“Hijo de puta!” sigaw ni Dr. Evelyn. Halos maibato na niya ang hawak na clipboard na siyang ikinagulat ng mga kasama niyang doktor mula sa Internal Medicine Department. Sa ilang taon niyang magtatrabaho sa Froilandon Medical City ay ito ang unang beses na may nanindak sa kanya. Much worst ay hindi niya pa ito kakilala.
“O Dr. Evelyn. Bakit mainit ang ulo mo?” tanong ni Dr. Luscio—isa ding internal medicine doctor.
“May isang babae kasi kanina na bigla na lang sumulpot na akala mo kabute,” sagot niya. Napaupo na lang siya sa kanyang swivel chair at napabuntong hininga. Mabilis siyang binigyan ng tubig ng isang intern student. Halos inisang lagok niya ang tubig dahil sa nararamdaman niyang galit. “Kuha mo pa nga ako,” utos niya.
“Bakit? Sinong babae? May nangyari ba sa baba?” tanong ni Dr. Luscio. Hinatak pa nito ang isang swivel chair at tumapat sa kanya. Napatingin siya sa doktor. May kaedaran na ito pero makisig na makisig pa rin ang pangangatawan nito. Matagal na niyang naisip na kung wala lang itong asawa ay matagal na niyang pinatulan ang doktor. Pero kahit papaano ay may moral pa rin naman siya.
“May isa kaasing pasyente. Mukhang galing pang probinsya. Typical poor man,” sagot niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Dr. Luscio.
“And?”
“Nakatanggap sila ng referral from other hospital na dito magpagamot. Of course, hinanapan sila ng issurance or whatever na magpapatunay na may pera sila but they can’t provide anything. The daughter was mad and being scandalous. Wala ako magawa kung hindi ang humingi ng tawad. Can’t believe I bowed my head sa mga hampaslupang iyon.”
“What happened next?”
“Bigla na lang may sumulpot na babae. Telling what is my job as a doctor. Pina-admit niya. I think mukhang mayaman kaya pinaasikaso ko na ang admission ng pasyenteng iyon.”
“Relax lang. Makukuha naman natin ang pangalan ng babaeng iyon. Sa ngayon ay wala muna tayong gagawin sa pasyenteng iyon,” sabi ni Dr. Luscio sa kanya. Tumango siya at naramdaman niya ang pagtapik ng lalaki sa balikat niya. Sapat na iyon para kumalma siya.
***
“Hayop ka Toneth! Bakit hindi mo sinabing dumating ka na pala ng Pinas?” sabi ni Chad Rivera—ang isa sa mga matalik niyang kaibigan. Napataas lang ng kilay no Toneth dahil sa sinabi ni Chad. Nandito siya ngayon sa condo unit nito at obvious na nasurpresa ang lalaki sa pagdating niya. Itinaas niya ang mga paa niya sa center table nito.
“Kung sinabi ko ay malamang hindi na surprise iyon. Saan ka nakakita na surprise pero sinabi?” sabi niya. Napakamot ng ulo ang binata. Matagal na niyang kaibigan si Chad. Kumukuha palang sila ng pre-med courses noon nang magkakilala sila. Sabay silang nagpursue ng medicine hanggang sa makatapos sila. Pero imbes na tumuloy sa ospital si Chad ay napirmi na lang ito sa loob ng condo unit at naging vlogger. All about health ang topics nito. Isa sa mga top 10 board passers pero pinili nito ang mag-vlog.
“Alam na ba ng ibang tropa na nandito ka na?” tanong nito sa kanya. Inabutan siya ng isang basong iced tea na mabilis niyang sinimsim.
“Hindi pa. Ikaw palang nakakaalam. Besides, wala naman talaga akong balak umuwi. Pinilit lang ako ni Dad na umuwi. I was having a blast in Italy,” sagot niya.
“O bakit ka pinilit umuwi?” Tumabi si Chad sa kanya.
“He wants me to work in Froilandon. Gusto niya masilip kung ano ba talaga ang mga nangyayari sa loob. I told him na kumuha na lang siya ng iba pero after what I saw kanina, I decided tanggapin ang kagustuhan ni daddy. Froilandon is a messe up hospital,” sagot niya.
“Ano ba nangyari?” tanong ni Chad.
“Tinatanggihan nila ang isang pasyente lalo pa’t alam nila na walang pera ito. Bulung-bulungan ng ilan na talagang tinatanggihan nila. Naawa ako sa mag-ama kaya nakipagsagutan ako sa isang doktor doon. Pinaadmit ko ang pasyente.”
Nang matapos siyang magsalita ay nanatiling nakatingin sa kanya si Chad. Para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Maya-maya ay bigla na lamang ito natawa at naiiling.
“Wait, now I know kung bakit ka nandito,” sabi ng binata. Ngumiti lang siya. “You want to get our Foundation again.”
“Exactly.”
“Good Samaritan ka?” tanong nito.
“Hindi naman. All I want is to save lives. Mahirap man o mayaman, if their lives in on the line, nandito ako para iligtas sila,” sagot niya.
“Hay nako, Toneth. Hindi ka pa rin nagbabago.” Tumayo si Chad at lumapit sa tapat ng computer nito. Dinig niya ang bawat mabigat na pagpindot nito sa keyboard. Maya-maya ay lumingon ito sa kanya at ngumiti. “The Foundation is now open.”
Napangiti siya. Ang Foundation ay isang grupo na binubuo ng iba’t ibang doktor at medical professionals upang maghatid ng tulong para sa mga kapos palad na kababayan nila. Sinimulan nila ang Foundation noong students palang sila. Noong mga mag-aaral pa lamang sila ay nangalap sila ng mga pondo upang masimulan ito. SI Chad ang nagsisilbing CEO at may hawak sa lahat ng bank accounts ng Foundation. Kalahati sa kinikita ni Chad sa vlogging ay dito napupunta. Ganoon din sa kanya at sa iba pa nilang kasama. Sa kagustuhan nilang makapaghatid ng tulong sa mga kapos palad na kababayan ay naitayo nila ang Foundation na ito.
“Patient’s name?” tanong ni Chad. Napakamot siya ng kanyang ulo.
“Pwede ba bukas na lang ibigay? Hindi ko pa nakuha ang details eh,” sagot niya. Tumayo na siya at kinuha angbagna bitbit. “I’m going now. Iyan lang naman ang ipinunta ko dito,” sabi niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Chad at basta na langsiyang lumabas ng unit nito. Naiiling na lamang si Chad sa kanya.
Pagdating niya sa mansyon ay mabilis niyang pinuntahan ang amang si Marlon upang sabihin ang kanyang mga kondisyon bago siya pumayag na magtrabaho sa ospital nila.
“Anong masasabi mo?’ tanong sa kanya ng ama.
“They’re evil,” sagot niya. “I will say all the conditions na kailangan ko bago ako magtrabaho as your doctor, Daddy.”
“Sige, ano ba ang gusto?”
“I want to use my mother’s maiden name, I will be Dr. Antoneth Beron. Walang sinuman ang makakaalam na anak mo ako, dad. If they knew na anak mo ako, things will be different. Mag-iingat sila. I want to be just a nobody sa kanila.”
“Walang problema, anak. I will process everything now para makapagsimula ka bukas na bukas din.”
“I will not participate in any research. Masakit sa ulo ang ganyan. All I want is to operate people and save their lives.”
“Noted. Mayroon pa ba?” Umiling siya.
“Iyon lang. Saka nga pala, I will notlive in this house. I want a personal space.”
“Granted.” Ngumiti siya.
Alam naman niyang papayag ang kanyang ama sa mga hiling niya dahil may pabor ito sa kanya.
Time to pack up!