di pa rin nagco-connect. “Ano ba kasi ginawa ng lalaking ‘yon?” Na isambit ko sa kawalan. Bakit ba kasi lagi na lang nawawalan ng internet itong opisina niya? Kung tuluyan ko na talaga kayang tanggalin? Para wala na ‘kong aayusin. “Hays, kaya naman pala ‘di gumana.” Kasi hindi na naman pala nakasaksak. Tsk! Haist kaloka. Kaagad naman akong pumunta sa ilalim ng mesa para kunin ang wire pero ‘di natuloy nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang tao. Pansin kong si sir Zach ito pero sino naman kaya itong babaeng kasama niya? “I told you not to come here because you'll just making a scene. See what happened? Now they think I'm engaged to you.” Boses ni sir Zach, at parang alam ko na kung sino ang kasama niya. “It's true, I will be engaged to you, maybe you forgot. ‘Tsaka tama lang na pumunta ako rito para tumigil na ang mga babae dito sa kakapantasiya sa ‘yo. I'm just helping you, babe.” Tama ako, fiancée niya nga. Kailangan ko nang makaalis dito dahil baka kung ano pa ang isipin ng fiancée niya kung bakit ako nandito. Ayoko na mag-away sila ng dahil sa’kin. Pero paano ako makakaalis dito? “Tsk! Ang tanga mo talaga minsan, Athena,” sabi ko sa sarili. Mabuti na lang ‘di nila ako nakikita o napapansin dito sa ilalim ng mesa. “Can you please stop? Didn't I already tell you to leave?” Galit na siya, mukhang badtrip itong si sir Zach. “Why do you want me to leave? May tinatago ka bang babae rito?!” Galit na sambit ng babae na ikinagulat ko. “Aww! Ang sakit,” daing ko nang tumama ang tuktok ng ulo ko sa mesa. Pero bigla akong napatakip ng bibig nang mapagtanto ang nangyari. Narinig kaya nila ako? Jusko lagot ako, huwag naman sana. “Did you hear that?” tanong ng babae sa kaniya. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang sabihin niya ‘yon. Diyos ko, katapusan ko na. Napapikit na lang ako ng mga mata at inaantay ang susunod na mangyayari. “Miss Sandoval? What are you doing down there?” Bigla kong naidilat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni sir Zach. Nakakahiya na nakita niya ‘ko sa ganitong sitwasyon. Parang ayoko na lang umalis sa ilalim ng mesa. “Get out of there, now!” Galit na utos nito at kaagad na rin akong gumapang palabas habang nakayuko. Nakakahiya, lalo pa na nandito ang fiancée niya. Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa’kin? “You don’t need to shout, Elli. She’ll follow you anyway.” Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero sa tingin ko mabait naman siya. Tumayo na ‘ko agad at inayos ang damit ko. Pero nakayuko pa rin ako dahil sa sobrang hiya. “Why are you under the table? Didn’t I tell you to fix my internet, not to hide there?” masungit na sambit ni sir Zach pero ‘di ako nakasagot. “S-Sir .. may .. may k-kinuha lang.” “Elli, don’t scare her. Look, she’s already afraid of you. Let her explain.” Tama siya, natatakot na ‘ko sa kaniya dahil baka sigawan niya na naman ako ulit. “Shut up, Lauren! I’m not talking to you.” A-Anong sinabi niya? L-Lauren? Ang pangalang ‘yon, ang pangalang ‘yon na sumira ng pagkatao ko noon, ang pangalang pinipilit kong kalimutan, at ang pangalang ayoko nang marinig pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD