KINABUKASAN nagmamadali at halos liparin ni Alex ang hagdanan papunta sa kuwarto ng magulang. Dahil sa pagmamadali muntik pa siyang nahulog nang nagkamali ang isang paa niya sa pag-apak sa baitang. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakapit sa railing ng hagdanan. Pagkarating niya sa pintuan ng kuwarto sunod-sunod ang ginawa niyang pagkatok. Kahit alam niyang nagpapahinga pa ang mama at papa niya. “Bukas, ’yan” Narinig niyang pasigaw ng kaniyang papa. Mabilis niya itong binuksan at lumapit sa paanan ng kama. Halos ’di pa rin nakakabangon ang mag-asawa. Nasa mata nila ang pagtataka nang masilayan ang irsura ng pangalawang anak. “’Ma. ’Pa.” Saglit huminto si Alex sa pagsasalita upang sumagap ng hangin. “Nasa ospital si kuya. May pumuntang dalawang pulis dito kanina. Ipinabatid nila ang na