Papaliguan... "Tigilan mo ang kakasisi sakin. Sino ba ang dahilan bakit umabot siya sa ganyan? Alam ko na umiyak siya nung araw na yun. Namumula yung mata niya ng umuwi siya. Tapos kakaarte at pahabol mo sa kanya, mukhang hindi siya nakakatulog ng maayos. Sino ngayon ang may kasalanan?" napadaing ako ng magising ako sa lakas ng boses na nadidinig ko sa paligid ko. "She asked me to stay away from her. What do you want me to do?" parang boses ni Chase. "Anong malay ko? E di ba ikaw ang boyfriend?" "Huwag nga kayong mag away dito. Simpleng trangkaso lang naman sana. Hindi naman sana lalala kung kumakain siya at umiinom ng gamot," napadaing ako ulit ng madinig ang isang pamilyar na boses. Si Julio ba yun? Teka, asa kwarto ko ba siya? Nakapikit pa din ang aking mata habang unti unting