ARAW NG SABADO matapos pag-aralan ni Bryan ang mga ipinadalang document ni Rena tungkol sa Monthly Financial Report ng kompanyang hawak niya. Pagod niyang isinara ang laptop, inunat ang katawan saka dahan-dahang tumayo at tinungo ang pintuan ng library. “Hi!” bati niya Kate. Nang datnan niya ito sa sala na naglilinis. “Come here. Where’s my kiss?” Ngunit hindi siya pinansin ni Kate. Abala ito sa pag-aayos ng mga pillow sa sofa. “Catalina! I said come here. Bingi ka ba?” sigaw nito. “Hindi ako, bingi. Huwag kang sumigaw!” ganting sigaw ni Kate rito. Saka ibinaba ang hawak na towel at dahan-dahang lumapit kay Bryan. Agad ikinulong ni Bryan sa kanyang mga palad ang mukha ni Kate. Saka siniil ng halik ang labi nito. Banayad sa una hanggang kusa niyang igalaw ang labi sa labi ng dalaga