Chapter 11 SPG ni Calixto

2066 Words

NANG masiguro ni Calixto na maayos niyang nai-parking ang kaniyang sasakyan. Pinatay niya ang makina nito at inaya ang mga kaibigan. Ilang sandali pa sabay-sabay silang naglakad patungo sa entrance ng Francisco’s Club sa Quezon City. “Magandang gabi, mga boss,” bati sa kanila ng bouncher na si Logan. Isang magaang tapik ang ginawa ni Calixto sa balikat ni Logan. “Magandang gabi rin. Nandiyan si Dos?” “Wala pa boss. Mali-late ’ata ng dating kasi nagkaroon ng problema sa Alabang,” sagot ni Logan. Sinulyapan nito si Michael habang isang ngiti ang ibinigay niya kay Romano. “Gano’n ba. Siyanga pala si Michael kaibigan ko at isa ring sundalo,” pakilala ni Calixto kay Logan. Ngumiti si Logan at iniabot ang kamay kay Michael. “Nice meeting, boss.” si Logan. “Salamat. Ikaw din, nice mee

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD