Chapter 38: Shadows of Curiosity

1547 Words
“Mommy, okay lang po ba kayo?” Tanong ni Aaron nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe pauwi sa amin. Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako sa daan habang iniisip ang sinabi ni sir Zach kanina. “Yes, anak, okay lang naman ako. Bakit mo natanong?” Sagot ko bago siya nilingon. Mukhang kanina pa niya ‘ko pinagmamasdan, naabutan ko kasi siyang nakatingin sa’kin. Sa tingin ko nagtataka na ‘yan sa kinikilos ko magmula pa kanina. No’ng umalis kasi kami sa school, tahimik lang ako at hindi ko nagawang magpaalam kay Amy. Diretso sakay lang ako sa kotse at minaneho ito. Dahil sa pakiusap ni sir Zach, hindi ko na alam kung ano ang gagawin. “Simula po kasi no’ng umalis tayo sa school naging tahimik na po kayo at parang hindi mapakali. May nangyari po ba? May ginawa po ba sa inyo ang tito ni Amy?” Nag-aalala na tanong niya. Hindi ko p’wedeng sabihin sa kan’ya ang tungkol do’n dahil baka mas lalo pa siyang magtaka sa pagkatao ni sir Zach. At ayoko rin na mangyari ‘yon kasi ayoko na mapalapit sa kan’ya ang loob ng anak ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang katotohanan na siya ang ama ni Aaron. “Wala naman, anak, nag-usap lang naman kami kanina. ‘Wag ka nang mag-alala, ayos lang ako. Pagod lang si mommy, ‘yon lang,” sagot ko at ngumiti sa kaniya para ‘di na siya mag-alala at magtanong pa. Pagkarating namin sa bahay, pumunta na si Aaron sa kwarto niya habang ako pumunta ng kusina para tingnan si tiya Rosa. Nag-text kasi ito sa akin na nagluluto raw siya ng uulamin namin mamayang hapunan. “Tiya ..” tawag ko sa kaniya nang makarating ako sa kusina. Kaagad naman ako nitong nilingon nang marinig ang boses ko. “Oh, nakarating na pala kayo. Kumusta sa school? ‘Di naman ba naging pasaway ang anak mo habang nando’n ka?” Aniya habang pinupunasan ang kamay nito. Sasabihin ko ba sa kan’ya ang tungkol sa pagpunta ni sir Zach sa school at muli nilang pagkikita ni Aaron? “Hindi naman po, Tiya.” “Pero bakit parang mukhang problemado ka?” Kailangan ko talagang sabihin kay Tiya Rosa dahil baka kay Aaron pa niya malaman. “Pumunta po kanina sa school ang boss ko,” sabi ko na ikinagulat niya. “Nag-usap po kami saglit at sabi niya, kung p’wede raw siyang tumayong tatay kay Aaron sa darating na Family Day,” dugtong niya. “Pa’no niya nasabi ‘yan sa ‘yo? Sinabi mo na ba sa kan’ya ang tungkol kay Aaron?” “Hindi po, tiya, ewan ko nga po kung bakit niya nasabi ‘yon.” Napaupo si Tiya Rosa sa silya at napaisip. Hindi ko alam kung ano ito pero halatang nag-aalala siya sa sitwasyon naming dalawa ni Aaron. “Tiya..” “Kailangan mo na talagang iwasan ang taong ‘yan, Athena. Baka dumating ang araw na malaman niya ang tungkol sa anak mo at kunin niya sa ‘yo ito. Huwag mong hayaan na dumating ang araw na iyon. Sabi mo nga sa akin na mayaman ang taong ‘yan, kaya lahat ng gusto niya makukuha niya kahit hadlangan mo pa siya,” aniya dahilan para bigla akong mapaisip. Tama si tiya, mayaman si sir Zach, sa oras na malaman niya ang tungkol kay Aaron, posibleng gagawa siya ng paraan para makuha sa akin ang anak ko. Pero hindi ako makakapayag, wala siyang karapatan sa anak ko, at kahit na kailan hindi siya p’wede maging ama kay Aaron. “Kung p’wede lang na umalis ka sa kompanya niya pero hindi naman p’wede kasi mawawalan ka ng trabaho. Kaya ang tanging gawin mo ay ang iwasan siya at ilayo siya sa anak mo.” “Opo, tiya, masusunod po.” Mahirap man ang mga sinabi ni tiya pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa anak ko. May karapatan siya na malaman ang tungkol sa ama niya pero hindi pa ito ang tamang panahon. Mas pipiliin ko na lang na maalala muna ako ni sir Zach, kung sino ako at kung ano ang nangyari sa amin noon bago ko sabihin kay Aaron kung sino ang tatay niya. “Mommy ..” “Hmm?” Heto na naman ako natutulala na lang bigla. Hays, bakit ba nangyayari sa akin ‘to? “Bakit po ‘di kayo kumakain? Busog po ba kayo? Gusto mo ba Mommy na ipagbalot kita ng pagkain tapos sa office niyo na po kainin?” Sunod-sunod na tanong niya. Napangiti ako ng bahagya. Halatang nag-aalala sa akin ang anak ko. “Kakain ako anak, don’t worry. May iniisip lang si Mommy, okay? Kain ka lang d’yan tapos ihahatid kita sa school mo,” sagot ko. “Okay, Mommy, thank you po.” Ang bilis lang lumipas ng araw at ngayon panibagong araw na naman ulit. Papasok na naman sa trabaho at muli na namang makikita ang boss ko na nagpapasira ng araw at isip ko. Pero ayos lang, titiisin ko na lang hangga’t kaya ko pa. “Ayos lang ako, Van. Huwag ka nang mag-alala sa’kin,” sabi ko habang nilalagay sa loob ng kotse ang mga gamit ni Aaron. Kasalukuyan kong kausap si Vanessa. Ngayon lang ulit siya nakatawag para kumustahin ako kasi naging busy siya sa trabaho niya at naintindihan ko naman ‘yon. (Are you sure? I think you need a break, Athena. Kung umuwi ka kaya muna sa probinsya niyo? Dalhin mo ro’n si Aaron para naman makapagpahinga ka at makapag-isip. Kasi napapansin ko, habang nakikita mo ‘yang tatay ng anak mo, ‘di ka nakakapag-isip ng maayos. Sabi mo iiwasan mo siya pero ‘di mo naman ginagawa. Nababago ‘ata ang desisyon mo sa tuwing nakakasama mo ‘yang lalaking ‘yan) Parang tama si Vanessa. Ilang beses ko ng sinabi na iiwasan ko ang lalaking ‘yon pero sa tuwing nakikita ko siya o nakakasama hindi ko magawa. Pero bakit kaya? “Ayoko munang bumalik do’n ‘tsaka may pasok pa si Aaron sa school at gano’n din ako. Hindi ako p’wedeng um-absent sa trabaho. Napagalitan niya na ‘ko at ayoko nang maulit ‘yon dahil baka tuluyan na talaga akong umalis sa kompanya niya,” sagot ko at mahinang napabuntong hininga. (Edi maganda ‘yon, hindi niya malalaman na may anak kayo. Solve ang problema mo) “Maso-solve ba ‘yon kapag ‘di niya ‘ko naalala?” (‘Yon lang, hindi natin masisigurado kung maaalala ka ba niya or hindi. Pero ano ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba after 8 years, hindi niya talaga maaalala ang gabing ‘yon kung kelan may nangyari sa inyong dalawa?) Gano’n din ang iniisip ko. Before no’ng gabi na may nangyari sa aming dalawa, no’ng nakita ko siya at nakita niya ‘ko hindi pa siya lasing. Kaya bakit after 8 years, no’ng una naming pagkikita bakit hindi niya talaga ako nakilala? (Kasi for me lang, ha? If I were him, kinabukasan maaalala ko ‘yan kahit gaano pa ‘ko kalasing. Even a small detail or scenario about that night, I would remember it. Ewan ko lang sa kaniya. But, it’s kind of weird kasi ‘di ka talaga niya naalala. May nagbago sa ‘yo physically pero that is not the reason para tuluyan ka niyang hindi makilala) Ang weird nga pero ano pa nga bang magagawa ko? Alangan naman komprontahin ko siya tungkol do’n. Pero mas gugustuhin ko na lang ang gano’n na hindi niya ‘ko naalala para hindi niya malaman na may nangyari sa aming dalawa at hindi niya malaman na may anak kami. “Good morning, Athena,” nakangiting bati sa akin ni Von nang makarating ako sa office. “Good morning din,” sagot ko at maliit na ngumiti sa kaniya. “Nakita kita kanina before ako dumating dito sa office. Hinatid mo ‘yong anak mo sa school,” aniya habang nakasunod sa likuran ko. Ewan ko ba pero naiilang ako sa kaniya. Hindi ko feel ang presence niya today, na weweirduhan ako sa kaniya. “Ah oo, kanina,” maikling sagot ko at naupo sa silya pagkatapos kong mailapag ang mga gamit ko sa mesa. Mabuti na lang umalis na siya dahil baka ano pa ang lumabas sa bibig ko kapag may iba pa siyang sinabi. Tumayo muna ako para pumunta ng pantry. Balak kong uminom ng kape para mawala antok ko. May kailangan akong tapusin na proposal ngayong araw para ma-check na ng supervisor ko at maipasa sa finance para mabigyan ng budget. Nang makarating ako sa pantry, naabutan kong may dalawang babae na nag-uusap habang umiinom ng kape. Kilala ko silang dalawa, sa Marketing Department sila naka-assign. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa at nagtimpla na ng kape. "Ang ganda niya, 'di ba? For sure fiancee niya 'yon." "Kaya nga, actually bagay silang dalawa. Pero ngayon niya lang 'ata dinala 'yon dito." Sino kaya ang pinag-uusapan nila? Ayoko namang makinig pero kasi ang lakas ng boses nilang dalawa. "Baka kasi ayaw niyang e-expose sa public ang relationship nilang dalawa. Kilala mo naman si sir Zach.." S-Sir Zach? Fiancee? M-May fiancee na siya? Sino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD