Chapter 8

1255 Words

“Bakit naman ang tamlay mo ngayong araw ha?” Napasimangot lang si Shina nang tanungin siya ni Queenie. Iniabot niya sa kanilang cook ang made to order ng napuntahan niyang table. Pero kung customer naman ang kaharap niya ay ngiting-ngiti niya, kailangan niyang mahalin ang kanyang trabaho. “Baka gusto mo munang magpahinga o umuwi kaya? May mga dumating na naman para sa next ship,” ani Queenie. “Queenie, am I pretty?” hinarap niya ito. “What do you think?” Nangunot ang noo ni Queenie, “Siyempre! Maaarkila ka ba rito kung pangit ka?” tumaas ang kilay nito, “Isa pa, sobrang cute mo nga lalo kapag sumasayaw at nagsasalita ka na, ‘no!” Nangiti naman si Shina, maging si Harry na narinig ang usapan ng dalawa. “Tama si Queenie, hindi ko alam kung may bulag bang nagsabing hindi ka maganda.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD