“CRISTINA,kumain ka muna. Heto oh, may pinadalang pagkain si Senyora Dolores. Halika ka na,” yaya ni Aling Bing sa dalaga.
Humarap si Cristina kay Aling Bing at mga kasamahan niya. Aminin man niya o hindi nakaramdam na rin siya ng gutom dahil sa dami nilang hugasing mga plato. Tapos panay-panay pa ang silip ng dalawang anak ni Aling Bing na dalaginding sa garden. Upang manood ng nagaganap na party ro’n kaya natatambakan sila ng mga huhugasin. Kinuha ng dalaga ang isang malinis na tuwalya at pinunasan ang kamay. Bago tinungo ang kinaroroonan ng lamesa kung saan naroon ang pamilya ni Mang Salome.
“Ang pogi talaga ni Sir Alex. Oh my gosh, makalaglag panty ang ngiti niya,” kuwento ng dise-siyete anyos na anak ni Aling Bing at Mang Salome si Leziel. Kilig na kilig pa ito sa kinauupuan habang panay ang subo ng letche plan.
“Hindi ate. Mas pogi ’yong panganay na anak ng mag-asawang dela Torre. Michael ’ata ang pangalan no’n? Kung nakita mo lang siya kanina ate, parang gusto mo nang mabura sa mundo. Kasi parang nakita mo na ang panganay na anak ni Adan,” kuwento ni Lislie. Pangalawang anak ng mag-asawa. Mas bata ito ng kaunti kay Leziel.
Halos maibuga ni Leziel ang kinakaing letche plan. “Gano’n kapogi?”
“Talaga ate. Gano’n kapogi!” proud na sagot ni Lislie. Daig pang ipanglalaban sa pustahan ang binata.
Sa sulok ng lamesa tahimik lamang na nakikinig si Cristina sa usapan ng magkapatid. Bagaman kilala niya ang mag-asawang dela Torre dahil nang nabubuhay pa ang ama niya at ibang kalalakihan sa lugar nila ay sakahan ng pamilya nagtrarabaho. Ngunit kahit isa sa mga anak ng mga ito wala siyang kilala. Dahil maiilap ang mga ito sa ibang tao.
“Hoy! Kayong dalawa bilisan n’yo na d’yan, daldalan kayo ng daldalan,” saway ni Aling Bing sa dalawa. “Pagkatapos n’yong kumain, kayo naman ang maghugas.”
Biglang natahimik ang dalawa at saka nginusuhan ang kanilang ina. “Opo, inay.”
Matapos kumain si Cristina tumayo siya at nagpaalam kay Aling Bing na lalabas muna sandali. Tinungo niya ang pintuan palabas ng kichen area katahimikan ang bumungad sa kaniya nang buksan niya ’yon. Tanging liwanag lang ng poste na nanggagaling sa labas ang nagsisilbing liwanag doon. Isinara niya ang pimtuan saka tahimik na tinungo ang swing na nakabalandra sa tabi ng bakod kasama ng naglalakihang palmera tree. Gamit ang palad pinunasan niya ang upuan ng swing at naupo ro’n.
Habang nakaupo siya ro’n iniisip niya ang mga kapatid. Na sana hindi ’to iwan ng pinsan. Na sana hindi makita ng tiyahin ang pinsan. Sa pamamagitan ng kaniyang paa inugoy-ugoy niya ang swing upang paalisin ang mga negative thinking kay Britney. Nasa ganoong posisyon siya nang may nakita siyang dalawang anino na galing sa party. Halos nagmamadali ang mga ito papunta sa kaniyang kinaroroonan. Dahil may kadiliman sa kaniyang puwesto hindi siya napansin ng mga ito. Ilang sandali pa halos itinulos si Cristina sa kinauupuan nang makarinig siya ng sunod-snuod na mga ungol.
“F*ck baby! Your so tight, ah!” daing ng lalaki. Na tila mapuputol ang hininga sa ginagawa.
“Alex, dahan-dahan masakit. Please be gentle, ahh!” reklamo ng babae.
“Feeling virgin, ha?” asik nito sa babae.
“Alex!” Hindi napigilan ng babae ang mapasigaw. “Please, masakit.”
“Drama! ’Diba gusto mo naman ’to?”
“Oo gusto ko rin ’to. Ngunit hindi sa ganitong paraan. Respect me, I’m your fiance.”
“Respect? Hindi sa tulad mo?” Muli nitong binayo ang babae. “Kung ’di mo sinira ang pagkabinata ko sana wala tayong problema ngayon. Kaya tanggapin mo ang parusa ko!”
Halos takpan ng dalaga ang sariling bibig. Huwag lang makagawa ng ingay. Ilang sandali pa muli siyang nakarinig ng mahahabang ungol sa boses ng lalaki habang daing nang nasasaktan ang narinig niya sa babae.
“Ayusin mo ’yang sarili mo. Akala mo namang aping-api ka, nasarapan ka rin naman ah?” pang-uuyam nitong angil sa babae. Saka walang sabi-sabing iniwan niya ito sa dilim.
Naghintay ng ilang minuto si Cristina bago napagpasyahang tumayo at tinungo ang pintuan ng kitchen. Ngunit bago ’yon nilingon muna niya ang babae na tahimik umiiyak sa dilim. Kahit ’di niya ito personal na kilala naaawa siya rito. Every woman needs respect. Hindi ’yong matapos gamitin iwan na lang ng basta. Na parang isang basahan.
HAWAK ni Michael ang basong may lamang alak. Habang ang isang kamay nakasuksok sa loob nang bulsa ng slack na suot. Mula sa lamesang ukopado kasama ang mga kaibigan. Malungkot niyang pinagmasdan ang mga bisita na dumalo sa kaniyang party. Naroon ang kanilang butihing Mayor ng kanilang lugar, Chief of Police sa bayan ng Poblacion, nakita rin niya ang ilang ka-batch ng kaniyang papa na hanggang ngayon nasa serbisyo pa rin, mga ilang kamag-anak, kapitbahay, mga kaibigan ng kaniyang mga kapatid at higit sa lahat present ang babaeng gusto sa kaniya ni Senyor Alexander. Si Gladys Macaraig isa sa anak ng kaibigan ng kaniyang papa na nagmula pa sa Zamboanga. Dumayo lang ng Mindoro para makilala ang binata. Maya-maya pa may lumapit na kasambahay sa puwesto nila Michael.
“Sir Michael, pinapatawag po kayo ni Senyor Alexander,” magalang na sabi ni Doray sa binata. Bahagya itong lumayo kay Michael.
“Sige susunod na ako,” walang kabuhay-buhay niyang sagot sa kasambahay. Na agad itong umalis pagkarinig ng kaniyang sagot.
“Bakit p’re, may problema ba?” nagtatakang tanong ni Calixto hawak pa ang sariling baso habang panay ang siksik ng babaeng katabi nito sa kaniya.
Umiling si Michael kay Calixto at ibinaba sa lamesa ang basong hawak. Tumayo ang binata saka inaayos ang suot na suit at nagpaalam sa mga kaibigan.
“Sandali lang ako. Titingnan ko lang kung gaano kaganda ang Gladys Macaraig na ’yon,” pahabol pa niyang sabi sa dalawang kaibigan.
“Good luck, p’re!” kantiyaw ni Romano na may ngising aso sa labi.
“Ul*l. Good luck-in mo ’yang mukha mo!” angil niya sa mga kaibigan. Saka lumakada papunta sa kinaroroonan ni Semyor Alexander.
Habang naglalakad samut-saring problema ang naglalaro sa isipan ng binata. Isa na ro’n ang pakikialam ni Senyor Alexander sa kaniyang love life. Sino ba namang lalaki ang papayag na makasal sa babaeng hindi niya mahal? Puwera lang siguro kung may mabigat na dahilan ang pamilya, isasakripisyo na lamang niya ang kalaigayahan. Nagtataka talaga siya sa kaniyang ama buong akala niya pababayaan lang siya ng ama na maghanap ng maiibigang babae. Dahil hindi siya no’n isinama ng ama na ipakilala sa ibang anak na babae ng mga kaibigan nito. Sa halip ang dalawa niyang kababata na kapatid na si Alex at Andres ang ipinakilala ni Senyor Alexander. Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila ng kaniyang papa. Nang biglang may bumunggo sa kaniyang katawan. Mabuti at mabilis niyang nahawakan sa baywang ang nakabunggo sa kaniya.
“Hannah!” gulat ni Michael. Nang tuluyang makita ang mukha ng babae. “Bakit ka umiiyak, may nangyari ba?”
Pilit itinago ni Hannah ang naniningkit niyang mata dahil sa pag-iyak. “Wala, kuya. Sige po, uuwi na ako.”
“Teka lang. May sakit ka ba? Bakit ganyan ang ayos mo? Diyan ka lang hahanapin ko si Alex.” Palinga-linga si Michael sa kumpol ng mga bisita. Ngunit ni anino ng kapatid hindi niya mahagip.
“Huwag na Kuya Michael. Uuwi na a—” Hindi pa man natatapos magsalita si Hannah nang may humaklit sa kaniyang braso—si Alex.
Isang masamang tingin ang ibinigay ni Alex kay Hannah at walang sabi-sabing hinatak niya ito papasok sa loob ng bahay.
Napailing lang si Michael habang sinusundan niya ng tanaw ang dalawa. Nang mawala sa paningin niya ang mga ito agad niyang tinungo ang kinarorooonan ng kaniyang papa kasama ang ang butihing Mayor at Chief of Police sa kanilang lugar.
“Good evening po, Mayor,” bati ni Michael. Sabay lahad niya ng kanang kamay.
Ngumiti ang Mayor kay Michael agad nitong tinanggap ang kamay ng binata at ibinaling nito ang paningin kay Senyor Alexander.
“Kumpadre, ito na ba ang panganay mo?” Sinuri pa ni Mayor Paclibar ang binata. Mula ulo hangang paa, na tila ini-inspection niya ito.
“Yes kumpadre. First Lieutenant Cris Michael dela Torre!” proud na pakilala ni Senyor Alexander kay Mayor si Michael at maging sa iba nitong kaibigan.
“Binabati ka namin, hijo. Welcome sa Hukbong Sandatahan!” ani naman ni Chief Redentor Toralba. Sabay saludo kay Michael. Na agad namang ginantihan ni Michael si Chief Toralba ng saludo.
“Hijo, huwag ka nang lalayo. Mas masarap pagsilbihan ang sariling bayan. Kaysa sa iba,” pahayag ng isa sa kaibigan ni Senyor Alexander. Mayroon pa itong hawak na tabacco.
“Tama hijo. Makakaasa kaming ipagpatuloy mo ang nasimulan na ’yong ama sa paglilingkod,” payo pa ng isang lalake na katabi ni Mayor.
“Isa ka sa inspiration sa bayang ’to. Good job, hijo. Ipagpatuloy mo ang maganda mong layunin para sa Hukbong Sandatahan. You can count on our support,” pahayag pa ng isang lalaki katabi ni Senyor Alexander walang iba kun ’di ang Ninong Edgar niya. Na ngayon Administrative na ng Sablayan Prison Penal and Farm.
Isang matapang at masayang ngiti ang ibinigay ni Michael sa kaniyang mga superior. Ngayon pa lang mas lalo siyang ginaganahan at excited na pumasok sa Philippine Army dahil sa ipinakitang suporta sa kaniya ng mga nakatataas at iginagalang na mga sundalo sa kanilang lugar. Ilang sandali pa lumapit may lumapit na waiter. Agad nitong sinalinan ng wine ang baso ng mga kalalakihan.
“For the victory of the Philippine Army and for my son. Cheers!” Sabay taas ni Senyor Alexander ng kaniyang.
“Cheers!” panabay ng mga kalalakihan.
Maging si Michael itinaas rin niya ang sariling baso. Tinapunan rin niya ng tingin ang mga kaibigan saka pasimpleng iniharap ang baso para sa dalawa. Umupo ang binata sa tabi ni Senyor Alexander nakinig siya sa usapan ng mga superior. Usuall politics ang pinakasentro ng topic ng mga ito dahil sa nalalapit na election sa bansa. Ilang sandali pa nagpaalam si Michael aa kaniyang papa na pupuntahan ang mga kaibigan.
Tumayo si Michael at masayang nagpaalam sa kaniyang mga superior. Hindi pa man siya nakakahakbang nang may pumaradang itim na Pajero sa harapan ng malaki nilang gate. Sandali pa bumaba ro’n ang isang lalaki at binuksan ang passenger seat. Halos lumuwa ang mga mata ng mga kalalakihan ro’n ng bumaba ang napaka-elegante at sophisticated na babae.
“Gladys, hija!” Narinig niyang bati ni Senyora Dolores at sinalubong nito ang bagong dating na bisita.