6

2123 Words
Dakota Elisse Martinez "Pagbuksan mo kami Dakota. Siraulo kang babae ka. Pinagdadamot mo na bahay mo samin ngayon?" bago pa ako makapaghello, halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng sigaw ni Julio. Halatang banas na banas.  Sinasabi ko na nga ba. Hindi naman basta tumatawag sakin tong animal na to e.  Napaupo ako agad mula sa pagkakahiga ko sa sofa at mabilis na napasilip sa may bandang gate. Kahit na medyo malayo yun dahil sa luwag ng aming bakuran, tanaw na tanaw ko pa rin ang pagkakagulo ng dalawang gwardya doon.  Kumpirmado, naroroon nga ang mga baliw. Napailing ako.  Dati naman ay pinapapasok lang sila dito basta basta ngunit matapos may muntik ng mangyari kay papa ay naging mahigpit ang seguridad sa aming tahanan. Isa pa, bago ang dalawa naming guard at ngayon lang ulit nagawi dito ang pitong tukmol.  Napailing na lang ako. "Punyeta ka Dee, bilisan mo, basa na yung kili kili ko dito," yamot na sigaw ni Ice. Kahit wala siya sa aking harapan ay nakikinita ko na ang nakabusangot niyang pagmumukha. Pinakamatanda naman sana si Aedree sa lahat ngunit madalas ay mas matanda pang umasta tong si Ice. Pinaninindigan ang pagiging yelo.  Kay Lexo lang yata hindi nagagalit yun e. Palibhasa bunso sa magpipinsan. Madalas naman ay pinakakalmado si Julio. Ilang buwan lang ang tanda ni Milan kay Julio pero nakakatakot silang pareho sa magkaibang paraan.  Si Julio, walanghiya ang bunganga minsan pero maalalaga. Si Milan naman ay strikto kapag kailangan pero masayin naman siya talaga. Bukod nga lang netong nagsimula ulit ang klase. Hindi ko nga maintindihan kung meron bang problema. Si Chase, gagawin ang lahat para kay Ulap. Sayang lang at hindi ata aware si Ulap sa mga sakripisyong ginawa ng kanyang kambal para sa kanya. Ang alam lang gawin ni Ulap ay magsaya kasama si Lexo.  "Hindi naman kasi kayo nagsabi na pupunta kayo dito. O di sana umalis ako," ininis ko muna sila bago napatingin sa itaas.  Linggo ngayon. Ako lang madalas ang nasa bahay kapag Linggo dahil may kanya kanya din silang lakad.  Hula ko ay dumating na naman Daddy nila Ice. Ganun naman sila e, nilalayasan ang kanilang ama kapag umuuwi mula sa mga business trip.  Those siblings were not in speaking terms with their father. Kahit si Lexo ay hindi pinapansin ang kanilang ama hindi katulad nila Ulap na nagagawa pang kumandong sa papa nila at magpasubo ng pagkain kapag tinatamad.  Kambal din ang tatay ni Lexo at Ulap kaya di na nakakagulat ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya. "Hoy Dakota Elisse, sabihin mo na sa guard niyo na pagbuksan kami. Itatapon ko talaga tong pizza," nagbabantang turan nj Aedree. Natawa ako ng bahagya. Ang init init pa naman sa labas. Kahit halos hapon na ay sigurado ako na pawis na pawis na ang mga yun. Alam ko din naman na hindi niya yun gagawin. Masyado siyang matakaw para maisipan man lanh gawin yun.  "Oo na. Mga demanding," sagot kobago ibaba ang tawag. Lumapit ako at dinampot ang receiver na naka sabit sa gilid ng pinto at agad sinabi na papasukin ang mga tukmol.  Napatingin ako sa suot ko, naka spaghetti strap ako at itim na shorts na medyo maiksi. My hair was tied in a messy bun. Hindi na ako nag abalang magpalit ng damit.  Those boys were my childhood friends along with Mattee. Nakita na nila akong nakatwo piece at wala lang sa iyon sa kanila.  Naka Indian sit ako sa couch bago abutin ang remote. May gusto akong panuoring series sa Netflix.  Ilang sandali lang ay narinig ko na ang napakaingay na bunganga nila Ulap at Lexo. Para talagang sila ang kambal.  Naramdaman ko ang pag alon ng upuan ng walang anu anong umupo ng pabagsak dun si Milan. He leaned his head on my shoulder while crossing his arms in front of his chest.  "Walangya kang babae ka. Ipagtimpla mo kami ng juice. Napakainit," bulong niya na ikinatawa ko.  Pagdating sa kanila ay hindi ko napipigilan ang mga reaksyon ko.  "Ayoko. Maghahibernate ako. Ikaw na lang," Si Ulap at Lexo ay agad tumapat sa may bandang aircon samantalang ang iba ay nag kanya-kanyang upo sa mga bakanteng pwesto.  Si Aedree ay dumiretso sa kusina dala dala ang apat na box ng pizza at dalawang box ng manok.  Malaki ang bahay namin pero simple lang at walang masyadong madaming kaartehan. It screams simplicity and elegance, bagay na hakata sa aking mga magulang.  Sumasakit ang mata ni papa kapag madami siyang nakikita maarte kaya kung anong muwebles ang kailangan, yun lang ang meron kami.  Napatingin ako sa direksyon ni Ice. Nakahiga na siya agad na akala mo dumayo lang dito para matulog.  "Bakit niyo iniwan si Grey dun?" bigla kong natanong.  "Ano yun?" "Momma!!!!!" napalundag ako bahagya ng may ulong biglang lumitaw sa gawing kanan ko. Pati si Milan ay napasigaw na din. Natawa naman bigla si Chase na nakaupo lang malapit sa hinihigaan ni Ice. Sinamaan ko siya agad ng tingin.  Ang nakangiting mukha ni Lantis ang bumungad sakin.  "Tigilan mo nga!" inis na saway ni Milan.  "Maligno," bulong ko din na ikinatawa lang ng weird na babae bago siya tumalikod. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tignan kung saan siya pupunta. Para namang kabute ang ampon ni Chase na yun.  "Hindi kita bati Lantis, wag kang tatabi sakin," nakaismid na turan ni Ulap. Napailing na lang si Chase. Ni hindi ko nilingon kung anong ginagawa nila kase para naman sila laging mga bata.  Nag iba na ng pwesto si Milan at ginawa ng unan ang hita ko. Puyat na naman ba tong lalaking to?  Taglandi na naman siguro.  "Pizza! Pizza!" sigaw ni Aedree na may katulong ng kasambahay sa pagbubuhat ng mga pagkain. Nailipat na niya ang mga manok sa isang lalagyan at meron na ding mga dip.  Nag uunahan naman na tumakbo ang si Lexo at Ulap. Pati si Ice ay bumangon na din. Nagkapalit palit na sila ng pwesto.  "Akin yan tukmol, aagawan mo pa ko. Sa akin ang pakpak," seryosong sabi ni Ice. Tinapik niya ang kamay ni Julio na may balak pang kunin ang paboritong parte ni Ice.  Lahat kami alam na basta pakpak ay kay Ice lang.  "Damot mo. Mabaog ka sana," inis na dumampot ng chicken leg si Julio.  "Tss," hinalukay ni Ice lahat ng pakpak. Si Chase naman ay dumampot din ng isa at inabot sa ampon niya habang pizza naman ang sa akin.  "Maalala ko, sino yung sinampolan mo ng katarayan nung isang araw Dee? Kalat na kalat sa mga first year," naging blangko agad ang aking mukha ng madinig ang sinabi ni Aedree. Naalala ko na naman ang mga babaeng yun.  Hindi ako sumagot. Ramdam ko ang tingin nila sa aking gawi. Pati si Milan ay nagtaas na din ng kilay. Pansin ko na palagi yatang masungit si Milan netong mga nakaraang araw. Parang laging may dalaw.  Nag angat si Chase ng kilay at ginantihan ko naman. Mukhang nakatunog si Keso kung ano yun. Siya naman kase ang may kasalanan.  "Tsss," nadinig kong bulong ni Milan sa tabi ko sabay baling sa kanyang kapatid. "Hoy Ulap, ikuha mo nga ako ng juice sa kusina," "Ako coke," si Aedree.  "Sprite," bulong ni Ice.  "Bakit ako?" nakasimangot niyang sabi.  "O sige, magpalit na lang tayo tapos ikaw na din ang kuya," pagtataray ni Milan. Natawa ako bigla at kinurot ang kanyang pisngi.  "May dalaw ka Ulan?" nakangiti kong tanong pero inirapan nila lang ako.  Naagaw ang aking atensyon ng aming kasambahay na naglalakad pababa ng hagdan. Nakasunod ako ng tingin sa kanyang bitbit.  Mga pagkain. Nasa taas ba si Mama?  "Manang, kanino po iyan?" tanong ko. Napahinto siya habang lahat kami ay naghihintay ng kanyang sagot.  "Wow, sinigang. Ako na lang ang kakain!" agaw ni Ulap na lumapit pa talaga.  "Ay, may gamot. Sinong may sakit?" tanong ni Lexo. Kasunod lang siya ni Ulap at may hawak pang orange juice.  Wag naman sana. Bigla akong napaisip. Kahapon ko pa hindi nakikita ang kapatid ko. Nagkasakit na ba talaga siya?  Bago ko pa napigilan ang aming kasambahay ay nagsalita na din siya.  "Hindi pa po kase kumakain simula kagabi ang kapatid niyo Miss Elisse. Kaya lang po ayaw daw pong kumain ni Miss Andrea e,"  Nadinig ko ang pag singhap ng ilan. Sigurado ako si Ulap at Lexo lang yun. Pero hindi ko sila pinansin.  "So hindi pa siya nakakainom ng gamot? Alam ba ni mama na may sakit siya?" bahagya akong kinabahan. Ang isipin pa lang na kahapon pa siya hindi kumakain at bumabangon sa higaan ay kinakabahan na ako. Hindi kami close pero kadugo ko pa din siya. My mom always thought me to look at yhe brighter side of things.  Pero magagalit si papa panigurado.  "May kapatid ka?" malakas na tanong ni Julio.  "May ampon kayo?  Mga tsismoso.  "Hindi po pero ibinilin po sa amin na tignan namin dahil hindi po siya lumalabas ng kwarto simula kagabi. Ngayon naman po ay ipinababa niya ang pagkain dahil wala daw po siyang gana," Napakunot noo ako bigla.  What bullshit. Gusto niya bang mag alala ng husto ang aking ina?  "Ah, sige na manang. Ako na lang po ang sisilip mamaya," sabi ko bago muling ibinalik ang tingin sa mga lalaking kanina pa yata nakanganga.  "Ano?" naiinis kong turan. Biglang sumagi sa isip ko angnitsura niya kahapon ng matanaw ko siya sa school. Nakayukyok siya sa lamesa kasama yung isang babae na hindi ko kilala.  "Bakit hindi namin alam na may kapatid ka?" gulat na turan ni Aedree.  Kase baka kelan ko lang din naman nalaman. Gusto ko sanang isagot.  "More than ten years na tayong lahat magkakasama, ngayon lang namin malalaman. Kinukulong niyo ba ang kapatid mo?" seryosong tanong ni Ice.  "Sumagot ka Dakota. Hindi to magandang biro. Liwanagin mo to samin," "May underground ba kayo dito? Walangya kang babae ka. Ikukulong mo din ba kami?" "Tanga ka, asa taas nga daw yung Andrea e," Naiikot ko ang aking mga mata. "Feeling niyo naman sa pamilya ko, mga kriminal? Tingin niyo kaya ng mga magulang ko yun?" Napailing na lang si Milan.  "Sila hindi, pero ikaw hindi malabo," nakangising dagdag ni Chase. Muntik ko na siyang nabato ng unan.  "Di ba nagdo-drawing ka din?" "Aahhh! Yahhh!" Napatalon si Aedree sa boses ni Lantis. Napakandong pa siya bigla kay Ice na wala man lang ekspresyon sa mukha. Mukhang sanay na sa kuya niyang duwag.  "Walangya ka talagang babae ka. Kaunti na lang mahihimatay na ko sayo!"  Hindi ko man lang napansin na nakaupo na sa gilid ang babaeng ito. Nahagip ng aking tingin ang isang notebook na asa kamay niya. Napakunot ang noo ko.  Kanino yun?  "Why do you have that?" napatingin kami kay Chase nang bigla niyang kausapin si Lantis. Kahit magkasama sila ay bihira niya ding kausapin ito. Mas madalas ay sa tuwing kailangan lang.  Lantis shrugged her shoulders, the strands of her hair covering the side of her face. I felt chills covering my body. Nakakakilabot talaga ang presensya nito. It's either you feel her strong presence or you basically don't feel her at all.  Nagulat kaming lahat ng bigla itong hablutin ni Chase sa kanya. Halatang halata ang pagkainis nito. "Sabi ko sayo tigilan mo dba? Iniinis mo ba talaga ko?"  Natahimik kaming lahat. Hindi basta basta nagagalit si Chase, lalo na sa ampon niya.  "Hey, chill..." napaatras ng bahagya si Aedree sa ikinilos ng pinsan niya. Siya kase ang katabi ni Chase at sa kabila ay si Lantis.  "Kumalma ka keso. Si Lantis yan," tipid na sabi ni Ice.  Chase opened the damn thing and even I got confused when I saw some sketches on it.  It was a sketchbook.  And it wasn't mine.  "That wasn't yours?" Ice asked and I shake my head. I draw, bagay na namana ko sa aking ama. Siya naman ay mahilig magpinta. Ako ay mahilig gumawa ng sketches pero hindi ako ganoong kagaling o kainteresado. Kumbaga, marunong lang ako. It was a bonding that me and my father had when I was younger.  Tinignan niya ang mga drawing doon na para bang may hinahanap. Maya maya pa napatingin siya sa akin.  "Kay Chaese to. Bakit nandito sa sala niyo?" seryoso niyang tanong. Magkasalubong pa ang kilay at parang naiinis. Ano ba akala niya, ninanakaw ko?  Napaangat ako ng kilay.  "Kuya!," napalingon ako sa taas ng hagdan ng madinig ko ang sigaw ni Lexo.  Napabalingwas agad ng bangon si Ice at Aedree ng madinig ang kanilang kapatid. Bunso si Lexo. Isang sigaw lang ng batang yan, magwawala na ang mga kuya niya, lalo na si Ice. Pati si Lantis ay napatayo.  Ano na naman kaya ang nakita ng loko na to. Ang putla ng itsura niya.  Tumayo na din ako. Teka lang, bakit andun sila sa taas?  Nun ko na lang din napansin na wala din si Ulap.  Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng biglang lumitaw si Ulap, buhat buhat ang aking kapatid. Napatingin na din sakin si Ulap na blangko ang mukha.  "Anong nangyayari?" napasigaw ako at napatakbo papalapit sa kanila. Mabilis ang naging takbo ni Chase na inilang hakbang ang hagdan at tinulungan si Ulap na nagmamadali na din sa pagbaba.  "Napano siya?" "Bilis! Asa labas ang kotse!" "Ano bang ginagawa mo Elisse at umabot sa ganito ang kapatid mo? Nakita ko sa hallway wala ng malay!" galit na sigaw ni Ulap.  Hindi ko na alam kung sino sino pa ang sumisigaw at nawawala na din ako sa sarili. Nakita ko ang mukha ng kapatid ko. Sobrang putla at halos namumuti na ang labi.  Anong nangyayari? Hindi ko alam kung sino ang umaalalay sakin pero isa lang ang nasa utak ko.  I was scared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD