Chapter 9
KINABUKASAN kahit napuyat si Cristina sa kanilang raket. Nagpursige pa rin siyang gumising ng maaga para asikasuhin ang mga kapatid. Ngunit nagulat siya nang may nadatnan ng pagkain na nakahain sa kanilang mesa. Nilingon niya ang loob ng kanilang bahay wala ro’n ang mga kapatid at ang pinsan. Kaya agad niyang tinungo ang pintuan upang tingnan kung naroroon ang mga ito.
Lalong nag-alala ang dalaga nang wala ang mga kapatid sa labas. Kaya agad bumalik si Cristina sa loob ng bahay at hinila ang towel upang pantakip sa kaniyang dibdib dahil wala siyang suot na bra. Pagkatapos no’n lumabas siya at tinungo ang bahay ng tiyahin. Iniisip niya na baka naroon ang mga kapatid nanonood ng tv. Dahil mas tanggap ng tiyahin niya si Britney kaysa sa kanila na tunay nitong pamangkin. Baka pumayag ito na makinood ang mga kapatid dahil kasama ang dalagang pinsan.
Mula sa likod bahay umiikot ang dalaga papuntang harapan kung saan naroon ang pintuan nang bahay ni Tiya Lorna niya. Ngunit napahinto si Cristina sa paglalakad nang matanawan niya ang mga kapatid na pinapaliguan ng kaniyang pinsan sa poso. Nakahinga ito ng maluwag nang marinig ang tawa ni Harold habang sinasabon ni Britney ang katawan nito. Isang pasasalamat ang naging usal ng dalaga sa Panginoong Diyos at saka masayang tinungo ang poso.
“Ate, mabuti at nagising ka na. Hindi ka na namin inistorbo, kasi sabi ni Ate Britney ginabi ka na raw uwi kagabi,” pahayag ni Janna habang hawak nito ang handle ng poso. Iniangat niya ’yon at dahan-dahang ibinaba upang lumabas ang tubig.
Kinuha ni Cristina ang handle ng poso sa kapatid.
“Ate, ligo ka na?” tanong ni Harold sa dalaga.
Umiling si Cristina. “Mamaya na pagkapos ninyo.”
“Sige na, Cristina maligo ka na. Ako na bahala kay Harold,” pahayag ni Britney. Iniahon nito si Harold at itinungtong sa bangkong kahoy saka pinunasan ng towel. “Kumusta pala ang raket n’yo kagabi?”
“Okay naman ang daming tao. Ano pala ’yon party ng anak ni Senyor Alexander na nagtapos sa PMA, sundalo ’ata,” kuwento ni Cristina. Kinuha niya ang tabo saka sumalok ng tubig sa balde. Napatili pa ang dalaga nang sumayad sa kaniyang balat ang malamig na tubig.
Humarap si Britney sa pinsan. Matapos niyang bihisan si Harold at ibinaba sa bangko. Siya ang pumalit ro’n para umupo tumakbo naman ang kapatid ng dalaga papunta sa bahay ng tiyahin.
“Wow, talaga pinsan ang suwerte mo naman. Sino sa magkakapatid ang may pa-party? Nakita mo ba si Alex or Andres, do’n? Ang pogi ng dalawang ’yon, grabe nakakalaglag ng panty,” saad ni Britney. Yapos-yapos pa nito ang towel na parang nag-i-imagine.
“Hoy!” Sabay tapon niya ng tubig sa gawi ng pinsan. Para magising ito sa pag-di-dreaming.
Nagulat si Britney nang may tumalsik na tubig sa kaniyang mukha. Tumayo ito inilapag ang towel sa bangko at tinungo ang pinsan. Kinuha niya ang tabo sa kamay ng pinsan at sumalok ng tubig sa balde saka walang sabi-sabing ibinuhos niya ’yon kay Cristina.
Hindi naman nagpatalo si Cristina mabilis binuhat ang timba at saka ibinuhos ang laman no’n sa pinsan. Ilang sandali pa napuno ng tawanan at harutan nila ang lugar na ’yon.
HABANG sa bahay ng mga dela Torre galit na galit si Senyor Alexander kay Alex nang tumawag ang papa ni Hanna sa kaniya. Ipinapa-cancel kasi ng pamilya ng ang nalalapit na kasal ng dalawa. Sinabi rin nito ang dahilan kung bakit nila iniuurong ang kasal ng mga ito. Kaya nang matapos kausapin ng senyor ang kaibigan agad nitong ipinatawag si Alex sa isang kasambahay na nakita paglabas niya ng library. Pagkatapos no’n muling bumalik si Senyor Alexander sa loob at tinungo ang istante kung saan naro’n naka-display ang mga mamahalin niyang wine. Dinampot niya ang bote ng Alfonso nagsalin sa wine glass nilagyan ng yelo at binibit niya ito papuntang swivel chair.
Pakiramdam ng senyor nawalan siya ng lakas sa katawan. Matapos ang pag-uusap nila ng kaibigang si Wilfredo Lacsamana. At mukhang mapapahiya rin siya rito kung ’di matutuloy ang kasal ng mga anak nila.
“Sino kaya ang babaeng ’yon? Ano’ng relasyon nito kay Alex?” aniya sa isipan habang sinisimsim ang wine.
Saktong naibaba ni Senyor Alaxander ang glass wine. Nakarinig siya ng tatlong magkasunod-sunod na katok sa pintuan.
“Pa!”
Narinig niyang tawag ni Alex mula sa labas ng library.
“Come in!” mariin niyang sagot. Saka tuluyang inubos ang laman ng wine glass. Kasabay no’n ang pagbukas ng pintuan.
“Ipinapatawag n’yo raw po ako? May kailangan po kayo, papa?” maamong tupa nitong tanong sa ama. Dahan-dahang naglakad si Alex umupo sa bangko kaharap ang senyor.
“Ano’ng nangyari sa inyo ni Hannah? Bakit nila pina-cancel ang kasal ninyo?” seryoso at mariing tanong ni Senyor Alexander. Sinindihan pa nito ang hawak na tabako at tiningnan ng matalim ang binata.
“Pa, ano kasi.” Saglit itong tumigil sa pagsasalita, tila nag-iisip ng isasagot sa ama. Huminga ng malalim si Alex saka sinalubong ang tingin ng ama. “Hindi ko siya gusto, pa.”
Nagulat si Alex nang biglang ihagis ng ama ang hawak na glass wine sa pader. Tumayo ang senyor at nanggigil sa galit na lumapit sa anak. Agad nitong kinuwelyohan ang binata at saka itinayo sa kinauupuan.
“Bullsh*it! Hindi mo gusto? Pero pinakialaman mo, tar*ntado ka!” nanggagailating sigaw ni Senyor Alexander. Hindi pa ito nakuntento binigyan si Alex ng isang suntok sa panga. “ I’m warning you, I’m really angry right now I’m telling you to fix your mess with hanna if you don’t want me to fix it! Ayaw ko sa lahat ’yong napapahiya ako.”
Tahimik lamang si Alex sa isang tabi habang himas-himas ang panga na nasaktan. Wala siyang pinagsisihan sa nangyari sa kanila ni Hanna pareho nilang ginusto ’yon. Ngunit hindi niya maatim na pakasalan ang dalaga dahil ’di naman niya ito mahal at isa pa may iba siyang gusto. Ayaw niyang itali ang sarili sa taong hindi niya mahal baka magsisi lamang siya sa bandang huli.
SA labas ng library ay hindi na naituloy ni Michael ang pagkatok sa pintuan nang marinig niyang galit-galit ang boses ng ama. Wrong timming ’ata ako. Mukhang may giyera sa loob, aniya sa isipan. Balak sana niyang kausapin ng maayos ama tungkol sa binabalak nitong pakikipagmabutihan sa pamilya ni Gladys. Sasabihin rin sana niya kay senyor ang magandang balita na natanggap kaninang umaga. Dahil pinapa-report na siya sa Camp Crame at mukhang masusunod ang plano ng ama na sa lugar na lamang nila siya maa-assign. Akmang tatalikod si Michael nang biglang bumukas ang pintuan. Kasabay no’n ang paglabas ni Senyor Alexander na halos ’di maipinta ang mukha sa galit.
“Call, Andres ipa-check mo ang kuha ng CCTV kagabi. Alamin n’yo kung sino’ng babaeng ang iniakyat ng magaling mong kapatid sa kaniyang kuwarto!” utos nito kay Michael saka nagtuloy-tuloy papasok sa loob ng kanilang kuwarto.
Napatitig si Michael sa likod ng ama. Kitang-kita niya kung paano maggalawan ang muscle ni Senyor Alexander sa braso. Despite his father's age, his physical strength and agility are still evident. And being a strict parent.
“Masusunod po!” pahabol na sagot ng binata. Kahit na nakapasok na ang ama sa loob ng kuwarto.
Ilang sanadali pa bumukas ang pintuan at iniluwa ro’n ang kapatid na hawak-hawak ang panga. Sabog-sabog ang buhok nito na halatang sinabunutan at maging ang suot na pulo ay may punit sa bandang kuwelyo.
“Ano’ng nangyari d’yan?” Tinutukoy nito ang panga ng kapatid.
Isang mapait na ngisi ang pinakawalan ng kapatid saka tinungo ang hagdanan. Agad sinundan ni Michael ang kapatid ngunit mas mabilis nakapanaog si Alex sa hagdanan.
“Tsk!” palatak ni Michael. Habang tinatanaw ang kapatid palabas ng kabilang pintuan papunta sa parking area.
PASADO ALAS-TRES NANG HAPON, lunch break no’n nila Cristina nang ianunsyo ni Madam Loi na may naghahanap sa kaniya sa labas. Dahil walang gaanong customer ang karinderya ng ganoong oras. Pinapayagan sila nito na magpahinga ng kalahating oras. Dahil pagsapit ng alas-kuwatro dagsa na naman ang mga tao para magmeryenda. Kun ’di mga estudyante ang suki nila, mayroon ding mga construction worker at mga taong halos pagod sa maghapong pagtratrabaho.
Dahan-dahang tumayo si Cristina sa bangko. Napatingin pa si Sarah sa gawi niya. Na tila nagtatanong ang mga mata nito sa kaniya. Tipid na ngumiti ang dalaga sa kaibigan. Maging siya hindi niya ini-expect na may maghahanap sa kaniya. Pinakiramdam niya ang t***k ng puso na baka may masamang nangyari sa mga kapatid. Ngunit banayad naman ang t***k nito.
Bago lumabas ng kusina sinulyapan muna ni Cristina ang sarili sa salamin. Nang makitang presentable naman ang ayos at ang sout na damit. Agad siyang lumabas ng kitchen area at tinungo ang sulok ng karinderya kung saan naroon ang taong naghihintay sa kaniya. Nagulat ang dalaga nang makitang babae ang kaniyang bisita at hindi nalalayo ang edad sa kaniya. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng babae dahil busy ito sa harap ng cellphone.
Nang marinig ni Hanna ang pagtikhim ni Cristina. Iniangat niya ang paningin dito at bahagyang ngumiti.
“Maupo ka,” alok niya. Saka itinago ang cellphone sa bag.
Hinila ni Cristina ang pangalawang bangko na katabi ng glasswall. Pang-apatan kasi na tao ang ukopado ng lamesa. Nakaupo naman si Hanna sa unang upuan at kabilang side.
“Hinahanap mo raw ako? Hindi kita kilala, saka wala akong natatandaan na nagkita na tayo,” malumanay niyang saad sa babae. Kilala ang dalaga sa pagiging palaban at hindi nagpapaagrabyado. Ngunit nakadepende sa taong kahaharapin niya. Pero kay Hanna nagmistula siyang isang mabait na chetah. Siguro dahil wala naman siyang nababakas na katarayan sa mukha ng kaharap. Para pa nga isa itong anghel na bumaba sa lupa.
Isang mahiyaing ngiti ang ibinigay ni Hanna sa dalaga at naglahad ng kamay.
“Hanna Ingrid Lacsamana,” pormal na pakilala ni Hanna. “Fiance of Alexander James dela Torre.” dagdag pa nito at idiniin ang salitang fiance. Na tila sinisigurado nito na narinig ng dalaga ang inihayag.