Chapter 13 Napahinga nang malalim si Kenjie dahil sa tigas ng ulo ni Flynne. Hinayaan niyang umuwi mag-isa ang kapatid para harapin lamang ang babaeng tila nababaliw na. “Be my boyfriend, Kenjie!” Naimasahe ni Kenjie ang palad sa noo habang tinitingnan ang maganda naman talagang babae pero hindi niya talaga gusto ang pagiging mapilit nito. “Look, Flynne—“ “Be my boyfriend!” ulit nito na hinarap pa siya para tumigil sa paglalakad. Naroon sila sa isang private room ng restaurant na pinagkitaan nila. Dito nito siya inaya. Sumama lang siya para pag-usapan ang nakalipas na panggugulo nito sa kanya. “Mukha bang gusto kita?” turo ni Kenjie sa sariling walang emosyon. “Oo, at inililihim mo lang ‘yon!” Humalukipkip si Flynne. Huminga muna nang malalim si Kenjie saka bumuga nang marahan. Ka