Chapter 14 Buhay

1879 Words

NAGTAKA si Cristina nang datnan niyang nakasara ang karinderyang pinapasukan. Sa tagal na niyang nagtratrabaho ro’n, bihirang-bihira magsara ang kainan. Kahit pa nga may sakit si Madam Loi bukas pa rin ’yon. Dahil katuwiran nito sa kanila sayang ang kikitain, paano ang mga tauhang doon umaasa sa araw-araw at ang mga solid nilang customer. Paano kung lumipat sa ibang karinderya. Tiningnan niya ang relong pambisig alas-siyete na pasado. Dapat bukas na ito at nagsisimula na siyang maghugas ng mga plato. Ngunit hanggang ngayon nakatanga pa rin siya sa harapan ng karinderya na parang anumang oras bubukas ’yon at sasalubungin sila ng ngiti ni Madam Loi. Hindi kaya sinumpong ng sakit niya si Madam Loi? aniya sa sarili. Pumihit siya pakanan upang maglakad-lakad. Wala naman ’ata magbalak magbukas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD