Chapter 2 Cris Michael Dela Torre

1627 Words
Bata pa lamang nais na ni Michael maging isang sundalo upang sundan ang yapak ng kanyang ama na isang Retired Major General ng Philippine Army. Panganay siya sa limang magkakapatid, habang ang kanyang ina ay isang guro naman sa pampublikong paaralan sa kanilang bayan. Dahil parehong masipag ang magulang ay nakaaangat ang kanilang pamumuhay. May sariling sakahan ang kanyang papa na minana pa nito sa namayapang magulang. Hindi madaling pakisamahan ang kanilang pamilya bukod sa matapang ang kanyang ama, napaka-istrikto rin nito pagdating sa trabaho at ugali. Isang umaga, araw ng Sabado, matapos ang masaya nilang pananghalian ay isa-isa silang kinausap ng kanilang Padre de pamilya. “Kumusta na ang pag-aaral mo, Michael? Makaaasa ba ako na may ranggo kang makukuha?” maawtoridad na tanong ni Senyor Alexander sa kanya habang seryoso silang pinagmamasdan. “Makaaasa po kayo. Hindi ko kayo bibiguin,” magalang niyang sagot na halos ayaw man lang tapunan ng tingin ang ama. Hindi siya takot dito, mataas lang ang paggalang niya at respeto sa magulang. Tumawa ito sa sagot niya, tila ngayon pa lang ay halatang gusto na siyang ipagmalaki sa mga kumpadre nito. Ns kahit wala na ito sa serbisyo ay mayroon pa ring magdadala ng pangalan nito sa larangan ng Hukbong Sandatahan. “Good job! Ngayon pa lang binabati na kita. I’m so proud of you, hindi ako nagkamali ng pagpapalaki sa ’yo. Marunong ka makinig, hindi tulad ng iba riyan,” masayang pahayag nito ngunit mabilis naman ’yong nabawi pagkakita sa pangatlong anak na babae. Buong akala kasi nila nag-aaral ito pero nalaman na lamang nila nagdrop-out na ito sa university na pinapasukan at nalulong sa barkada.  Nanatiling nakayuko naman si Louise, halos hindi nito maiangat ang mukha sa harap ng pamilya nila. Aminado itong nagkamali at nagsisisi. King bibigyan lang ito ng kanilang ama ng isang chance ay tiyak na itutuwid nito ang pagkakamaling nagawa. “I’m sorry po. Please give me a chance.”  “Saka na pagka-graduate ng Kuya Michael mo. Ipapasok kita sa PMA, tingnan natin kung ’di magtanda roon,” mariing sagot ng kanilang ama. Wala itong pakialam kung makasakit ito ng damdamin ng iba. Basta’t desisyon nito, walang kokontra maging ang asawa nito.  Mabilis pa sa alas kuwatro ang pag-angat ng mukha ni Louise, tiningnan ang ama. “Alam n’yo namang ayaw na ayaw kong mag-PMA. Bakit lagi n’yong ipinipilit ang gusto ninyo?” Biglang nagpalit ng awra ang mukha kanilang ama nang marinig ang pahayag ni Louise. Parang naging isang matapang na leon ito na anumang oras ay puwede nitong saktan ang mga anak.  “Wala kang galang! Hindi ka na ba talaga natatakot sa ’kin, ha, Gabriela Luisa?” bulyaw nito kay Louise at halos mag-echo sa buong kabahayan ang boses nito. “Go to your room! I don't want to see your face at baka’di ako makapagpigil ay masaktan lang kita.”  Tumayo agad si Senyora Dolores, ang kanilang ina nang makitang hawak-hawak ni.Senyor Alexander ang puso. Iniabot agad nito ang gamot at saka hinagod-hagod ang likod upang pakalmahin. Hindi nalilingid sa kanila ang sakit ng ama, kaya nga ito nagretiro sa Philippine Army dahil sa sakit nito sa puso. “Sige na, hija. Go to your room, ako na ang bahala sa papa mo,” malambing na sabi ng kanilang ina sa anak. Maingat na tumayo si Louise sa kinauupuan, hndi ito makatingin sa kanilang magkakapatid dahil sa masamang tingin ng mga ito kay Louise. Even though she was the only woman in their family, she was still afraid of what her siblings might do to her if something bad happen to their father. Tinungo nito ang likod ng kanyang mama at humalik sa pisngi nito. “I’m sorry, Papa,” sabay lakad niya palabas ng dinning at umakyat sa sariling kuwarto. Kaysa isipin ni Senyor Alexander si Louise niyaya niya ang asawa na magahinga. Nangako naman sa kanya si Senyora Dolores na siya na lamang ang bahalang kumausap sa kanilang dalaga. Nababahala rin ang ginang na baka magtampo na sa kanila ang anak na babae dahil laging napagagalitan. Hinintay ni Michael ang pagpatak ng ala-singko. Nais kasi niyang magpaalam sa kanyang magulang na bibisitahin ang kanyang mga kaibigan sa kabilang bayan ngayong hapon. Dalawang linggo lang kasi ang ibinigay na bakasyon sa kanila ng academy. Gusto rin niyang gugulin ang mga natitirang araw at oras upang makapiling ang dalawa niyang best friend. Sobra niyang na-miss ang mga ito, bagama’t pare-pareho ang mga kurso nila at magkaiba naman sila ng pinapasukan. Bukod tangi kasi na siya lamang ang nakapasa sa entrance exam ng PMA. Ang dalawa naman, mas pinili na lamang mag-aral sa Manila sa mga sikat na university na mayroong kurso tungkol sa isang sundalo. Sakay ng kanyang motor binaybay ni Michael ang may kahabaang highway at habang nasa biyahe ’di niya napigilan ang sarili na hangaan ang kanilang lugar. At least ngayon, malaki ang ipinagbago ng dati at mga sira-sirang daan na ngayon ay halos puro nakasemento na ang mga kalsada na tila kay sarap makipagkarerahan sa mga sasakyan lalo’t walang traffic sa kanilang probinsya. Napabuntonghininga siya nang masulyapan ang taniman ng palay ng kanilang pamilya na nasa gilid ng daan. Halos namimintog ang bawat butil niyon na kay sarap sa paningin. Ilang sandali pa ay narating niya ang bahay ni Romano. Isang busina lang ang kanyang ginawa. Mayamaya pa lumabas ang kaibigan sakay ng kanyang Ducati, palibhasa parehong may kaya sa buhay. Nasusunod ang mga gusto na ’di na kailangang magbanat ng buto. “Kumusta, p’re?” tanong ni Romano. Nasa gilid sila ng highway habang mabagal ang naging takbo ng kanilang motor. Tila naglalakad sa gitna ng buwan. “Ayos lang ako. Kayo kumusta, si Calixto?” mahinang sigaw ni Michael. Tumawa si Romano nang nakaloloko. “Walang pinagbago, mas lumala pa ang pagiging babaero.”  “Gano’n ba? Maghintay lang siya at darating din ang katapat niyang babae, sigurado akong iiyak talaga siya,” turan niya sa kaibigan. “Oh, mukhang pumapag-ibig na ang kaibigan ko.”  Ngumisi si Michael. “Ul*l! Tara dating gawi.”  “Dating gawi!” sabay ayos ng kanyang manibela at pinaharurot ang kanyang motor. Naiwan namang nakatanga si Michael dahil nagulat talaga siya sa kaibigan. Noon siya ang gumagawa ng ganoong istilo ngayon naman ay ang kanyang mga kaibigan. Tawa-tawa lang siya habang nakasunod kay Romano. Halos wala pang kalahating oras ay narating ng dalawa ang bahay ni Calixto. Isang busina ang ginawa nila at agad na bmukas ang may kataasang gate na yari sa bakal at yero. Pagpasok nila sa loob, naghihintay ang kaibigan sa bungad ng pintuan kasama ang alaga nitong German Shepherd na kulay itim. Agad itong tumahol nang lumapit ang dalawa. “Stop, Rosco! They are friends,” saway nito sa kanyang alaga. Agad itong nanahimik sa kanyang tabi. “Wow ha, english speaking!” pasaring ni Calixto. Kasama ang alagang aso ay niyaya sila ni Calixto sa likod ng kanilang bahay. Nagulat pa ang dalawa nang tumambad sa kanilang harapan ang isang ’di kalakihang firing range na halos kumpleto ang mga kagamitan. “Kailan pa ito?” tanong ni Michael. Namangha siya sa ganda ng pagkakaayos ng lugar mula sa shooting range at ang mga gulong na puwedeng pagpraktisan. “Wala pa ito dati, ah. Nasaan na ang kubo?” manghang turan ni Romano. Sabagay sisiw lang sa kaibigan ang ganoong bagay dahil sa kanilang tatlo ay mas angat si Calixto sa pamumuhay. Naval Reserve ang tatay nito na naka-base sa ibang bansa dahil sa Half-American ito. Ngumiti lang si Romano sa mga kaibigan, pati rin naman ito ay na-surprise nang itawag sa kanya ng kanyang papa na may regalo sila sa nalalapit na graduation nito. “Regalo no Papa. Dani ko nga, bakit ’di na lang foreigner na babae ang ibinigay ninyo sa ’kin,” nakangiting kuwento ni Romano. Nakaupo sila sa isang tent sa tabi ng firing range. Ngumisi ang dalawa. Kahit kailan talaga may pagkababaero ang kaibigan at walang pinalalampas. Siguro kahit poste na lagyan lang palda ay papatusin nito. “Anong sagot ni Tito Nicholas?” excited na tanong ni Michael. “Hayun, katakot-takot na sermon ang inaabot ko.”  “Buti nga sa ’yo. Kailan ka kaya magbabago?” “Wala ng pag-asa. Masasarap kasi sila.”  “Hintayin mo lang karma mo. Tiyak ’yon ang magpapabago sa ’yo,” sermon ni Michael. “Oh, siya tama na nasasaktan na ako. Inom na lang tayo.” Tinawag ni Calixto ang isang katulong na lalaki na nasa gilid kasama ang alaga niyang aso. Inutusan niya itong kmuha ng brandy sa loob ng bahay. “Kumusta pala, p’re? Balita ko may bagong recruit ang Red Black Fighting,” seryosong saad ni Calixto sa kaibigan. Ang tinutukoy nto ay ang kinaaaniban nilang fraternity. “Oo, marami. Next week ’ata gagawin ang assassination sa mga baguhan. May isa akong paborito roon,” halata ang excitement sa mukha ni Michael. Isa kasi siya sa nagbibigay ng assassination sa mga bagong miyembro ng grupo. Umayos ng upo si Romano at biglang nagkaroon ng intetes sa fraternity bagama’t kasali siya sa mga ito. Bahagya siyang lumayo upang pagtuunan ang mga ilang subjects na mababa ang marka. “Sino, p’re?” nakangising tanong ni Calixto.  “Richard Dalle Borromeo. Ang angas, p’re,” turan ni Michael. “Iyong taga-Cavite?” interesadong tanong ni Calixto. Isang iling ang isinagot ni Michael. “Ngayon pa lang nacha-challenge na ako sa kanya.”  “Halata nga sa ’yo, p’re. Baka siya ang destiny mo?” biro ni Romano. “G*go!” mariin niyang sabi kay Romano. Maya-maya pa ay dumating ang inutusan ni Calixto na may dalang brandy at ang paborito nilang pulutan—ang hot sizzilling sisig. Sandali pa’t pawang tawanan at biruan na lamang ang narinig sa magkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD