NAALIMPUNGATAN si Cristina nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. Pupungas-pungas siya habang tinatanggal ang kamay ni Harold sa kaniyang baywang. Bumangon ang dalaga, kinuha niya ang relo na nasa ilalim ng kaniyang unan at tiningnan ang oras. Tuluyang nagising si Cristina nang makitang alas-singko na ng umaga. Bumaba siya sa papag at hinagilap ang tsinelas na panloob. Dalawang tao lang ang alam niyaang gagambala sa kanila ng gano’n kaaga. Kun ’di si Britney baka ang tiyahin niyang masama ang ugali at mukhang pera. Pagbukas niya ng pintuan mukha ng pinsan ang tumambad sa kaniya. Sa itsura ni Britney mukha itong puyat na puyat at wala pang tulog. Magulo rin ang buhok nito na akala mo nakipag-away sa kanto. Binuksan ni Cristina ng maayos ang pintuan saka pinatuloy ang pin