Hindi na napigil ni Shina ang pagbagsak ng luha. Hindi naman natinag do’n si Raven dahil sa taas ng galit nito sa muntikan ng paghawak dito ng kapwa bampira. “I’m sorry,” Huminga nang malalim si Raven, “Do you what happened sa ibang day class?” Nagkatitigan silang dalawa. “N-namatay sila?” takot na tanong ni Shina. “No.” “Kung—“ “We are Vampires.” Hindi pumasok nang maayos sa isipan ni Shina ang sinabi ni Raven. Naalala niya ang party kung saan parang bampirang kinagat ng isang lalaki ang isang babae. “V-Vampires?” Huminga nang malalim si Raven. “Bakit ka narito?” mas kalmado na si Raven. “Ibibigay ko lang sana ito, baka kasi nag-aalala ka na nawawala ito.” Iniabot ni Shina ang ballpen kay Raven. Medyo nakonsensiya naman si Raven sa naging pakikitungo niya kay Shina. “Sa