Chapter 12 “Raven,” “Kailan ka pa naging utusan nila?” ani Raven kay Flynne. “Kailangan mong pumunta ro’n, para naman ‘yon sa pamilyang Nightray. Isa pa, wala namang mawawala sa iyo kung pupunta ka ro’n,” naupo si Flynne sa tabi ni Raven sa sofa na tanggapan ng office nito bilang president ng student council ng night class. “Naiintindihan ko naman na ayaw mo talagang bumalik do’n, pero kahit saglit lang naman.” Tumayo si Raven at tinungo ang bintana. Doon, kitang-kita ang Nightray mansion, ang napakalaking lupaing pag-aari nila. “Magpahinga ka na, oh papasok ka na naman day class?” Pagbabago ni Raven. Napasimangot naman si Flynne, “Hindi na ‘no, magpapahinga na lang ako at magpapaganda.” “Hindi ba siya kakaiba?” Natigilan si Flynne sa akmang paglabas sa pintuan. “Si Kenjie?”