Chapter 5 Raket

1795 Words
MATAPOS bihisan ni Cristina nang damit na pantulog si Harold. Inayos niya ang katawan nito sa pagkakahiga sa banig na may saping kumot at pinaandar ang electric fan. Masayang-masaya ang dalaga habang tinititigan niya ang kapatid. Yakap-yakap pa ni Harold ang kotse-kotsehan na pa-giveaway nang fast food chain na kanilang kinainan kanina. Kita rin niya ang mga ngiti nito sa labi na ’di mabura-bura kahit na nakapikit ang mga mata. Kinumutan niya ang kapatid saka banayad na hinaplos ang buhok. Gagawin niya ang lahat para sa mga kapatid. Tutuparin niya ang ipinangako sa magulang na hindi pababayaan ang mga ito kahit ano’ng mangyari. “Mahal na mahal ka ni ate ...” bulong niya rito saka dahan-dahang bumaba ng papag at tinungo ang lumang cabinet sa isang sulok. Binuksan niya ’yon at humugot ng isang short at lose na t-shirt. Napasulyap pa siya kay Janna na abalang-abala sa binabasang libro na binili niya kanina sa plaza. Kinuha ni Cristina ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan at tinungo ang banyo. “Matulog ka na, Janna,” sabi niya sa kapatid. Pagdaan niya sa tabi nito. “Mamaya na ate, tatapusin ko lang itong binabasa ko. Saka ang aga pa kaya,” laban ni Janna sa kaniyang ate. Saka muling ibinalik ang mga mata sa libro. Sa halip na pumasok sa loob ng banyo tumabi siya sa kapatid tiningnan niya ang librong binabasa nito. It was Horry Potter book, not a new is a second or third re-print. Inaangat ni Cristina ang kabilang bahagi ng libro na malapit sa kaniya napangiwi ang dalaga nang makitang series four na ang binabasa ng kapatid. Ang Horry Potter and the Goblet of Fire. Kilala ang libro bilang fantasy novels hindi lang sa Pilipinas ito sikat maging sa buong mundo. Naging blockbuster pa nga ang movie nito na ginampanan ni Daniel Radcliffe bilang Horry Potter at marami pang sikat na hollywood star. “Dapat unahin mo ng basa ’yong series one. Paano mo maiintindihan ang kuwento kung nasa series four ka na?” Binitiwan niya ang libro at tiningnan ang kapatid. “Eh, ate ito lang ang nakita ko ro’n, kaya binili ko. Saka na lang iba kapag marami na tayong pera,” mabini nitong sagot sa kapatid. “Si Daniel talaga ang gusto ko rito, ate. ’Diba ang pogi niya, crush ko nga siya, eh.” Sinamaan ng tingin ni Cristina ang kapatid. “Hoy, Junna Maria, mag-aral ka muna. Gusto mo ’atang makurot sa singit.” Ngumiti si Janna sa kaniyang ate. “Joke lang po.” “Sinasabi ko lang sa ’yo.” Tumayo si Cristina at tinungo ang banyo. “Matulog ka na pagkatapos mo riyan.” “Opo, ate.” Ipinagpatuloy nito ang pagbabasa. Maya-maya pa sunod-sunod na katok ang narinig nila sa kanilang pintuan. Nang akmang tatayo si Janna mabilis siyang pinigilan ng dalaga sa pag-aakalang ang tiyahin nila ang kumakatok. Inilapag ni Cristina ang dalang damit at tuwalya sa lames saka tinungo ang pintuan. “Kuya Salome, kayo pala. Ano po ang sa ’tin?” tanong ni Cristina sa kanilang kapitbahay. Bahagya pa siyang nagulat. Ngumiti ang lalaki. “May raket tayo sa Poblacion. Sasama ka ba? Nagpapahanap ng tagahugas ng plato ang asawa ni Senyor Alexander. May ginaganap na party sa mansiyon, kulang daw sila sa tao.” Sinulyapan ni Cristina ang mga kapatid. Gugustuhin man niyang sumama hindi naman maari dahil walang bantay ang kaniyang mga kapatid. Okay lang sana kung umaga kaya-kaya niyang ipagkatiwala ang mga ito sa mababait niyang kapitbahay. Hindi rin naman niya maaasahan ang tiyahin sa ganitong sitwasyon. Masyado rin itong abala sa mahjong-an. “Hindi ako makakasama Kuya Salome. Walang bantay ang mga kapatid ko. Okay lang sana kung umaga. Gabi na hindi ko sila puwedeng iwan,” malungkot niyang turan. Nasasayangan rin sana siya sa kikitain niya roon. Ngunit mas mapahalaga pa rin ang sa dalaga ang kalagayan ng mga kapatid. “Sayang kasi ang kikitain natin do’n. Bukod pa roon makakalibre tayo ng pagkain. Tiyak na maraming handa ang mga dela Torre,” pang-eengganyo ni Salome sa dalaga. Batid niyang kailangan ni Cristina ang domoble ng kayod dahil sa tiyahin nitong sugarol. Kaya nga lagi niya itong sinasama sa mga raket nila. Mapait ang naging ngiti ni Cristina. “Pasensya na Kuya Salome sa ibang araw na lang.” “Sige, kung ’yan ang pasya mo. Aalis na ako, naghihintay sa labasan ang tauhan ni Senyor Alexander,” nagmamadaling paalam ni Salome at agad tinalikuran ang dalaga. Ngunit ’di pa man ’to nakakalabas ng bakuran nila Cristina nakasalubong naman nito ang pinsan ng dalaga na si Britney na may dalang backbag. Saglit huminto si Salome sa gilid ng daan. “Saan ang punta mo. Nag-alsa balutan ka na naman?” masungit niyang tanong sa pinsan. Napatingin pa ito sa bag na bitbit ng pinsan. “Dito muna ako pinsan, sa inyo. Nag-away na naman kami ni mama,” sumbong nito kay Cristina. Kuwento kasi sa kaniya ng pinsan niya na pilit itong ipinapakasal ng ina sa isang negosyante sa kanilang lugar. Kaya lagi itong tumatakas sa kanilang bahay. Ngunit lagi namang nahuhuli ng tiyahin. Inirapan ni Cristina ang pinsan. “Oh, tapos kapag dito ka nakita ni Tiya Rebecca, ako na naman ang masama sa kaniya. Sabihin na naman niya itinago kita. Bakit ba ayaw mo na lang pakasalan si Rudolfo para walang gulo? Mabait namang ’yong tao, masipag, at higit sa lahat mayaman.” Sa haba ng litanya ni Cristina sa kaniyang pinsan. Nginusuhan lang siya nito at nagtuloy-tuloy nang pasok sa loob ng bahay at umupo sa papag. Ilang sandali pa bumalik si Salome at muling kinausap ang dalaga. “Nandiyan naman si Britney. Sa kaniya mo muna ihabilin ang dalawa,” saad ni Salome. Sinulyapan nito si Britney na prenteng nakahiga sa papag at hawak ang cellphone. “Teka ho, kausapin ko muna. Baka kasi bigla na lang din ito lumayas.” “Sige hija, hintayin kita sa labas.” Pumasok si Cristina sa loob ng bahay at kinausap ang pinsan, ipinaalam niya rito na may pupuntahang raket. Agad namang pumayag si Britney na bantayan ang kaniyang mga kapatid. Sinabihan lamang siya ng dalaga na umuwi agad pagkatapos ng trabaho at huwag magpaabot ng umaga sa Poblacion. Dahil luluwas ito ng Manila at doon magtatago. Bago umalis si Cristina katakot-takot na bilin ang iniwan niya sa pinsan. Sinulyapan din niya ang dalawang kapatid na mahimbing ng natutulog sa kabilang side ng kama. “Alis na ako. Mga kapatid ko, bantayan mo maiigi. Ha-hunting-in kita kapag may ’di maganda nangyari sa kanila,” pananakot niya kay Britney. Sumimangot si Britney. “Oo na po, Ma’am Cristina. Iingatan ko po sila, parang babasaging kristal. Mag-ingat ka r’yan. Baka makipag-date ka lang ha? Yari ka sa ’kin.” Muling sinamaan ng tingin ni Cristina ang pinsan. “Date mo, mukha mo. Huwag mo akong itulad sa ’yo.” “Lumayas ka na nga. Dami mong satsat!” “Alis na ako. Ang mga kapatid ko, ha.” Tuluyang lumabas ng bahay si Cristina. “Oo na. Isara mo ’yang pintuan ng maayos!” pahabol pang sigaw ni Britney. Nang maisara ng maayos ni Cristina ang pintuan. Agad silang umalis ni Salome upang puntahan ang naghihintay nilang service sa labasan. Maya-maya pa natanaw nila ang kulay green na elf sakay ng iba pa nilang kasama. “Salome, kumpleto na ba? Aalis na tayo, masyado na lang late. Baka nagsisimula na ang party?” pahayag ni Agustin. Nang tuluyang makalapit ang dalawa sa elf. “Oo, tara na,” tipid nitong sagot. Ibinaling ni Agustin ang paningin sa dalaga. Bahagya namang nahiya si Cristina sa tingin na ipinukol sa kaniya ng matanda. Tila kasi parang sinasaulo ang kanyang itsura. Hindi naman siya natatakot rito parang ’di lang siya comfortable sa tingin nito. Kaya nagtago siya sa likod ni Salome. “Hindi pa ho, ba tayo aalis, Mang Agustin? Tumawag na ang mama, naroon na si kuya sa bahay!” sigaw ng baritonong boses na nagmula sa driver seat ng sasakyan. “Oo, nandiyan. Aalis na tayo!” ganting sigaw ni Agustin. SUNOD-SUNOD at mahihinang katok ang gumambala sa pananahimik ni Michael sa kaniyang kuwarto. Kanina nang sabihin ni Senyor Alexander sa binata na may inihanda silang party para sa kaniya. Medyo nagalit siya at nagtampo. Una pa lang sinabihan na niya ang magulang na ayaw niyang mag-pa-party dahil nanghihinayang siya sa perang gagastusin. Nagtampo rin si Michael dahil hindi nasunod ang gusto niya na ibahagi lamang sa mga tauhan nila sa bukid ang pera na gagastusin sa party. Dahil batid niyang gusto lang siyang ipagyabang ng ama sa mga kaibigan nito. Mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama tamad na bumangon ang binata para buksan ang pintuan. “Oh, bakit hindi ka pa nakabihis? Nariyan na ang mga kaibigan mo kanina ka pa nila hinihintay. Kulang na lang at sugurin ka rito sa kuwarto mo. May problema ba, hijo?” pahayag ng ginang sa anak. Wala kasi itong kibo at nakatanaw lang sa bintana. Kung saan kitang-kita nito ang mga taong nagkakasiyahan sa garden. Humarap si Michael sa kaniyang mama. Ngumiti siya nang makita ang ayos ni Senyora Dolores. Sout nito ang isang Filipiniana Embroidered Off-Shoulder Dress at mas lalong naging sophisticated ang ginang dahil sa ayos ng buhok nito na sinalapid saka ipinaikot at inilagay sa tuktok ng ulo. Hindi rin mawawala sa ginang ang pamaymay na de-tiklop at panyong puti. “You look so beautiful, ’ma,” proud niyang bati sa ina. Isang mahinhing tawa ang pinakawalan ni Senyora Dolores sa anak saka niya ito nilapitan. “Binobola mo pa ako, ha.” turan ng ginang sa binata at bahagyang pinikot ang tainga ng anak. Tumawa si Michael sa biro ng ina. “Hindi po, ma. Totoo po ’yon. I wish na makakita rin ako ng tulad ninyo. Mabait, masipag, maasikaso, mapagkakatiwalaan higit sa lahat maganda na seksi pa.” “Mukhang umiibig na ’ata ang binata ko?” Sabay tawa ng ginang at hinawakan ang kamay ni Michael. “Bilisan mo muna, hindi ka na bumabata at isa pa wala ng maingay sa bahay natin. Gusto ko maraming apo.” “’Ma!” mahina niyang saway sa ina. Pakiramdam ni Michael gustong-gusto na talaga siyang pag-asawahin ng ina. He is only twenty-three years old. Hindi pa niya gaanong na-e-enjoy ang buhay ng pagiging binata. Sa nakalipas na taon puro aral, aral lang ang ginawa niya. Baka nga hindi pa siya marunong manligaw. “Biro lang ’nak. Oh, siya magbihis ka na, baka parating na si Gladys,” utos ng ginang saka tinungo ang pintuan. Inakbayan ni Michael ang ina. Binuksan ang pintuan at hinawakan ng binata ang balikat ni Senyora Dolores saka iginaya palabas ng kuwarto. “Sige po, ’ma. Susunod ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD