PAGKARATING ng dalawa sa nasabing foundation. Pinagtulungan nilang buhatin ang mga ipinadalang food supply at kung ano-ano pang mga ibinahaging donation ng kanilang amo. Pagkahatid nila sa loob no’n hindi na pumayag si Michael na muling bumalik si Cristina sa parking area para magbuhat ng mga dala nila. Bagkus humingi siya ng tulong sa mga maintenance na naglilinis sa playground. Matapos ipaalam ni Cristina sa information desk ang pakay. Umupo siya sa mga nakahilerang bangko para sa mga bumibisita sa foundation. Habang naghihintay napasulyap siya sa babaeng dalawang bangko ang pagitan nito sa kanya. Base kasi ayos ng babae tila naiinip ito sa paghihintay at panay-panay ang hawak o pinaglalaruan ang palawit ng clutch bag na nasa kandungan. “Hi!” bati niya rito. “May dinadalaw ka rin ba?”