Chapter 4 Maritess

1839 Words
SAKAY ng pampasaherong jeep ang magkakapatid na Cristina, Janna, at Harold. Masayang-masaya sila at halos ’di mabura ang mga ngiti sa labi. Habang sa biyahe manaka-naka pang nagkulitan ang dalawa sa upuan. Tuloy ’di napigilan ng ale na katabi nila na ismiran ang magkapatid. Nang makita ’to ng dalaga kaagad niyang sinaway si Janna at pinausod niya sa kaniyang tabi. Makaraan ang halos tatlong oras narating nila ang bayan ng Poblacion. “Ate. Ate! Jo-Jobee, po.” Turo ni Harold sa isang sikat na at nag-iisa pa lang na fastfood chain sa bayan ng Poblacion. Saglit silang huminto sa tabi ng daan. “Gusto mong kumain d’yan?” Agad sumagot si Harold. “Opo ate. Kita ko sa tv, masarap po ang pagkain nila.” Masayang ginulo ni Cristina ang buhok ng kapatid at tinungo nila ang kainan. Nagulat ang dalaga nang makita niyang tangkang huhubarin ni Harold ang suot na tsinelas agad niya itong pinigilan at inaya sa loob. Mabuti na lamang at wala pang gaanong tao ang nasabing fastfood chain. Iniupo niya si Harold sa bandang glasswall na katabi niya habang si Janna nasa harapan nila. “Ano’ng gusto ninyong kainin?” masayang tanong ni Cristina sa dalawa. “Ate, spaghetti sa ’kin, hambuger, fries, at coke. Salamat ate,” si Janna. Binalingan ni Cristina si Harold. Tahimik na nakadungaw sa glasswall. “Ikaw bunso, ano’ng gusto mo?” “Ate! Wala ba silang ate na tulad mo? Bakit sila nanghihingi ng pagkain sa mga tao?” Nagulat si Cristina sa tanong ng kapatid. Pitong taon lang kapatid, parang matanda na ito kung magsalita. Nang tingnan niya ang glass wall, nakita niya ang magkapatid na namamalimos. Tingin niya sa limang taon ang batang babae at isang taon batang buhat-buhat nito. Hinaplos ni Cristina ang buhok ng bunsong kapatid. Suwerte pa rin sila dahil ’di sila pinababayaan ng Diyos at hindi sila natulad sa mga batang namamalimos. “Hayaan muna sila,” sabi ni Cristina. Ilang sandali kita nila ang paglapit ng isang lalaki sa dalawang bata at inakay sila paalis sa nasabing fastfood. Nang humarap si Harold kay Cristina agad niya itong tinanong kung ano’ng gustong orderin na pagkain. Alam niyang ’di kalakihan ang pera niyang dala. Wala naman siguro masama kung paminsan-minsan pagbigyan niya ang mga kapatid sa nais. “Ate, gusto ko ’yong may kasamang laruan saka spaghetti at chicken joy. Nakita ko ’yon minsan dala ng papa ni Lance sa kaniya,” kuwento ni Harold sa kaniyang ate. Si Lance ang batang kapitbahay nila na halos kasing edada lamang nito. Masayang nagpaalam si Cristina sa kaniyang mga kapatid. Bago pa man siya tumayo nagbilin siya kay Janna na bantayang mabuti si Harold baka maglikot at makabasag ng gamit ro’n. Tinakot pa niya ang kapatid na kapag nagkagano’n siya ang iiwan sa fast food chain para maghugas ng sangkaterbang plato. Dahil wala silang perang pambayad. Ngumuso lang si Janna sa naging biro ni Cristina. Tumayo si Cristina at buong ingat na tinungo ang counter. Habang tinitingnan niya ang menu sa malaking electronic board sa harapan. Napailing ang dalaga sa mga presyong naka-tag sa bawat pagkaing o-order-in. Matapos niyang ibigay ang napiling order sa cashier. Kinuha niya ang wallet na nasa sling bag at humugot ng three hundred pesos at saka ibinigay sa babae. Nang ibigay sa kaniya ang sukli na sampong peso tumabi siya para maka-oder din ang kasunod niya sa pila. Habang hinihintay ni Cristina ang kaniyang oder. Nagulat siya ng may yumapos sa kaniyang tuhod. Nang yukuin niya ito nakangiting mukha ng kapatid ang bumungad sa kaniya. “Gutom na ako. Ang tagal mo po,” reklamo ng kapatid. Hinimas pa nito ang tiyan na ikinatuwa ni Cristina. Ilang sandali pa nakumpleto na ang kanilang order sa dalawang tray. Seninyasan niya sa Janna na lumapit para kuhanin ang isa pang tray. Hindi pa man nakakalayo ang dalaga sa counter nang makarinig siya ng usapan sa dalawang babae na mukhang mga sosyalin ang porma. “Sayang ang ganda pa naman niya. Ang aga lang lumandi.” Nakataas pa ang kilay ng babae habang nakatangin sa dalaga. Parang diring-diri ito sa kalagayan ni Cristina. “Oo nga. Tingnan mo, parang wala pa ’atang asawa? Disgrasyada siguro?” pasaring ng kasama nito. Nakataas din ang pekeng kilay. Na para bang may ginawang masama si Cristina. Dahil ayaw niya ng gulo hindi pinansin ng dalaga ang pasaring ng dalawang sosyalera na daig pa ang inilublob ang mga nguso sa aswete. Batid niyang hindi naman totoo ang sinasabi ng mga ito laban sa kaniya. Ngunit pinagtitinginan siya ng mga tao na para bang hinuhusgaan siya. Kaya binuweltahan niya ang dalawa. “Excuse me! Mga kampon ba kayo ni Maritess at dito pa talaga kayo naghasik ng lagim, ha?” mataray niyang laban sa dalawa. Sa gulat ng dalawa halos walang may nagsalita sa kanila dahil may pagkasiga ang dating ng boses ni Cristina. “Pangit na nga, pati ugali nadamay pa. Mga tsimosa!” Walang pakialam si Cristina sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Kahit mahirap sila alam niya ang ibig sabihin ng mabuting asal. Ngunit sa tulad ng dalawang babae hindi puwede ang pagiging mabait dito. Dahil apak-apakan lang nila ang dignidad ng isang tao. Isang nakakamatay na irap ang ginawa ng dalaga sa dalawang babae saka tumalikod at tinungo ang puwesto nila. “Oh, kain na. Sorry, may shooting lang kanina si ate.” Kinuha niya ang pagkain para kay Harold at inilagay sa harap ng kapatid. Saka inabot ang para kay Janna. “Salamat, Ate Cristina,” si Janna. “Inferness ate, hindi nakapagsalita ang dalawang babae sa ’yo kanina. Takot sila sa bunganga mo.” Tatawa-tawa lang si Cristina sa sinabi ni Janna. “Gayahin mo ako. Hindi nagpapatalo, basta nasa tamang katuwiran.” Excited na binuksan ni Harold ang giveaway na bigay ng fastfood chain. Tuwang-tuwa ito nang makita ang kotse-kotsehang Mc Queen. “Wow, ate tingnan mo oh, ang astig. Heto ’yong laruan ni Lance nang isang araw, ipapakita ko rin ito mamaya sa kaniya,” masaya at excited nitong kuwento. “Mamaya na ’yan, kumain ka muna.” Akma niyang susubuan ang kapatid ng spaghetti. Ngunit mabilis itong umiling at kinuha sa kaniya ang kutsara. Ilang sandali pa at masayang kumain ang magkakapatid. Hindi nila alintana ang mga taong nasa paligid nila. SAMANTALA abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay si Senyora Dolores. Para sa gaganaping party mamayang gabi para sa pagtatapos ni Michael. Umaga pa lang ipinatawag na ng ginang ang mga kalalakihan na nagtratrabaho sa kanilang bukid upang linisin ang buong paligid ng kanilang bahay. Pinatabi muna niya ang mga tanim niyang bulaklak na nasa paso sa tabi ng bakod upang magamit ang espasyo ng garden. Aligaga din ang ginang sa pagsasaayos ng mga pagkain at kagamitan. Mabuti na lang at ang iba nilang handa ay pina-catering ni Senyor Alexander. “Agustin!” tawag ni Senyora Dolores sa isang tauhan. Kahit abala ito sa pagpihit ng lechong baboy sa iyawan ay agad niyang ibinigay sa kasama ang ginagawa. Tumayo si Agustin at lumapit sa ginang. “Magandang hapon po, Senyora Dolores,” bati nito sa ginang. “May kailangan po kayo?” Ngumiti ang ginang sa tauhan. “May kilala ka bang puwedeng mag-side line sa paghuhugas ng plato? Kulang tayo ng trabahador. Umuwi si Lucring, may sakit daw ang anak.” “Kung gusto n’yo po, maghahanap ako sa barangay Santa Catalina. Maraming nangangailangan ng trabaho po ro’n,” magalang na sagot ni Agustin. Nag-isip bigla ang ginang sa inihayag ni Agustin. Kilala kasi niya ang mga tao sa Santa Cantalina na medyo hindi mapagkakatiwalaan at bali-balitang pugad ng masasamang elemento ang bayan. Kaya nga naging sakit ito sa ulo ng mga namumuno sa lugar. “Ikaw na ang bahala. Basta masipag, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat kilala mo. Para kung sakali ikaw ang hahabulin ko, kapag may ginawang ’di maganda rito sa bahay,” seryosong sabi ng ginang. Pero sa huli ’di napigilan ni Senyora Dolores ang ngumiti. Lalo’t nakita niya ang mukha ni Agustin na ’di maipinta sa takot. “Tinakot n’yo naman po ako, Senyora,” saad ni Agustin. Kilala kasi si Senyor Alexander sa pagiging matapang at estrikto nito. Iniisip nito na baka nahawaan na rin ang ginang sa ugali ng among lalaki. “Kung gano’n po, aalis na ako. Malayo-layo rin ang Santa Catalina.” Ngumiti ang ginang. “Mag-ingat ka. Sasabihan ko si Alex na ipag-drive ka. Para mabilis kayong makabalik.” “Salamat po, Senyora,” aniya sa ginang. Pagpasok ni Senyora Dolores sa loob ng bahay. Agad bumalik si Agustin sa mga kasama at nagpaalam. Ilang sandali lang kasama ang pangalawang anak ng ginang na si Alex nagbiyahe sila patungong Santa Catalina gamit ang Isuzu Elf Single Tire Dropside Truck na kulay green. ALAS-SINGKO nang hapon ng iparada ni Michael ang kulay puting SUV. Na ginamit ng kaniyang kapatid sa pagsundo sa kaniya sa Bagiuo City. Nagtaka siya kung bakit hindi puwedeng ipasok sa loob ng bakuran ang sasakyan. Kanina kasi bago siya nakipagpalitan sa pagdra-drive kay Andres sinabihan siya nito na huwag ipapasok sa loob ang sasakyan. Kaya nagtaka siya kung ano’ng ganap sa loob ng kanilang bahay. Nang masiguro ni Michael na maayos niyang naiparada ang sasakyan. Pinatay niya ang makina at hinugot ang susi. Sinulyapan niya ang kapatid na natutulog sa backseat. Isang magaang tapik sa pisngi ang ginawa niya para gisingin ito. “Gising na. Narito na tayo,” saad niya kaya Andres at kinuha ang kaniyang duffel bag sa frontseat ng sasakyan. Sa halip na bumangon si Andres ininat lang nito ang katawan. Maya-maya pa isang malutong na mura ang narinig ni Michael sa kapatid. Nang lingunin niya ito, hawak-hawak na ni Andres ang tuhod. Isang ngisi ang pinakawalan ni Michael bago binuksan ang pintuan ng SUV. “Wala ka pa sa kama mo, bro. Nanaginip ka ’ata?” buska ni Michael saka tuluyang bumaba ng sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng backseat at inihagis ang susi sa kapatid. “Ikaw na magsara.” Bitbit ang duffel bag tinungo ni Michael ang may kaliitang gate na yari sa bakal at daanan lamang ng tao. Bukod kasi isa pa nilang gate na para naman sa kanilang mga sasakyan. Pagbukas niya bumungad sa kaniyang mga mata ang nakangiti at naghihintay na si Senyora Dolores sa froont door ng kanilang bahay. Inilang hakbang ng binata ang pagitan nila ng kaniyang ina. Agad niya itong niyakap at hinalikan sa ulo. “Na-miss kita, hijo. Nasaan pala ang kapatid?” tanong ng ginang. Hinawakan niya ang braso ng binata at sabay nilang tinungo ang sala. “Nasa sasakyan pa ho. Ayaw pang bumangon, kaya iniwan ko.” Inilapag niya ang duffel bag sa sofa at tiningnan ang loob ng bahay. “Ano’ng meron, ma? Mukhang nagpa-general cleaning pa kayo, ha?” Nang akmang sasagot si Senyora Dolores ay siya namang pasok ni Senyor Alexander galing sa dinning area. “Hijo.” Agad nitong ibinuka ang dalawang kamay para yakapin si Michael. Lumapit si Michael sa ama at niyakap. “Papa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD