“Buwisit!” Iritang-iritang sinabutan ni Flynne si Raul na isa sa makulit na lalaking night class na parang buntot niya. “Lady Flynne, masakit! Aray—“ “Nakakainis talaga!” Pinagwagwagan pa rin ni Flynne ang buhok ni Raul, iritang-irita siya sa pagiging isnobero ni Kenjie. Sa halos dalawang linggo, talagang deadma siya rito! “Bulag ba talaga ang lalaking ‘yon?!” “Lady—“ Natigilan si Flynne nang maalala si Raven. “Nasaan na naman si Raven?” ani Flynne nang mapansin na wala na naman ito. “Hindi ko alam, Lady Flynne—“ “At bakit hindi mo alam?!” “Alam mo naman na hindi no’n gustong sinusundan siya lalo na ang pinakikialamanan.” Bumaba sa desk na inuupuan si Flynne, puro daldalan na naman ang night class. Sa kanilang mga bampira, ang magkaroon ng abilidad na kakaiba ay maaaring ma