“The new doctor is very interesting,” sabi ni Dr. Geraldine Osla sa PR manager na si Ms. Tinculco. “May mga information ka bang nahanap tungkol sa kanya?” tanong nito. Umiling ang babae sa kanya.
“Unfortunately, doc, wala po akong nakuha information tungkol sa kanya. Looks like someone is preventing to leak it to us.”
“That only proves na may connection siya. Hindi lang natin alam kung sino. Maybe from the government, or maybe dito mismo sa ospital. You know what? Honestly, I was impressed on her explanation the other day. Walang nakaisip ng procedure na ganoon,” sabi niya. Tumango ang PR manager. “Bantayan mo lang ang mga kilos niya. maaari ko siyang gamtin in the future.”
“Yes, deputy-director.”
Hindi niya makalimutan ang napanuod niyang performance ni Dr. Toneth Beron. Hindi siya kaagad nagduda sa kakayahan nito. Alam niyang may iniisip ito kaya hindi siya agad nag-react nang umalis na lang ito basta ng operating room. Kaya namangha siya nang ipaliwanang nito kung bakit isang tumor lang ang tinanggal niya. Kitang-kita niya kung papaano mapanganga at mapahiya si Dr. Agot.
“Magiging interesting ang mga susunod na araw. Someone put an effort in this hospital,” sabi niya. Kinuha niya ang tasa ng kape at sumimsim.
“Pa, hindi pwedeng ganito. Bakit ibinigay mo ang project kay Jacob?” Napatigil siya sa kanyang pagbabasa ng mga reports at napatingin sa kanyang anak na halatang galit na galit. Napabuntong hininga siya. Alam na niyang mangyayari ito. Tinanggal niya ang suot na antipara at minasahe ang pagitan ng kanyang mga mata.
“I gave the project to Cain because I know he can do it,” sagot niya.
“That’s not fair!” sigaw ng anak niyang si Jacob. Naiiling na lang siya.
Siya si Giovani Romura—isang negosyante. Pangunahing negosyo nila ay ang real estate. Iilang commercial buildings and condominiums ang hawak nila. At ngayon nga ay nagmamaktol ang panganay niyang anak na si Jacob dahil ibinigay niya sa isa niya pang anak ang project sa Cebu.
“Naisip ko na mas matututukan ni Cain ang project sa Cebu dahil iyon lang naman anghawak niya. Mas gusto kong nandito ka sa Manila,” sagot niya. Tumayo siya at nilapitan si Jacob at tinapik ang balikat nito.
“But Pa, that was my plan. Akin ang mga plano sa Cebu pero bakit binigay mo sa kanya? Nagpakapuyat ako para matapos iyon,” reklamo ni Jacob.
“Please, anak. Pagbigyan mo na siya.”
“Damn it!” sigaw ni Jacob. Mabilis na tumalikod si Jacob ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng tuluyan ay nakarinig siya ng pagbagsak at impit na boses. Nilingon niya ito at nakita ang ama na nakaluhod at namimilipit sa kait. “Pa? A-anong nangyayari? Anong masakit sa’yo?’ sunod-sunod niyang tanong ngunit wala siyang nakuhang sagot. “Tulong! Tulong!”
Mabilis nilang naisugod si Giovani sa Froilandon Medical City. Agad silang inasikaso ng mga nurses sa emergency room. Ang sabi sa kanila ay kailangang i-admit siya dahil kailangan niyang dumaan sa ilang mga laboratory test. Binigyan siya ng gamot upang mawala ang p*******t ng kanyang sikmura.
“Medyo nagkakagulo sa ER ah,” sabi ni Dr. Kent Alvarez. Napatingin siya at napataas nag kilay nang makita ang isa pang doktor. May suot itong salamin at mukhang nerd.
“Umm hello. Ako pala si Dr. Alvin Cabrera. Hindi pa ako nakakapagpakilala sa’yo,” sabi nito. Inilahad nito ang kamay at mabilis niya itong kinamayan.
“Nice to meet you too.” Mabilis siyang tumalikod sa dalawa at binuksan ang laptop niya.
“Medyo mataray iyan. Hindi pa natin nahuhuli ang kiliti.” Narinig niyang bulong ni Dr. Kent.
“G-ganoon ba?” tanong naman ni Dr. Alvin. Nilingon niya ang dalawa at mukhang nagulat sila.
“I can hear you. Mataray talaga ako,” sagot niya. Ngumiti ng alanganin ang dalawa sa kanya.
“Dinig ko kanina may VIP na sinugod sa ER,” sabi ni Dr. Alvin.
“VIP? Sino naman?” tanong ni Kent.
“’Yung may-ari ng isang real estate company? Alam ko ang name niya ay si Giovani Romura,” sagot ni Kent. Mabilis siyang napatayo nang marinig niya ito.
“What? Nandito siya?” tanong niya. Niyugyog niya pa ang balikat ni Alvin.
“O-oo. Nasa ER kanina. Baka inilipat na ‘yun sa private room—” Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng kapwa doktor at basta na lang lumabas ng opisina. Naiwang clueless ang dalawang doktor dahil sa inasal niya.
“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Dr. Kent. Nagtaas-baba na lang ang mga balikat ni Dr. Alvin.
Mabilis niyang itinanong sa information desk ang room number ni Giovani Romura. Nang malaman niya ay mabilis siyang umakyat sa 8th floor ng east wing building. Pagdating niya doon ay nakita niya si Jacob. Kumatok siya at napatingin ang lalaki sa kanya.
“Wait. Hindi ba ikaw si—”
“Long time no see, Jacob,” sabi niya.
“Toneth? Dito ka nagtatrabaho?” tanong nito sa kanya. Tumango siya.
“Yes. Pero ‘wag mong sasabihin ang kahit na anong tungkol sa akin. My profile is confidential,” sabi niya. Lumapit siya sa lalaking nakahiga at mukhang may malay na ito.
“Hello, Ninong Vani,” sabi niya. Nagulat ang lalaki sa kanya pero kalaunan ay napangiti.
“Toneth. Matagal din tayong hindi nagkita,” sabi ni Giovani sa kanya. Napansin nito ang suot niyang doctor’s gown. “Akala ko baa yaw mong umuwi ng Pinas? Mas lalo na ang magtrabaho dito sa Froilandon?”
“No choice, ninong. Mapilit si Daddy,” sagot niya. “Kumusta na po pakiramdam niyo?” Ibilagay niya ang kanyang kanang kamay sa tiyan ni Giuovanni atmedyo diniinan ito.
“Kanina sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi ko na nga alam papaano ako nakarating dito sa ospital,” sagot sa kanya.
“Nag-conduct na ba ng lab tests?” tanong niya kay Jacob. Tumango si Jacob sa kanya.
“Oo kanina. Mamaya daw ay CT-scan para malaman kung ano ba talaga ang sakit niya.”
“Good. Makikibalita din ako if lumabas na ang result. Kung kaya ko ay ako ang magiging doktor ni ninong.” Nagmano siya sa kanyang ninong bago tuluyang lumabas ng kuwarto.