Chapter 1
Chapter 1
“Ohayou Gozaimasu! (Good morning).”
Ako si Shina Fujiwara, isang transfer student sa ‘Rainsworth University’. I’m a half-filipino and half-japanese, for three years, sa Japan kami nag stay at nagbalik lang ngayong senior high. Pero ako lang naman talaga ang pumilit sa kuya ko na bumalik kami dahil lang sa isang lalaki na naging laman ng panaginip ko.
Hindi ko napigil ‘yong katuwaan ko nang makita ko sa isang newspaper sa Japan ang isang International School sa Pilipinas at ang endorser nila ay isa sa mga estudyante nila na kamukhang-kamukha ng lalaking laman ng mga panaginip ko—siyang-siya iyon. Pakiramdam ko desperada akong nagmakaawa sa magulang ko na makabalik sa Pilipinas para lang sa isang lalaki.
“Shina, para kang timang,” si kuya kenji habang kagat-kagat pa ang isang toasted bread.
“Bilisan na natin!” excited na hinila ko siya palabas sa gate namin. “Naghihintay na siya sa ‘kin!”
“Hindi ka nga kilala, timang ka talaga.” Pinitik niya ang noo ko.
“Hmp!”
Nauna siyang maglakad at halos hingalin ako sa laki ng mga hakbang niya parang nanandya.
“Matte!” (Wait)
Nakahabol naman kami ng sakay sa isang bus. Hindi kami nagkausap ng kapatid ko dahil nakaupo ako habang nakatayo siya sa bahaging dulo. Nagkahiwalayna rin kami sa entrance dahil nagmamadali ako ng makarinig ng bell.
“Wah!” Nasampal ko ang mukha ko nang mapagtanto ko na napakalaki ng eskuwelahan at naliligaw ako!
Directionally Challenge ako, hirap na hirap akong tandaan ang mga daanan even the simple left and right ay hindi awtomatiko sa ‘kin. Kailangan ko pang kapain ang kalyo ko sa kanan na siyang gamit ko sa pagsulat para lang malaman na iyon ang kanan.
Walang pumapansin sa ‘kin. Paano na ako nito?!
“Sumimasen,” (Excuse Me)
Tumigil ang lalaking matangkad na nakasalamin, “Yes?”
“Do you know where I could find the 2-4 class?”
“Room 207?” American accent na ulit niya.
“Y-yes,”
“Senior high?”
Tumango ako.
“We’re classmate.”
Nagliwanag ang mukha ko, “P-pwede akong sumabay?”
“No problem.”
“I’m Shina Fujiwara,” iniabot ko sa kanya ang palad ko.
“Harvey Lensoco,” tinanggap naman niya iyon.
Kinuha ko na iyong pagkakataon para kausapin siya at daldalin.
**
Katulad nang madalas nagpakilala ako sa harapan, “Good morning, I’m Shina Fujiwara.” Nag bow ako sa harapan nila at ngiting-ngiti kahit pa mukhang pinagtatawanan ako ng iba. Ayos lang, kung hindi nila ako gusto ngayon, magugustuhan din naman nila ako sa susunod. I’m always positive! Ngayon pa ban a makikilala ko na ang prince charming ko?
Pero siyempre kung ano ang excitement kong makapag-aral dito, hindi naman ganoon sa pag-aaral dahil mahina talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Medyo hirap akong magfocus sa pag-aaral pero iba naman kapag art ang ginagawa ko, kaya kong mag concentrate kahit sa pinakamaingay pang paligid.
Saan ko ba unang makikita ang destiny ko?
“Harvey Lensoco,”
Napadiretso ako nang upo nang tawagin ang katabi kong si Harvey.
“Your answer?” tanong ng babaeng guro habang itinuturo ang whiteboard.
Abot-abot ang kaba ko dahil mukhang ako ang isusunod niya. Paano ba maging isang jelly ace?
Nakasagot naman si Harvey at mukhang nakahinga nang maluwag. Ang cool niya talaga, mukhang sobrang talino naman nitong seatmate ko.
“Ang talino mo naman, sana all.”
“Tsk, very easy.” Yabang ni Harvey. Pero sabagay, kung matalino rin ako baka ipagmalaki ko rin.
For almost three days, wala talagang bakas ni destiny akong nakita kahit anino man lang niya. Pero masyado talagang malaki ang eskuwelahan at nasiguro ko naman na dito siya nag-aaral. What if, hindi na ngayong taon?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagsagot na ng long quiz. Natutuyot ang utak ko sa haba ng mga question, tingnan pa lang ang haba ng paragraph tinatamad na akong basahin at gusto ko na lang manghula. Pero hindi puwede, ayoko naman maging butata.
Pasimple kong nilingon si Harvey at mukhang walang paghihirap siyang nagsasagot at namangha pa ako nang ilipat na niya sa likuran ang test questionnaire samantalang #2 pa lang ako!
Ipinasa ko ang papel ko nang mag time na, hinang-hina akong naghintay ng itatama kong papel mula sa kabilang row. Kinakabahan na ako na maging pinakamababa sa 50 items na question. Nang matapos ang pagtse-tsek ay iniisa-isa rin ng guro namin na ibigay ‘yon sa ‘min matapos isulat ang iskor sa kanyang grading sheet.
“Shina,”
Nagmamadali kong inabot ang papel. Dahan-dahan ko pa ‘yong binukas ng makaupo ako.
“Harvey—“
Naipikit ko nang mariin ang mata ko nang 20/50 lang ang nakuha ko.
“Ang hina mo naman talaga!” galit na sabi ko sa sarili.
Naupo na si Harvey.
“Sana all, matalino,” sabi ko kaagad at nginisian naman niya ako.
Kailan kayo ako makakangisi ng gano’n?
“Well,” ipinakita niya sa ‘kin ang test paper niya na 15/50.
“Isa na ‘yan sa pinakamataas ko ngayon,”
“A-ano?” nangunot ang noo ko.
“Mag-aral kang maigi, Shina, mahirap iyong pabobo sa senior high,” aniya na nagyayabang.
Napasimangot ako, “Sinong pabobo?” Inilapag ko ang papel ko sa kanyang mesa.
“Nandaya ka ba?” akusa niya.
“Hindi ‘no! Hindi ako ang pabobo kundi ikaw!” lalo ko siyang sinimangutan. Napakayabang!
“Shina, Harvey, lowest score na kayong dalawa ay nagawa ninyo pang mag-away kesa alamin kung ano ang mga minali ninyo?!” malakas na hampas sa mesa ang gumulantang sa ‘min ni Harvey.
Inirapan ko si Harvey. Looks can be deceiving!
**
“Nakasimangot ka, lalo kang pumapangit,” Si kuya Kenjie ‘yon, gabi na kase nang makauwi na kami, namili pa kami ng ilang stocks para hindi na kami pabalik-balik sa grocery store.
Nakahiga na siya sa sofa habang nagbabasa ng isang libro na kabibili lang niya sa bookstore. Samantalang ako, nakaupo sa sahig at lungkot na lungkot habang gumagawa ng assignment.
“Hindi ko naman siya nakikita, nakakainis!” Iritang tinigil ko ang ginagawa ko at nilingon ang kapatid kong tumatawa na sa binabasang comics.
“Nii-chan!”
“Baka sa night class ‘yong hinahanap mo.” Aniya nang maglipat ng page.
“Night class?!”
“Ang ingay mo masyado! Ikuha mo ako ng softdrinks, Dalian mo.”
“Koohii? Juusu? Ocha? (Coffee? Juice? Tea?)
“Anong meron ba?”
“Malamig na tubig lang,” sagot ko.
Pinitik niya ako sa noo. “Tatanong ka pa, dalian mo!”
Mabilis naman akong sumunod para ikuha siya ng bottled water na kalahati na ang yelo.
“Ano ‘yong sa night class, kuya?” tanong ko nang bumangon siya para uminom.
“Puwede ba akong magpalipat do’n?”
Ibinaba niya sa side table ang tubig, “Hindi. Pili lang daw ang nasa night class,”
“Anong oras ba ang night class?”
“9 p.m- 5 a.m.”
Nakaisip ako nang plano. Baka nga kaya hindi ko siya nakikita dahil nasa night class siya. Iyong nanghihina kong katawan parang bigla na lang lumakas at nakagawa ako ng assignment nang mabilisan. Hindi ako puwedeng magpa-late nang gano’n kaya naman ang chance lang na makikita ko siya ay uwian nil ang 5:00 am.
Natulog ako nang maaga para pumasok ng maaga.
“See you, my prince charming!”