Chapter 30: Lunch with Him

1127 Words
Akala ko kapag natapos ko nang ayusin ang internet niya ay makakaalis na 'ko pero hindi pa pala. Kasi inutusan pa niya 'kong i-sort ang mga files sa laptop niya by year. Hindi na 'to parte ng trabaho ko kasi trabaho na 'to ng secretary niya pero dahil sa boss ko siya at empleyado niya lang ako ginawa ko ang ipinag-uutos niya. Nandito pa rin sa office ang mga kaibigan niya. Mga isa't kalahating oras na 'ata silang nandito. Wala rin naman silang ibang ginawa kundi ang mag-usap about business. Napagtanto ko na mayayaman at kilalang mga personalidad din pala 'tong mga kaibigan ni Sir Zach. Silang tatlo ay mga CEO at tagapagmana rin ng kompanya ng mga pamilya nila. Hindi lang talaga ako makapaniwala na gano'n ang katayuan nila sa buhay. Akala ko kasi mga simpleng mamamayan lang din sila ng Pilipinas pero hindi pala. "Sh*t! Ano 'yon?" Usal ko nang maramdaman kong biglang kumulo ang sikmura ko. "Tsk! 'Di pa pala ako kumakain," sabi ko nang mapagtanto na inutusan pala ako ni Sir Zach no'ng kakain na dapat ako. Ano'ng gagawin ko? Magpapaalam na kakain? O Magpapaalam na lalabas muna? Hays, baka hindi naman ako paalisin ni Sir Zach hangga't hindi ko natatapos ang ipinag-uutos niya. Pero .. nagugutom na kasi ako. "Hey, what's the problem?" Bigla akong umayos ng upo mula sa pagkakayuko habang hawak ang tiyan nang lumapit si Sir Zach. Hindi ko man lang napansin na tumayo pala siya para lumapit sa'kin. 'Di kaya narinig niya na tumunog ang tiyan ko? Pero ang layo naman niya para marinig pa 'yon. "Uhm.. wala po, sir. Okay lang po ako," sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya. Pero bigla na namang tumunog ang tiyan ko. Napapikit na lang ako sa sobrang kahihiyan. Sa oras na 'to sa tingin ko narinig niya na talaga 'yon. Jusko naman, wrong timing ka. "Uhm, sir .. pwede po ba na-" "Stay there," putol niya sa akin at biglang hinarap ang mga kaibigan niya na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. "The three of you, leave my office now," seryosong sambit nito sa mga kaibigan. Nagtaka naman silang tatlo dahil sa sinabi nito. "Why? We're still talking about business," nagtataka na sambit ni Thomas. "Let's talk about it on the other day," tugon ni Sir Zach at binalingan ako ng tingin. Bakit niya ba kasi pinapaalis? Kung p'wede naman na ako na lang 'yong umalis. "We're also busy people like you, Ellie. This is the only day that we could spend a lot of time talking about it. I'm leaving tomorrow, remember?" Ani Killian habang pinagkrus ang braso nito sa kan'yang dibdib. Saan naman kaya siya pupunta? "I know, but .. there's something important that I need to do," aniya at muling tumingin sa akin na ipinagtaka ko. "Or do you want to spend time with your employee?" Nakangising sambit ni Aldrich na ikinatawa ng dalawa bukod kay Sir Zach na ngayon ay masama ang tingin sa kanilang tatlo. "Okay okay, we're leaving," pagsuko ni Killian habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis. "We'll just talk about it later in the evening," sabi ni Thomas bago tumayo at inayos ang suot nitong business suit. Nagpaalam na nga silang tatlo kay Sir Zach gano'n din sa akin. Ewan ko lang kung babalik pa sila rito pero hinihiling ko na sana hindi na. Baka sa sunod na pagbalik nila rito makikilala na talaga nila ako. "Why didn't you tell me that you hadn't eaten your lunch?" Aniya nang maisarado niya na ang pinto. Ibig sabihin lang niyan, narinig niya talaga na tumunog ang tiyan ko. Nakakahiya! Parang gusto ko na lang umiyak ngayon. "Kasi nakakahiya namang sabihin 'yon kanina habang nandito ang mga kaibigan niyo," sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya sa sagot ko pero pagkatapos niyon ay dinampot niya ang telepono sa mesa at nag-dial ng numero. "Miss Dela Peña." Secretary nito ang kausap at sa tingin ko alam ko na kung ano ang sasabihin niya. "Order food for my lunch, then make it two and bring it to my office once it arrives. Thank you," aniya at binaba na ang telepono. Sinasabi ko na nga ba. Pangalawang beses na 'to at hindi ko na nagugustuhan. Baka ano pa ang isipin ng secretary niya kapag naabutan ako nito rito. "Sir, m-may baon po akong l-lunch. 'Yon na lang po siguro ang kakainin ko," nahihiyang sambit ko. "Go and get it, but come back here. I order foods for you," sagot niya habang hindi nakatingin sa akin. "O-Okay, sir." At kaagad na 'kong tumayo para lumabas ng office niya. Pagkalabas ko saka lang ako nakahinga ng maluwag. Nakaka-suffocate talaga kapag kasama ko siya. Pagkarating ko sa department, kinuha ko na kaagad ang baon na dala ko kaninang umaga at kaagad na ring bumalik sa opisina ng boss ko. Pagkabalik ko sa office niya, nakahanda na ang mga pagkain sa mesa habang siya ay nakaupo sa couch at sa tingin ko naghihintay na bumalik ako. "Take a sit, then eat your lunch," aniya at umupo na rin ako sa kaharap niyang couch. Nagsimula na rin siyang kumain gano'n din ako. Ito palang ang unang beses na nakasabay ko siyang kumain at hindi naman pala awkward. Parang hindi lang boss ko ang kasabay kong kumain. Ewan ko kung bakit niya ginagawa 'to pero siguro hindi ko naman na kailangang isipin. Pero ayoko nang maulit pa 'to bago pa may makapansin. "Hindi ka pa po pala kumain," sabi ko para putulin ang katahimikan. Nag-angat siya ng tingin at sabay na binaba ang hawak nitong kutsara pagkatapos ay nagpunas ng bibig bago tumingin sa akin. "Yeah, 'cause my friends came here and I forgot to eat," sagot niya. Tumango ako at maliit na ngumiti sa kan'ya. "Sila lang po 'yong mga kaibigan niyo?" Tanong ko, ewan ko pero naging tsismosa ako sa lagay ko ngayon. "I have many, but they are closest to my heart. We've been friends since pre-school, and actually, we're five in the group, but .." Napahinto siya at napaisip. Sa tingin ko si Sir Lim ang tinutukoy niya pero bakit hindi niya mabanggit? Ano kaya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa? "If hindi niyo po kayang sabihin okay lang," sabi ko. Malalaman ko rin ang tungkol do'n pero hindi pa sa ngayon. "How's your son?" Tanong niya na ikinagulat ko. Ba't niya tinatanong? "O-Okay lang naman siya," kinakabahan na sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Well, then, that's good. You can bring him here at any time. He's very welcome, and I wanted to see him again," aniya na ikinagulat ko. Ba't niya gustong papuntahin dito ang anak ko? Bakit gusto niyang makita ulit? Hindi kaya ... "Can you do that for me .. Athena?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD