HABANG nasa biyahe sila mas lalong naging tahimik si Cristina sa loob ng sasakyan. Ni halos ayaw niyang tapunan ng tingin si Michael kahit ramdam niya ang panaka-nakang sulyap ng binata sa kanya. Kumakalabog na naman kasi ang kanyang puso sa tuwing tumatama ang mata ng binata sa kanyang mata. Minsan hindi na niya alam kung bakit nagkagano’n siya pagdating sa binata. Samantalang minsan nai-excited naman siya kapag naaamoy niya ang prisensya nito. Ngunit napapalitan naman agad ’yon ng takot kapag lumalapit na ito sa kanya. Ilang sandali lang. Nagulat si Cristina nang biglang iliko ni Michael ang sasakyan sa isang gasoline station. Tumingin siya rito at lakas loob niya itong tiningnan saka tinanong. “Bakit?” tipid niyang tanong. At agad rin binawi ang tingin. “Kain muna tayo, nagugutom ak