Kinaumagahan. “Aga mo, ah,” nabigla si Shina nang pumasok ang kuya niya sa kumedor. “Ahh,” nangiti ng alanganin si Shina, “Nagluto ako, ‘yan, oh! Pinakbet!” “Nahilig ka sa gulay?” sinilip nito ang kawali. “Kailan pa?” “Nang—“ napipi siya bigla, tama, hindi niya rin hilig ang gulay pero kumakain naman siya. Pero simula nang mapatikim siya ng gulay kasama si Raven, parang biglang gusto niyang maging vegetarian. “Bakit maaga ka?” Pag-iiba ni Shina. “Ah, nauuhaw lang ako. Matutulog pa ako,” tumungo ito sa ref at kumuha ng maiinom, “Maaga kang papasok?” “Oo, mangongopya pa ako ng activities, eh.” “Hina talaga ng babaeng ‘to,” uminom na ng tubig ang kapatid. “Sige na, mag-ingat ka, tatanga-tanga ka pa naman madalas.” Nangiti si Shina nang makaalis na ito. Magkikita sila ni Raven sa li