Chapter 7 Comfort Room

1873 Words
MULA sa bangko na kanyang inuupuan, kasama ang mga kaibigan. Pinagmasdan ni Michael si Gladys na kausap ng kaniyang magulang sa kabilang panig ng garden. Sa ayos ng babae makikitang nanggaling talaga ito sa pamilyang may sinasabi. Sa suot nitong Sexy Pink Tight Mini Cocktail Dresses, spaghetti straps, na halos lumuwa ang dalawang bundok do’n at black stiletto.Tuloy hindi maiwasan ng mga kalalakihang naroon na tapunan siya ng tingin dahil sa sobrang revealing ng suot niya. “Pare, mukhang mabibinyagan ang pagkabinata mo ngayon, ha?” pang-aasar ni Romano sa binata. “Saka tingnan mo p’re, ang katawan nakakatakam. Nakakaluwag ng brief,” segunda ni Calixto. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Michael sa dalawa. Agad namang nagtaas ng kamay si Romano tanda ng pagsuko habang si Calixto isang nakakalolokong ngisi ang ibinigay sa binata. “P’re, ’diba ayaw mo sa kaniya? Akin na lang, mukhang game na game eh. Parang kunting himas lang bibigay agad,” saad ni Calixto. Parang isang gamit lang ang tingin niya sa babae. “Diyan ka magaling, sa kamanyakan mo!” mahinang bulyaw ni Michael sa kaibigan. Sa kanilang tatlo si Calixto ang mahilig sa babae. Muling tiningnan ni Michael si Gladys. Nagulat pa ang binata nang makitang nakatingin din pala sa kaniya ang babae. Babawiin sana niya ang tingin dito nang biglang ngumiti ng ubod na tamis si Gladys at bahagyang kumaway sa kaniya. Sa halip na gantihan niya ito isang irap ang ginawa niya saka ibinaling ang mga mata sa kaibigan. Ilang sandali pa kita ni Michael ang pagtayo ni Semyor Alexander. May hawak itong baso na mayroong lamang alak. Lumakad ito at tinungo ang pinakagitna ng garden kung saan naroon ang inarkila niyang banda para tumugtog ng mga paborito nilang awit. Inabutan ng isang lalaki ang senyor ng microphone. “Good evening, ladies and gentleman. Be half of family, masaya ako at nakadalo kayo sa pagdiriwang na inihanda namin para sa aming anak na panganay. Na nagtapos sa kaniyang kurso ang Bachelor of Science in Military Leadership sa PMA. Ngayon buong puso kong ipinagmamalaki sa inyong harapan ang aking panganay. Ang magtutuloy ng aking nasimulan sa Hukbong Sandatahan at maglilingkod sa inyo ng tapat. My son First Lieutenant Cris Michael dela Torre!” masaya at very proud na pahayag ni Senyor Alexander. “Come here, son!” Nang marinig ni Michael ang pagtawag ng ama. Agad siyang tumayo at inayos ang suot ng suit. Narinig pa niya ang mapang-asar na tawa ni Calixto kaya sinamaan niya ito ng tingin. Bago tinungo ang kinaroroonan ni Senyor Alexander. Pagkarating ni Michael sa tabi ni Senyor Alexander. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kaniya ng ama. Naglapitan din ang mga kaibigan ng senyor sa pangunguna ni Mayor Paclibar, Chief Toralba at ibang kaibigan para batiin ang binata. Ilang sandali pa lumapit rin ang iba nilang kamag-anak. “Congratulation, hijo,” si Tito Edward niya kapatid ni Senyora Dolores. “Thank you, tito. Kumusta po?” Saka niyakap ni Michael ang tiyuhin. “Okay lang. Heto medyo tumatanda na.” nakangiting sagot ng tiyuhin. Umiling si Michael. “Kalabaw lang ang tumatanda, tito.” Maya-maya pa apat na kalalakihan ang lumapit kay Michael. Sa porma pa lang ng mga ito halatang may magandang trabaho at sinasabi sa buhay. “Pinsan, binabati ka namin. Wow, First Lieutenant,” masayang bati ni Joshua sa binata. Tinapik pa niya sa balikat si Michael saka inakbayan. Ang isa naman niyang pinsan inakbayan siya at parang inipit ang kaniyang liig. Habang ang isa naman sinakyan siya sa likod. Halos hindi makaporma si Michael sa ginawa ng mga pinsan niya sa kaniya. Kahit siya ang may pinakamagandang katawan sa kanilang apat hinayaan na lamang ng binata ang mga ito. Isa pa miss na rin niya ka-bonding ang mga pinsan. Matagal-tagal na rin halos ang huling reunion ng kanilang pamilya. Tapos ’di na naulit dahil busy sa kaniya-kaniyang trabaho ang mga kamag-anak. “Sigurado pinsan, ang kasunod niyan kasal mo na. Nakita namin ang babaeng gusto ni Tito Alexander. Wow, kung ako ang aalukin ni tito ng gano’n hindi ko na ’yon pakakawalan. Ang ganda Kuya Michael at seksi pa. Jackpot ka kuya!” pahayag ni Aaron. Ang pinakabata niyang pinsan na halos kasing edad lamang ni Andres. Inilagay pa nito ang kamay sa bulsa ng pantalon at sabay-sabay nilang tinapunan ng tingin si Gladys na abala sa pakikipag-usap kay Louise. Humakbang si Michael papunta sa harapan ng mga pinsan. “Ikaw, ikaw, ikaw at isama n’yo pa ang isa kong kaibigan. Kayo na ang manligaw sa kaniya, total naman atat na atat kayo sa kaniya.” “Pinsan, huwag mong sabihing hindi ka tinablan sa alindog ng babaeng ’yan? Aba! Para mo na ring tinanggihan ang pinakamasarap na putahe sa balat ng lupa,” si Lyndon. Tumawa si Michael. “Kahit pa maghubad siya sa harapan ko, hinding-hindi ko siya papatusin. Hindi tatayo ang buddy ko sa kaniya at isa pa hindi ganyan ang type ko sa isang babae. Kaya guys, pinauubaya ko na siya sa inyo. Good luck!” Tinalikuran ni Michael ang mga pinsan. Dahil abala si Senyor Alexander sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan at tiyuhin. Tinungo na lamang niya ang mga kaibigan habang naglalakad may ilang kapitbahay nila, kaibigan ng mga kapatid, na pawang kilala at ang kanilang kamag-anak, binati siya ng mga ito. Isang masayang ngiti at pasasalamat ang tanging sagot niya sa mga ito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Pakiramdam tuloy niya naging instant artista siya dahil sa daming bumati at nakipagkamay sa kaniya. Napansin pa nga Michael ang isang kaibigan ni Alex na kinikilig habang inaabot niya kamay nito. Napailing lang ang binata at saka ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat si Michael nang salubungin siya ni Senyor Dolores at iginaya sa kinaroroonan ni Gladys. “Torpe ka ba ’nak? Bakit ayaw mong lapitan si Gladys?” biro ni Senyora Dolores sa anak. Iniyakap pa niya ang isang kamay sa braso ng binata. Napakamot bigla ng kaniyang ulo si Michael sa biro ni Senyora Dolores. “Hindi ko siya type ’ma,” prangka niyang sagot sa ina. “’Diba ang sabi ko sa inyo, katulad ninyo. Hindi na baling pangit basta maganda ang ugali at may respeto sa sarili,” dagdag pa ng binata. Tumingin ang ginang sa binata at saglit na tumigil. “’Nak, paano na ’yan naka-compromise na ang ’yong papa, sa kaniyang kaibigan? Tiyak magagalit sa ’yo ang ’yong ama.” “Huwag po kayong mag-alala, kakausapin ko si papa. Siguro naman pagbibigyan niya ako ngayon. Wala siyang inutos na hindi ko sinunod, this time sarili ko naman ang susundin ko.” “Sana nga ’nak. Hindi ako pabor sa ganyang patakaran ng ’yong ama. Kung sino ang gusto n’yo, gusto ko na rin,” suporta ng ginang sa binata. “Salamat ’ma.” Muling naglakad ang mag-ina papunta sa lamesa ni Gladys. This time inakbayan ni Michael si Senyora Dolores. She was grateful for it and she got her mother’s support. SA pinakasulok at madilim na bahagi ng garden. Masayang nanonood ang apat na babae kabilang si Cristina. Dahil pakunti ng pakunti ang mga bisitang dumalo sa okasyong ’yon. Halos wala na rin silang huhugasang mga kagamitan. Itinaboy na rin sila nang mga kasambahay ng pamilyang dela Torre sa kitchen area. Katuwiran sa kanila ng mga ito kayang-kaya na nila ang ligpitin doon. Kaya nagpasya na lang ang apat na panoorin ang ginaganap na party habang hinihintay si Senyora Dolores para sa kanilang upa. Habang si Mang Salome tinungo ang likod bahay. Dahil nakita niya ro’n na masayang nag-iinuman ang mga trabahador ng pamilya. “Ang pogi talaga ni Sir Alex,” komento ni Leizel. Habang yakap ang sarili na para bang ini-imagine nito ang lalaki. “Naku ate, mas pogi si Sir Michael,” kontra ni Lislie. “Tingnan mo naman ate, ang porma parang k-pop idol. V-neck white shirt at naka-suit pa. Saan ka pa?” papuri nito sa binata na halos ayaw magpatalo sa kapatid. “Magsitigil na nga kayo ang iingay n’yo,” saway ni Aling Bing sa dalawa. “Kahit magpatayan kayo r’yan. Hindi kayo papansin ng mga ’yan, puwera lang kung katulad kayo ng babaeng ’yon.” Itinuro pa ng ginang ang kinaroroonan ni Gladys. Maging si Cristina napatingin din sa babae. Dahil may kalayuan sa kanila ang puwesto nito hindi niya halos maaninag ang itsura ni Gladys. Dagdagan pa ng likod ni Michael na medyo nakaharang dito. Ilang sandali pa nagpaalam si Cristina kay Aling Bing na gagamit ng banyo. Hindi na niya hinintay na sumagot ang ginang dahil ihing-ihi na talaga. Pagpasok niya sa kitchen area nagtanong siya sa isang katulong kung saan ang comfort room. “Samahan na kita.” “Huwag na. Hindi naman siguro ako maliligaw dito.” Matapos magpasalamat agad tinungo ni Cristina ang deriksyon na itinuro ng katulong. Nagulat pa siya nang paglabas niya sa kitchen area. Bumungad sa kaniya ang mahabang lamesa na may salamin sa itaas at mga bangkong mayroong sapin na foam. Tantiya niya nasa sampo o mahigit pa ang kayang e-accomodate ng dinning area. Gusto pa sana ng dalaga na mag-explore sa sala dahil nabibighani siya sa nagagandahang kagamitan ro’n. Pumukaw pa sa atensyon niya ang isang kabinet na purong salamin ang harap at sa loob nito ang nagagandahang angels collection. Mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Napansin rin niya ro’n ang iba’t-ibang klaseng kutsara at tinidor na yari kahoy na nakasabit sa wall. Matapos niyang sipatin ang loob ng istante, umikot siya para tumungo sa comfort room. Ngunit nagulat siya nang pagharap niya isang bulto ng lalaki ang sumalubong kay Cristina. “Who are you? How did you get inside our house?” Alex asked for Cristina. Sa tono ng boses nito tila naglalambing pa sa dalaga wala man lang nababakas na galit rito. Hindi agad nakasagot si Cristina. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit ang boses nito parang narinig na niya. Hindi lang matandaan kung saan. “Eh, ano kasi ...hinahanap ko ang banyo,” nautal na sagot ni Cristina. Amoy rin niya ang pinagsamang alak at sigarilyo sa bibig ng binata. Ngunit para sa kaniya hindi masakit sa ilong ang amoy no’n at saka may naamoy rin siyang mint flavor sa bibig nito. Ngumisi ang lalaki. “Kailan pa naging comfort room ang living room namin?” “Ah, sorry po sir, naligaw po ’ata. Dito kasi ako itinuro ng kasambahay ninyo,” katwiran ni Cristina sa binata. Ngunit nagulat siya nang biglang hawakan ni Alex ang kaniyang kamay at hinila papuntang hagdanan. “Halika ka sumama ka sa ’kin. Ituturo ko sa ’yo kung saan ang comfort room.” Hila siya ni Alex paakyat ng hagdanan. SAMANTALA halos madurog ang puso ni Hanna nang makita niyang may akay na babae si Alex paakyat ng hagdanan. Sinundan niya ang lalaki sa loob ng bahay para makapagpaalam rito. Ngunit na-surprise siya sa nadatnang eksena sa loob. Pakiramadam nang dalaga paulit-ulit na sinasak ng punyal ang puso. Mabuti pa sigurong hanggat maaga iurong na niya ang magpapakasal kay Alex. Kaysa naman ipagsiksikan niya ang sarili sa taong hindi naman siya minahal. Kung hindi sinunod lamang nito ang utos ng magulang na ligawan siya at pakasalan. Pinunasan ni Hanna ang luhang tumulo saka tinungo ang front door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD