MAKALIPAS ang isang linggong pananatili sa Manila. Bumalik ng Mindoro si Michael kasama ang dalawa niyang kaibigan. Pagkarating niya sa kanilang bahay masaya niyang ibinalita sa pamilya ang naging disesyon ng Philippine Army. “Binabati kita anak. I’m so proud of you!” bati ni Senyora Dolores kay Michael. Mangiyak-ngiyak pa ang ginang. Dahil sa wakas dininig ng Diyos ang munti niyang dasal. Na sana hindi ma-assign sa Mindanao ang binata. “Congratulations son. Masayang-masaya ako sa wakas nakamit mo na ang matagal munang pinapangarap. Pagpalain ka ng Diyos sa araw-araw at gabayan sa ano mang laban na ’yong haharapin. Ipinagmamalaki kita,” very proud na pahayag ni Senyor Alexander. Niyakap pa nito ang anak at magaang tinapik sa braso. Maya-maya pa nagsilapitan ang kaniyang mga kapatid sa