Puyat... "Hoy tomboy!" napapitlag ako ng maramdaman ang marahang paghampas ng kung sino sa lamesa ng upuan sa harap. Muntik na kong nagmura. Nakayukyok kase ko sa lamesa at nakapikit. Antok na antok ako. Yung walangyang Chase na yun. Pinaligo ako at pinilit na lumabas para ilibre ko siya ng icecream. Kinokonsensya pa ko na sila Ulap daw ang kumain nung binili ko dati. Kasalanan naman niya yun ah. Sino ba kase ang may sabi na ibigay niya yung binili kong icecream dati sa kanila? Tapos nagtaxi lang kami papunta sa mall. Yung baon na hindi ko nagalaw simula ng pumasok ako sa school, naubos yata ng isang galaan dahil sa kanya. Aba magaling din. Napakadami niya pang gusto. Ginawa pa yata akong sugarmommy ng hayop. "Oliveros!" Napaigting ang aking panga sa lakas ng boses ng babaeng