1
Kapangalan
"Did you see her clothes? They are all so plain! She doesn't even wear makeup!"
“I like her hair though,”
“But let's all be honest, she looks so ordinary. I'm still confused kung paano siya naka enrol ngayong semester. Our school doesn't normally admit late enrollees,”
I blocked the words I kept hearing around me. Puro lait. Even the things na hindi naman dapat pinapansin ay ginagawan nila ng kwento. Ayokong magsayang ng oras at panahon para patulan ang kanilang kababawan.
A long sigh escaped my lips.
Ngayon ay hindi ako sigurado kung maganda bang ideya ang lumipat sa paaralang ito. Hindi na rin naman bago sa'kin ang walang masyadong kaibigan dahil ganoon rin naman ako noon sa dati kong escuelahan.
Nakaya ko namang mabuhay hanggang magkolehiyo ako ng walang kaibigan. The last people I let in on my life only broke my heart.
I was six then. Nagkaroon ako ng kaibigan sa cafe - si Antonia. Anak siya ng cashier ni mama. Tulad ko, wala din siyang papa kaya nagkakaintindihan kami. Lahat ng tampo ko kay mama at pagkasabik ko sa ama, sa kanya ko sinasabi. Pero wala, sa murang edad, naranasan ko ang maiwan.
Bigla kasing dumating yung papa niya tapos biglang hindi na lang bumalik yung mama niya sa trabaho. Nawala silang parang bula.
Tandang tanda ko pa kung paano akong umiiyak ng halos isang linggo dahil sa pag alis niya. Simula nuon, hindi ko na sinubukang makipaglapit masyado sa kahit kanino.
Ganuon naman madalas, iiwanan ka din nila. Kahit gaano pa sila kaimportante sayo, dahil ikaw hindi gano'n kaimportante sa kanila, ano'ng silbi?
Napapikit ako ng konti ng marinig ko na naman silang naghahagikgikan. May kung ano ata dilang tinitignan na mga litrato.
"Mga baliw..." bulong ko sa sarili ko. Sayang lang ang tuition ng mga magulang ng mga kaklase ko. Mukha silang polusyon dito sa paaralan.
Napahinga ako ng malalim.
Napatingin ako sa aking paligid, wala pa yung prof kaya panay daldalan tong mga kaklase ko.
Ilang araw na ba simula ng lumipat ako ng school, two weeks? And like what they said, I was a late enrollee ngunit dalawang araw lang naman akong nahuli sa klase. Sa ilang linggo kong naririto ay wala rin akong narinig na nakakatuwa mula sa mga naririto.
Nakadagdag rin siguro ang insidente noong nakaraan kung saan nakabangga ko ang isang babaeng iniiwasan rin ng iba kong kapwa estudyante.
Mukhang nakainisan ako nito dahil nasagi ko ito habang nag re-retouch ng makeup.
I didn't mind though. Iniwasan ko na lamang ito.
These people around me, they often say that I look so plain. Minsan pa nga ay narinig ko rin na napagkamalan nila akong tomboy marahil siguro sa paraan ko ng pananamit.
Nabaling ang aking tingin sa pares ng sapatos na asa aking harapan.
Baka dahil na din sa suot ko palagi kaya nila ko napagkakamalan.
Wala kasing uniform dito sa school na nilipatan ko. Palibhasa madaming mayaman ang nag aaral kaya sunod sa kapritso na "wear what makes you comfortable".
Habang halos lahat sila ay halatang mamahalin ang mga suot, ako naman ay simpleng t-shirt at pants lang ay okay na. Minsan tinatali ko pa yung buhok o kaya naka-cap ako kase tinatamad ako magsuklay.
Katulad na lang ngayon, nakasuot lang ako ng black pants at plain white shirt na tinuck in ko yung bandang harap. Medyo malambot ang tela nun kaya kahit papaano ay sumusunod sa katawan ko. Ayaw ko din naman ng mga fit na damit.
Hindi ko naman kasalanan na halos lahat sila dito gusto nakadress pumapasok. Or kung magpapantalon is dapat sosyal ka pa ding tignan. Kung hindi naka litaw ang pusod, kilikili naman ang nakalitaw.
Hindi naman sa takot akong ilabas ang pusod o kilikili ko dahil hindi rin naman pangit ang katawan ko. Siguro hindi lang ako kumportable sa mga ganoong uri ng damit.
Napaigtad ako ng padabog dumaan sa likuran ko si Jessa, ang babaeng nakabangga ko noong nakaraan. Doon kase siya nakaupo. Ayaw niya daw pumwesto sa harap ko dahil naaalibadbaran siya sa presensya ko.
"Stop looking at me," inis na sita nito sa'kin.
Napailing na lang ako.
If not for my older sister, hindi ako magtitiis na mag-aral rito.
Wala pa man isang buwan pero parang nagsisisi na ko.
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.
The only reason I decided to transfer here is for me to see my sister more. Bagama't ayaw nitong ipaalam sa mga tao na magkapatid kami o na magkakilala kami, I just want to have the chance to see her life in school.
Isang buwan pa lang ang nakakaraan nung malaman ko na may kapatid pala ko at buhay pala yung papa ko. Lumaki akong ang alam ay matagal ng yumao ang aking ama. Wala din naman kaseng sinasabi si mama.
I only found out recently noong may dumating na babae sa'min. Sa totoo lamang ay nagulat ako lalo pa nga ng malaman kong ang babaeng iyon ang asawa ng aking ama. She hugged my mother.
Ikaw, makakaya mo bang yakapin na lang yung babaeng naanakan ng asawa mo?
I have nothing against Tita Monica. Alam kong mabait talaga ito. Alam ko ring sinsero ang hangarin nito na mapalapit sa akin.
Naguguluhan man sa lahat ng nangyari, tinaggap ko na lang. Ayoko ng magalit sa tatay ko. Kung anuman ang nangyari noo , kung bakit hindi ko siya nakasama o kung bakit walang sinabi si mama tungkol sa kanya, hindi ko na pinagkaabalahang isipin. Masyado ng matagal ang panahon at hindi na ako batang paslit para magtampo pa sa kanila.
Hindi rin naman ako napabayaan ni Mama. Hindi kami mahirap pero hindi din kami mayaman. May small business si mama, isang cafe na sapat lang para buhayin kaming dalawa. Naranasan ko pa nga na mabuhay ng may yaya dahil sobrang busy siya.
And then I found out I have a sister kaya naman kahit paano nakaramdam ako ng saya.
When my father saw me, niyakap niya ko ng mahigpit. Unang kita ko pa lang sa kanya, ramdam ko na agad na hindi siya expressive na tao. Baka sa kanya ko nakuha yung ganoong ugali. Wala kaming pinag usapan. Basta ninamnam ko lang yung yakap niya sakin.
Nung nalaman kong may kapatid ako, sobrang excited ako. Kase pangarap ko yun e, magkaroon ng ate. Yung taong magtatangol sakin kapag may umaaway sakin. O yung makakasama ko sa kwentuhan. Si Mama nga pumayag na dun muna ako tumira kila papa para daw makilala ko sila.
Hindi ko inisip na magiging madali na maging close kami ng kapatid ko. Napaka aloof niya din kase. Doble ng pagka aloof ko. Hindi siya masyadong nagsasalita, sobrang prim and proper at parang totoong prinsesa.
Napaangat ako ng tingin ng biglang dumating ang professor namin pero mas nakaagaw ng aking atensyon and pagpasok ng lalaking kasunod niya. Maputi ito at mahahalata mong maganda ang pangangatawan. Seryoso ang kanyang mukha na para bang nais ipagdamot sa lahat ang kanyang ngiti.
I heard collective gasps around me.
Napatingin ako sa likod ko. Gusto ko sanang kalabitin si Jessa kahit isang utot na lang tutulo na yung laway niya.
Muli akong napalingon sa harapan. Hindi ako madaling magkagusto sa mga lalaki ngunit hindi ko maikakailang gwapo talaga ang lalaking ito.
Natahimik ang buong klase. Lahat nasa kanya ang atensyon. Mukhang may bago ng pagpapantasyahan tong mga kaklase ko bukod sa pitong lalaking palagi kong naririnig simula pa lang nung unang araw ng pasukan. Yung mga Puntavega daw.
Wala pa akong nakikita kahit isa sa kanila pero palagi silang bukambibig ng mga tao dito.
Sobrang gwapo daw at mayayaman pa. Marami pang ibang kalalakihang sikat sa paaralan ngunit sila siguro yung tumatak sa utak ko dahil nga magkakamag anak ang mga ito.
Hindi na rin ako masyadong nagtaka dahil, dun nga sa eskwelahan na pinapasukan ng pinsan ko ay meron ding mga sikat na mga estudyante e, mga Delafuente daw. Crush na crush ni Nixie yung isa doon lalo na yung si Jimin.
Nung una nga pinipilit niya pa ko na doon mag aral kase madami daw boys dun, meron pang mga Montiel at Buenaventura.
O kung gusto ko naman daw, dun sa isang school kung san nag aaral yung pitong puto.
Sa naisip ay napailing ako.
Bumalik ang tingin ko sa lalaki sa harapan.
His presence screams authority. Yung tipong kapag tinignan ka at may sinabi siya, mapapasunod ka na lang.
Pinanuod ko ang bawat kilos niya, kung paano niya iginala ang tingin niya sa buong klase.
"Baka naghahanap ng mauupuan..." Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko man lang pinagkaabalahang iaangat ang katawan ko mula sa pagkakayukyok sa lamesa. Para saan? Hindi ko naman siya kakausapin.
Dalawa lang naman yung bakanteng upuan sa klase na to. Yung sa tabi ko at sa tabi ni Jessa na talagang bakante dahil ayaw nito ng may katabi.
"Goodmorning. Sorry fo-"
Hindi na naituloy nung prof namin ang sasabihin niya ng bigla na lang maglakad yung lalaki papunta sa direksyon ko at hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na maialis ang tingin ko sa kanya hanggang sa maramdaman kong magtama ang aming paningin.
Isa...
Dalawa...
Tatlo....
I was caught off-guard. Habang papalapit siya ay hindi nito inalis ang tingin sa akin kaya naman mas lalo ako g kinabahan.
Nakatitig kami sa isa't isa habang nakayukyok pa rin ako sa lamesa. Bigla siyang huminto sa paglalakad. He looked like he was still pre-occupied ngunit hindi niya rin naman inalis ang tingin sa'kin.
Nagulat na lang ako ng may biglang sumipa sa likod ng upuan ko. Napapikit ako ng bahagya dahil para bang naalog ang aking utak.
"Ah, dito ka na lang tumabi sakin!" narinig kong irit ni Jessa.
Gusto ko sanang umirap pero pinigilan ko ang sarili ko. I guess she's not immune with handsome guys as well.
Isaksak mo sa baga mo.
"Ah, you may take your seats," Naiilang na sabi ng prof ko.
Seats?
I watch as he continued making his way towards my direction, our gaze even locking again at some point.
Napalunok ako. He makes me feel nervouse.
Pakiramdam ko ay kumabog ang aking dibdib ng sobrang lakas ng bigla siyang huminto sa aking harapan.
"Sit,"
Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang kanyang tinig. Malamig iyon ngunit tila ba idinuduyan ako sa kung saan.
Nang mapagtanto ang kanyang tinuran ay napakunot ang aking noo.
Anong sit e nakaupo naman ako. Ako ba kausap niya?
"Ha?" bulong ko, his brows furrowed a little, mukhang naiinis na naman.
"Nakakaintindi ako ng English," bulong ko na nagpakunot lalo ng kanyang noo.
"Not you, stupid," sagot niya at muntik na kong mapasigaw ng biglang may lumabas sa likod niyang isang babae. Natatakpan ng bangs ang mukha at nakayuko lang.
Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa aking katawan sa sobrang gulat.
Napahawak ako sa aking dibdib at napaayos bigla ng upo.
Nakakatakot. Hindi ko alam kung dahil lang natakpan siya nung gwapong lalaki o parang wala man lang siyang kaprese-presensya. Kase mukhang hindi lang ako ang nagulat dahil bahagyang napatili rin si Jessa pagkakaita sa kanya.
Nasundan ko ng tingin ang mga kamay niya na nakakapit sa laylayan ng damit nung lalaki.
"Miss Puntav-"
"Allejo", putol ng lalaki sa sinasabi ng prof.
Natahimik kami lalo sa tono ng boses niya. Para siyang galit na nainis. Titig na titig siya sa direkyon ng prof namin na para bang may napakalaking kasalanan itong nagawa.
"Allejo," ulit ng lalaki. He sounded a little angry at napansin kong medyo naging maputla ang mukha ng prof ko.
Sino ba tong lalaking ito at sobrang intimidating ng datingan?
"Miss Allejo, yes, thanks, I understand Mr. Puntavega,"
Napasinghap ang mga kaklase ko nung nadinig nila ang tinawag sa kanya.
Puntavega? Kasama ba siya dun sa pitong lalaki na palaging pinaguusapan dito? Yung magkakapatid at iba ay pinsan?
"Oh my God, kinikilig ako. Magiging kaklase pala natin siya! E si Ulap kaya magiging kaklase din natin?"
"Dito na ba siya ulit mag-aaral? Kase last year tumigil siya bigla di ba?"
"Kumpleto na ulit sila!" parang magpapanting ang tengga ko sa tinis ng boses ng mga kaklase ko.
Napatingin ako sa kanya.
Bigla siyang bumaling ng tingin sa aking direksyon. Yung mga mata niya, kala mo nanunukat ng pagkatao.
Hindi ko napigilang maconscious. Ni minsan sa buhay ko, hindi ako nainsecure sa itsura ko. Pero sa paraan niya ng pagtingin, feeling ko iniisa isa niya sa utak niya kahat ng flaws ko.
"Just sit beside her. She won't bully you," Narinig kong sabi niya sa babae.
Napalunok ako, girlfriend niya? Pero hindi ko din maiwasang magtaas ng kilay ng mapagtanto ang sinabi nito. Hindi ko alam lung matutuwa ba ako rito o ma o offend.
Napairap ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Hindi pa man, parang kumukulo na agad ang dugo ko sa kanya.
Judgemental. Pinagkamalan pa akong bully.
Napansin niya siguro ang naging reaksyon ko kaya bigla siyang nagsalita.
"Tsk, ang sungit hindi naman maganda," narinig kong bulong niya at agad akong napasinghap.
Mahina lang ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko yun. Nagulat pa ko nung nadinig ko ang paghagikgik ng babaeng kasama niya.
Napaingos ako.
"Ang yabang hindi naman matangkad," bulong ko din bago ako nagiwas sa kanya ng tingin.
Gusto kong batukan ang sarili ko at naisipan ko pang sumagot.
Naramdaman kong napatingin saglit sakin yung babae. Sobrang hindi ko maramdaman ang presensya niya pero dahil nasa harap ko siya mismo, malinaw na malinaw ko siyang nakikita.
I am not a friendly person but the moment I saw her eyes, I was stunned. Kulay grey ang mga mata niya. May lahi ba siya?
Napatingin ako sa katawan niya. Medyo slim siya, maputi at makinis din tignan ang balat. Halatang naaalagaan. But something about her screams mystery. Something is wrong with this woman. But at the same time, I don't feel any animosity towards her.
She looks....pure?
Napangiti ako ng kaunti. Pero agad siyang nag iwas ng tingin ng magtama ang aming paningin.
Nagkibit na lamang ako ng balikat.
Nagulat ako ng umupo na din yung babae sa tabi ko habang yung lalaking isa daw Puntavega ay agad ding umupo sa bakanteng upuan sa aking likuran.
Narinig ko pang gumalaw galaw yung upuan. Si Jessa malamang yun, pinasukan siguro ng kiti-kiti.
Nagsimula na din ang klase at nagtawag na din ng pangalan yung prof namin hanggang sa marinig ko ang aking pangalan.
"Chaese,"
"Present"
"Here"
Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses niya.
He raised an eyebrow at my direction when he realized something.
"Oh, sorry," sabi bigla ng prof ko at napatingin ulit sa class record niya. "Chaese Oliveros" tuloy ng prof namin kaya napalingon ulit ako sa harap at itinaas ang aking kamay.
"Puntavega, Chase," sabi ulit ng prof namin at nagtaas din siya ng kamay. Hindi ko tuloy maialis ang tingin sa kanya hanggang sa may nadinig akong tumawa ng mahina sa gilid ko.
Katulad kanina ay nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa batok sa hagikgik niya.
"Lantis," tawag ulit noong si Chase.
"What? It's funny, you have the same name," bulong ng babae sa tabi ko pero pakiramdam ko ako lang ang nakarinig. Bakit parang ang bilis niyang nag iba?
Nakangiti siya sakin at malayong malayo sa itsura niya kanina na akala mo hindi makabasag pinggan. Pero bigla din siyang nagbaba ng tingin.
Naiwang nakaawang ang aking mga labi.
Minamaligno ba ko?
Nag umpisa na yung klase at ibinaling ko na lang yung tingin ko sa tinuturo ng prof.
Umayos na ko ng upo kase baka masita din ako. Kabago bago ko dito, ayaw ko naman na magkarecord agad.
"Ay butiki!" nagulat ako ng may sumundot ng tagiliran ko. Agad kong tinakpan ang aking bibig. Buti na lang at hindi ako sumigaw.
Napatingin ako sa babae sa tabi ko.
"Chase talaga ang pangalan mo?" bulong niya. Medyo weird pakingan yung boses niya kase parang hindi natural.
Napaangat ako ng kilay. Kelangan ko ba siyang sagutin?
Napabuntong hininga ako.
"Chase as in, habol?" tanong niya ulit na nagpailing sa akin.
"With an e, like c.h.a.e," I spelled and saw how her eyes sparkled.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan.
Ang dami ng sinasabi ng prof namin pero hindi din naman pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o ang weird ng awrang bumabalot sa paligid ko.
Itinuon ko na lng ang atensyon ko sa pagdodrawing sa aking sketchbook. One of my obsessions.
I started making an outline. My hands started moving on it's own. Kung meron mang bagay na makakapagpasaya sakin, ito na siguro yun. Gustong gusto kong iginuguhit ang mga bagay na pumupukaw ng aking atensyon.
Ganito ako palagi. Minsan bigla na lang mag uumpisang gumihit at hindi ko na namamalayan ang nangyayari. Minsan hindi ko na din namamalayan kung ano ang dinodrawing ko kase kusa ko na lang ginagawa.
Bago ko pa marealize kung anong ginuguhit ko, I was startled when a hand landed on my work.
My eyes followed the hands and it was from the girl beside me, natatakpan na ulit ng bangs ang mukha niya pero pansin ko na nasa sketchbook ko ang kanyang atensyon.
"Chase..." she whispered. Mahina lang yun pero sapat na para marinig ko. Napalunok ako. Bakit nag iba na ulit yung timbre ng boses niya? Mas banayad ngayon kaysa yung kanina na para akong ninenerbyos.
"That's his eyes," she added na nagpakunot ng aking noo.
Napatingin ako sa ginagawa ko at bago ko marealize kung ano ang nangyayari, ay may tao ng nakatayo sa harapan namin at tapos na din ang klase.
"Interesting," nadinig kong turan ni Lantis, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa pendant ng suot kong kwintas at napakunot noo na din ako.
Hindi ko na namalayan na may nakatayo na ding iba sa harapan ko at nakasimangot ang tingin sa akin.
Si Chase.
Nakabusangot ang itsura niya na para may nakita siyang nakakainis sa akin.
"You were drawing me," he stated. It wasn't a question at nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil parang may gusto siyang ipahiwatig.
Namula ang aking pisngi.
Lagot.
Napatingin ako ulit sa gawa ko at napalunok.
Naalala ko ang pagsusungit ko rito kanina.
Ano na lang ang iniisip niya? Baka akala niya crush ko siya!
Gusto kong batukan bigla ang aking sarili.
"Hindi ikaw 'to. Feeling ka naman!" Pilit kong pinatatag ang aking boses. Hindi ko kailangang magmukhang mahina sa harap niya.
Napatingin siya sa kamay ko at lalong nabahiran ng pagkainis ang kanyang mukha.
Napatingin ako sa drawing ko at nanlaki ang aking mga mata ng marealize ko kung gaano kahawig ng kanyang mga mata ang naiguhit ko.
Naisarado ko bigla ang sketchpad at sa hindi malamang dahilan, parang bigla akong kinabahan.
I lifted my gaze and saw how his eyes darkened.
"Chaese, huh?" he smirked after seeing the name written in front na lalong nagpakaba sa akin. Bago ko pa maintindihan ang nangyayari, kinuha na niya ang sketchbook ko at saka siya tumalikod at iniwan kaming nakanganga.
Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko ng malakas.
"What just happened?" naiinis na tanong sa'kin ni Jessa. Tila hindi nito nagustuhan ang naging palitan namin ni Chase.
Hinatak niya ko sa upaun ko at dahil medyo wala ako sa katinuan, nabuway ako ng tayo bahagya. Nasagi ko tuloy yung kamay niya.
"Ano ba?!" galit niyang sigaw habang nadumihan naman ng kaunti ang puti kong damit.
Lip tint ata ang hawak niya.
Para akong lumulutang sa bilis ng pangyayari. Ni hindi ko na pinansin ang pagtataray ni Jessa o ang naging mantsa sa damit ko.
"I really hate you, new girl," mataray na turan ni Jessa sa'kin bago ito naglakad palabas ng silid.
Gayunpaman ay wala sa kanya ang aking atensyon kung hindi sa lalaking mas naunang umalis sa kanya.
"Teka, bakit niya kinuha?" bulong ko. Ang nasa utak ko lang ngayon ay yung gamit ko na kinuha ni Chase.
"Itatapon niya yo'n, yung notebook mo," napatalon ako ng mahina ng madinig ko na naman ang boses ng babae sa aking tabi.
Napalingon ako sa gilid ko ng mapansin ko si Lantis na nakatingin sa akin.
"Hindi ka sumunod sa kanya?" napaawang ang bibig ko sa gulat. Ano ba tong babae na to? Sobrang creepy. Pero naalala ko bigla ang sinabi niya.
"Itatapon? Bakit niya itatapon?" nagpanic ako bigla.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Hindi niya pwedeng itapon yun dahil bigay 'yon sakin ni mama. Tsaka may mga drawing ako sa sketchbook na yun na sobrang importante sakin.
Napatayo ako bigla at wala sa sariling kinuha ang mga gamit ko.
I need to find that man. Ironically, I think I am just about to chase him too.