Bisita "Miss Andrea?" napamulat ako ng madinig ko ang marahang katok mula sa labas ng aking silid. Napaungol ako pero hindi ako nag abalang magmulat man lang ng mga mata. Gising naman na ko. Tinatamad pa lang akong bumangon. Lunes ngayon at hindi muna ko papasok. Medyo magaling naman na ako pero sinabi nila Papa kagabi na sa Martes na daw ako pumasok para mas lalo akong makapagpahinga. Nakatawag na din naman daw sila sa eskwelahan. Isa pang katok, "Miss Andrea, papasok na po kami..." I turned sideways not bothering to stand up and open the door for them. Papasok naman din sila. Napatalukbong pa ako bahagya ng kumot ng biglang magliwanag ang paligid sanhi ng pagbukas ng ilaw. Sarado kase ang bintana sa aking kwarto kaya medyo madilim pa din sa silid kahit nakasisiguro akong tangh