“Mukhang kakilala ni Dr. Toneth si Mr. Romura,” sabi ni Dr. Luscio kay Dr. Evelyn. Napatigil si Evelyn sa kanyang ginagawa at napatingin sa lalaki.
“What do you mean?” tanong niya.
“Well, papasok sana ako sa room ni Mr. Romura pero nandoon na si Dr. Toneth. I can sense familiarity sa kanilang lahat doon. Looks like kakilala na nila ang isa’t isa.” Napaisip siya sa sinabi ni Luscio. Mahirap makapasok sa Froilandon. Naalala niya na halos dumaan siya sab utas ng karayom noong nag-aapply palang siya ilang taon na ang nakalilipas. Kaya malaking pagtataka sa kanya kung papaano nakapasok ng basta-basta si Dr. Toneth. Para sa kanya, something is not right.
“Maybe si Mr. Romura ang connection niya. We all know Mr. Romura is a billionaire. Kung malapit siya sa negosyanteng iyon, maybe si Mr. Romura ang naging daan para makapasok siya dito sa Froilandon,” sabi niya. Napatango si Luscio sa kanya, sumasang-ayon ito sa naisip niya.
“Well, malalaman naman natin iyan sooner or later. Sa ngayon, trabaho muna.” Muling lumabas ng opisina si Luscio at naiwan na naman siyang mag-isa ngayon. Hindi siya kasi sumama sa morning rounds ng mga doktor.
“Mahahanapan din kita ng butas, Beron,” bulong niya sa kanyang sarili.
“Good morning, everyone. I hope everyone is here because we will start our post-operative conference.” Mabilis na naupo ang lahat ng mga doktor sa kani-kanilang mga pwesto. Nang makaupo si Toneth sa kanyang pwesto ay ganoon na lang ang gulat niya nang makitang katabi na niya sina Kent at Alvin. Ngumiti lang ang dalawa sa kanya. Nakailang pasyente na ang natalakay hanggang sa dumating sila sa kanilang VIP patient na si Giovani Romura.
“Next patient is a VIP one. Patient’s name is Giovani Romura, 46 years old and a businessman. Diagnosis is that he has a pancreatic cancer with a 5 cm tumor on the pancreatic head.” Nang marinig niya ito ay nabigla siya. Hindi niya akalain na may cancer ang kanyang ninong na itinuturing niyang pangalawang ama. Bigla siyang nagtaas ng kamay.
“Akin na ‘yan!” sigaw niya. Napalingon ang lahat sa kanya.
“No,” sabi ni Director Agot. Nanlaki ang mga mata niya.
“What? That is my patient,” katwiran niya.
“Hindi ko ibibigay sa isang baguhan ang isang VIP patient. Tandaan mo he is a VIP. You failed your first operation here.”
“No, I did not!”
“Tama na ang reklamo, Dr. Toneth. I will not give him to you. Dr. Alvin Cabrera, ikaw ang in-charge sa pasyente.”
“Po?” Biglang napatayo si Alvin ng marinig niya ito. “Sigurado po ba kayo Director?”
“Mukha ba akong nagbibiro?” tanong ni Director Agot. Lumapit si Alvin sa mga nakapaskil na CT-scan films at pinagmasdan ang mga ito. Nakita niya na halos kumalat na ang cancer cells sa pancreas ng pasyente. “Dr. Alvin, ano ang magiging procedure mo?”
“Umm…pancreatoduodenectomy po ang gagawin ko,” sagot ni Alvin.
Ang pancreatoduodenectomy o mas kilala bilang Whipple procedure ay isang major operation kung saan tinatanggal nito ang mga cancer tumor sa ulo ng pancreas. Kung successful ang operation, ang survival rate after ng limang taon ay nasa 25%.
“Sandali lang,” putol niya sa pag-uusap ng dalawa. Lumapit siya sa mga Ct-scan films at tinmingnan maiigi ito. “Papaano kung kumalat na ang tumor sa superior mesenteric artery or sa portal vein?” tanong niya.
“Hindi pa din magbabago ang procedure ko,” sagot ni Alvin sa kanya. “Tatanggalin ko lang ang lahat ng cancer cells as much as possible around the blood vessels. After ng surgery ay pwede na siyang mag-undergo ng chemotherapy.”
“So, the cancer will reoccur lang?” Tumango si Alvin sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya.
“I have a question.” Napatingin lahat sila kay Dr. Evelyn. “Bakit hindi na lang tanggalin ang affected arteries? Pwede naman i-reconnect sa ibang arteries ‘yan, hindi ba?”
Pinilit niyang hindi mapaikot ang mga mata niya. Iniisip tuloy niya kung anong klaseng doktor ang babaeng iyon.
“Common knowledge na sa aming mga surgeon na huwag gagalawin ang SMA,” sagot niya. Sumang-ayon ang lahat. Natahimik si Evelyn at bumalik na lang sa kanyang upuan. Tumingin siya kay Alvin at tinapik ang balikat nito at bumulong. “Don’t fail,” sabi niya. Tumalikod na siya at lumabas ng conference room.
“Sigurado ka ba? Whipple procedure ang gagawin mo?” tanong ni Dr. Kent kay Alvin. Napakamot siya ng ulo.
“Iyon lang ang alam kong pwede sa case ng pasyente. Nakakagulat naman kasi si director. Bigla-bigla na lang akong ina-assign. Buti sana kung ikaw eh,” sagot niya.
“Huwag kang mag-alala. I will be your assistant. Hindi kita iiwan sa operating room.”
“Natatakot ako na baka maging 007 ako,” sabi niya. Napakunot naman ang noo ni Kent.
“007? Ano ‘yun?”
“Licensed to kill,” sagot niya. Napangiwi si Kent sa kanya.
“Loko ka. ‘Wag kang magsalita ng ganyan. Do your best na lang. Hindi ka pababayaan ni Lord.”
“Imbes at ana pag-aralan ko ang procedure ay luluhod ako sa lahat ng santo. Major operation pa ang ibinigay sa akin. Napansin ko lang din, parang inis si director kay Dr. Toneth. Hindi naman talaga failed ang unang procedure niya eh. Aminin man natin, siya lang nakaisip na ganoon ang gagawing porocedure.”
“Ikaw, ‘wag kang panghinaan ng loob. Tandaan mo, nasa mga kamay mo na ang buhay ng pasyente. Hindi ka pwedeng magkamali kaya relax ka lang, okay?” Tumango siya.
Tama si Kent, nasa mga kamay ko ang buhay ng pasyente. Hindi dapat ako mag-isip ng negative.
“Tara na. bisitahin natin ang pasyente mo at ma-inform na ikaw ang in-charge sa kanya,” sabi ni Kent. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at nagtungo na sila sa east wing kung nasaan ang pasyente.
Pagdating nila doon ay naabutan nila si Toneth na kausap ang pasyente. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Kent dahil sa kanilang nakita.
“They’re here na.” Narinig nilang sabi ni Toneth.
“Excuse me,” sabi ni Kent. Pumasok na sila sa loob.
“Mr. Romura, I am Dr. Alvin Cabrera. I will be in-charge for your tomorrow’s operation,” sabi niya. Ngumiti ang pasyenter sa kanya.
“Nice to meet you Dr. Alvin. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa’yong mga kamay.”
Dahil dito ay mas lalo siyang natakot.