HALOS dumadagundong ang boses ng emcee sa buong grounds ng Philippine Military Academy. Nang tawagin ang pangalan ng magsisitapos kabilang na si Michael. Masayang-masaya siya dahil sa wakas natupad na rin niya ang matagal na niyang pangarap ang maging isang sundalo.
“DELA TORRE, CRIS MICHAEL!”
Kasama ang magulang na kapwa may mga ngiti sa labi. Agad umakyat sila sa stage upang tanggapin ni Michael ang kaniyang medalya at diploma. Kasabay no’n ang pagbigay sa kaniya ng ranggo bilang First Lieutenant.
“Congratulations!” bati kay Michael ng kaniyang superior. Maging ang ama niya ay nakipagkamay sa kaniyang guro.
Nakangiti at masayang tinanggap ni Michael ang kamay ng guro. “Thank you very much sir. Karangalan ko pong mapasama sa Hukbong Sandatahan.”
Isang masaya ring ngiti ang iginanti sa kaniya ng kaniyang superior. “Ngayon pa lang malugod na kitang tinatanggap sa aming pangkat. First Lieutenant Cris Michael Dela Torre.”
Mabilis ang naging pagsaludo ng binata sa kaniyang guro. Na agad namang gumanti si Major General Crisanto Bermudes. Matapos ’yon agad niyang kinamayan ang ibang guro at may matataas na posisyon sa Hukbong Santadahan. Kitang-kita pa ng binata ang kasiyahan sa kaniyang ama habang nakikipagkamay at batian sa kapwa sundalo nito. Proud na proud ang nakikita niya sa kaniyag magulang. Matapos ’yon bumaba sila na pare-parehong masaya.
“Congratulations son, I’m so proud of you.” Buong pagmamalaking niyakap siya ng ama.
Hindi rin nagpahuli ang kanyang ina na may bitbit na bulaklak ng sampaguita at isinabit ’yon ni Senyora Dolores sa liig ng binata.
“Congratulations anak, masaya ako at natupad mo na ang ’yong pangarap. Sana mas mahigitan mo pa ang serbisyong ibinigay ng ’yong ama sa ating bayan. Stay humble son and always keep in your heart the God,” masaya at madamdaming pahayag ni Senyora Dolores. Para sa kaniya isang karangalan ang makitang nakapagtapos sa pag-aaral ang anak.
Niyakap ni Michael ang kaniyang ina. Buong puso siyang nagpasalamat sa ibinigay nitong suporta sa kaniya. Isa si Senyora Dolores ang nanghikayat sa kaniya na subukang mag-take ng exam sa PMA. Batid niya kung gaano kahirap ang pagsusulit sa academy. Ngunit sa tiyaga at laging paaalala ng kaniyang mama nakamtan niya ito.
“Salamat po ma. Sa walang sawang pagsuporta sa ’kin. Mahal na mahal ko kayo, pangako lahat ng mga payo ninyo isasapuso ko ito.”
“I’m so proud of you son. Again congrats.”
Kasabay ang magulang masayang lumabas ng grounds si Michael. Akbay pa siya ng kaniyang ama na ’di maalis-alis ang mga ngiti sa labi. Pagkarating sa parking area, saglit nagpaalam sa kaniya ang dalawa na titingin ng mga paninida na nasa gilid ng kalsada. Papasok na sana siya sa loob ng sasakyan nang biglang may bumati sa binata.
“Congratulations!” Magkasabay na bati sa kaniya ng dalawa niyang bestfriend.
“Salamat! Salamat,” masayang saad ni Michael sa dalawa. “Bakit ngayon lang kayo? Hindi n’yo tuloy naabutan ang ceremony.”
“Ito ang sisihin mo.” Itinuro ni Romano si Calixto dahilan ng kanilang pagka-late.
Isang nakakalokong ngiti ang isinagot ni Calixto sa kaibigan. “Pasensya na p’re, napasarap lang.”
“Diyan ka magaling!” asik ni Michael kay Calixto. Ngunit tinawanan lang siya ng kaibigan.
Masamang tingin naman ang ibinigay ni Romano kay Calixto. Bagamat sila ang madalas magkasam nito, hindi naman niya maawat-awat ang pagiging babaero nito.
“Titigil ’yan kapag nagkaroon ng sakit,” segunda ni Romano.
“Sakit agad. Palibhasa walang mga lovelife,” pasaring niya sa dalawa. Saka inilagay ang kamay sa suot na pantalon halatang nagpapogi sa mga dumaang babae sa tabi nila.
“Bakit love life ba ang tawag d’yan sa ginagawa mo?” sawata ni Romano sa kaibigan.
Kakamot-kamot lang si Calixto ng kaniyang ulo kahit ’di naman talaga makati. Iniisip rin niya kung kailan kaya siya titigilan ng mga kaibigan sa kasesermon tungkol sa pambabae niya. Sa huli naisip rin niyang tama ang dalawa.
Maya-maya pa masayang lumapit ang magulang ni Michael sa kanila. Halos ’di makapamayaw si Senyor Alexander sa mga bitbit. Na agad namang tinulungan ng kaniyang mga kaibigan. Habang si Senyora Dolores naman kitang-kita ang kasiyahan sa mukha. May bitbit rin itong walis tambo at malalaking kutsara’t tinidor na yari sa kahoy.
“Ewan ko ba d’yan sa mama mo. Kung saan pa niya ilalagay ang mga ’yan. May balak ’atang magpa-exibit,” reklamo ni Senyor Alexander kay Micheal habang nilalagay nila ang mga pinamili sa likod ng SUV na dala ng magulang.
Tumawa si Michael sa ama. “Hayaan n’yo na ho, d’yan siya masaya. Suportahan na lang po natin.”
“Sa bagay. Ano pa bang magagawa ko, kun ’di ibigay ang gusto ng mama mo?” nakangiting sagot ni Senyor Alexander sa anak.
Ilang sandali pa pinagtulungan nila ng magkakaibigan ang tatlong kahon. Na may lamang strawberry jam na ipasok sa loob ng SUV. Matapos ’yon agad puwesto ang kaniyang mama sa unahan katabi ng ama na nasa driver seat.
“Kailan pala ang uwi mo ng Mindoro?” tanong ni Senyora Dolores habang ikinakabit ang seatbelt.
“Kapag natapos ko po ang mga assignment ko, uuwi agad ako.” Isinara niya ang pintuan para sa ina.
Mula sa driver set, bahagyang sinilip ni Senyor Alexander si Michael.
“Umuwi ka agad. Magpa-party tayo para sa graduation mo,” singit ni Senyor Alexander.
Umiling ang binata. “H’wag na ho pa, sayang ang gagastusin natin. Ibigay na lang natin sa mga tauhan ninyo sa bukid.”
“Oo nga naman mahal. Tama ang anak mo,” sagot ni Senyora Dolores sa asawa bahagya pang hinaplos ang mga kilay nito. Sa edad ng kaniyang magulang kitang-kita pa rin ang pagmamahal sa isa’t-isa.
Umayos ng upo si Senyor Alexander sa harap ng manibela. Ini-start ang sasakyan pabalik ng hotel na kanilang tinuluyan. Bukas ng umaga ang balik nila sa Mindoro.
“Mag-ingat po kayo. Pa, dahan-dahan lang po pagmamaneho,” bilin nito sa magulang.
Kumaway si Senyora Dolores. “Ikaw rin, mag-ingat ka.”
Hatid tanaw ni Michael ang papalayong sasakyan ng magulang. Nang tuluyan itong nawala sa kaniyang paningin. Binalikan niya ang mga kaibigan.
“Ano’ng plano ’di pa naman ako puwedeng lumabas?” tanong niya sa dalawa habang naglalakad pabalik ng grounds.
“Ipasyal mo na lang kami rito. Mukhang maraming chicks rito?” si Calixto ang sumagot.
“Marami nga rito. Basta ba kaya mong ilagan ang mga bala nila,” biro niya sa kaibigan. Sinabayan pa nila ni Romano ng pagtawa.
Halos ’di naman maipinta ang mukha ni Calixto sa inis. “Matindi kayo sa ’kin. Sa halip suportahan ninyo ako, pinupuno n’yo ng sermon ang tainga ko ha.”
Inakbayan ng dalawa si Calixto. “Mahal ka namin. Ayaw naming mapariwara ang buhay mo.”
Agad inumang ni Michael ang kamao sa harapan nila. “All for one!”
“One for all!” sigaw ng dalawa. Sabay dikit ng kanilang kamao tatlo.
ARAW NG SABADO day-off ni Cristina sa karinderyang pinapasukan. Maaga siyang gumising para asikasuhin ang mga kapatid. Balak niyang ipasyal ang mga ito sa bayan ng Poblacion. Gusto rin naman niyang ma-experience ng mga kapatid kung paano sumakay ng jeep, maglaro sa playground o kumain sa mga sikat na fastfood chain sa kanilang lugar. Nang mamatay ang kanilang magulang halos ’di na nasilayan ng mga ito ang mukha ng siyudad.
Matapos niyang pakainin ang mga kapatid. Niyaya naman niya itong maligo sa poso ng kanilang tiyahin. Hawak niya si Harold samantalang si Janna nauna na itong naligo dahil sa excitement na nadarama.
“Tapos ka na?” duda niyang tanong sa kapatid. Tingin kasi niya kay Janna parang ligo kalabaw ang ginawa. ’Yong tipong pagkabuhos ng tubig tapos agad.
“Oo ate tapos na ako.” sigurado nitong sagot. Saka hinila ang sariling tuwalya sa sampayan.
Tiningnan ni Cristina ang kapatid na may pagduda. Hindi talaga siya kuntento sa ginawang ligo ni Janna. Kaya mabilis niya itong tinawag at pinabalik.
“Bakit?” Nagpapadyak ito pabalik sa poso.
Masamang tingin ang ibinigay niya sa kapatid. Maya-maya pa naging isang maamong tupa na ito sa kaniyang harapan. Inutusan ni Cristina si Janna na hubarin ang suot na sando. Ngunit agad naman itong pinasuot ng dalaga. Nang makita niyang may kunting umbok na ang dibdib nito. Kahit pa sabihing nasa loob ng bakuran ang poso ng tiyahin, natatakot pa rin siya na may makakitang ibang tao sa kapatid.
Sinabon ni Cristina ang bimpo saka ikinuskos sa buong katawan ni Janna.
“Ate, dahan-dahan naman. Baka sumama ang balat ko d’yan sa towel, magkaroon pa ako peklat,” reklamo ni Janna. Feeling kasi niya sa tuwing dadampi ang towel sa kaniyang balat. Nagiging sugat ito.
Tiningnan ni Cristina ang kapatid. “Ano’ng problema mo sa peklat?”
“Ate naman. Saan ka ba nakakita ng model na may peklat?” aniya sa kapatid.
“Bakit model ka ba?” Ibinigay ni Cristina ang tabo kay Janna. Saka iniahon si Harold sa palangganang puno ng tubig. Ito naman ang kaniyang pinaliguan.
“Hindi pa ngayon ate. Someday I will be a model.” Nag-pose pa siya sa harapan ng kapatid.
Tawa naman tawa si Christina sa ginawa ni Janna. Para kasi itong poste ng Meralco sa tigas ng baywang. Sinimangutan naman siya ng kapatid saka walang paalam na umalis ito.
Matapos paliguan ni Cristina si Harold agad niya itong inihatid kay Janna para bihisan saka bumalik ng poso para maligo. Ilang sandali pa masaya at hawak kamay na lumabas ng bahay ang magkakapatid.