Baliw...
"Hunn, are you sure you are okay?" I lifted my gaze and my eyes caught Tita Monica's worried eyes. Napangiti ako bigla.
As always, Tita Monica never failed to make me feel important, that I am a part of this family. At kahit na malayo si mama sa akin dahil hinayaan niya akong makasama ang kapatid ko at si papa ay alam kong hindi naman ako napapabayaan o naaagrabyado.
I'm still damn lucky.
"Okay lang po ako Tita. Kaunting sipon at sakit ng ulo lang po ito. I can still manage," agad kong turan at mukhang nakahinga naman siya ng maluwag.
I saw how my father's eyes lasted on my direction. Parang tinatantsya niya kung nagsasabi ako ng totoo.
"There's no such thing as simple sickness. Kapag may nararamdaman ka, patignan na natin. Anong silbi ng mga healthcards niyo kung hindi niyo naman gagamitin," seryoso niyang turan at napalunok ako.
Minsan lang magsalita ang aking ama at nakakapanibago. Hindi ako sanay ng maraming tao ang nag aalala para sa akin.
Nagulat ako ng balingan niya ang aking kapatid.
"How's she at school?"
Napatingin din ako kay ate. Ano kayang sasabihin niya?
Alam kong alam niya ang nangyari nung isang araw. At sa totoo lang, nakakapanibago na minsan ay kinakausap niya din ako. Hindi direcho pero pinapansin niya ako kahit papaano kapag wala kami sa bahay.
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Wala naman siguro siyang sasabihin sa aming ama.
"She's doing good and she's acting like how someone with our surname should," she answered and that made me nervous even more.
Hindi ko tinataglay ang apelyido ng aking ama. Hindi ito naibigay sa akin ng aking ina kung kaya't wala ni isa mang magiisip na magkadugo kami.
Isa pa, halos langit siya kung ituring sa aming paaralan at ako ay isang hamak na transferee lang.
Nakita kong tumango ang aking ama at napangiti naman si Tita Monica.
"Are you hanging out with your sister? You must have met her friends. Family friends natin ang pamilya nila kaya nakakasiguro akong mabubuti silang tao. Hindi ka nila pababayaan o ituturing na iba sa kanila," Tita Monica stated at doon biglang nag angat ng tingin ang ate ko.
Nagtama agad ang aming paningin at hindi ko alam kung guni guni ko lang ba o sadyang napangiti siya ng makahulugan.
Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang ina kaya naman ipinagpatuloy ko na din ang pagkain ko.
Ganito dito sa bahay. Kailangan sabay sabay kami kumakain ng umagahan at hapunan. Nakakapanibago din dahil dati, bihira akong may makasabay.
Masyado din kaseng busy ang aking ina sa cafe.
Nang matapos kaming maghapunan ay kanya kanya na din silang panik sa kani-kanilang nga silid. Naisipan kong magpaiwan sa sala dala dala ang aking sketch pad.
A long sigh escaped my lips.
Ang bigat pa rin ng aking pakiramdam. Akala ko ay okay na. Kanina, binilhan ko si Chase ng icecream tsaka siya tinalikuran pero kitang kita ko kung paanong ibinigay niya lang kay Ulap at Lexo ang binili ko para sa kanya.
Ni hindi siya ngumiti.
Nagawa niya pang magpaalam paalis at iniwan ako kasama ng kapatid at mga pinsan niya.
Siguro nga ay galit talaga siya sa akin.
Iyon naman ang gusto mo dba? You told him to stay away from you. Bulong ng konsensya ko.
Napabuntong hininga na lang ako ulit.
"Guilty?" I was startled when I heard someone spoke. Turning around a little, I saw my sister coming down from the stairs.
She was looking so serious like how she usually is at school. Walang halong pagpapanggap.
"Did Chase accepted you apology?" she asked again bago siya umipo sa isang bakanteng upuan malapit sakin.
Alam niya ba na hindi ako kinakausap ni Chase ng maayos?
Milagro at kusang lumalapit sakin ngayon ang kapatid ko.
"Oo daw, pero parang hindi," sagot ko. Nakatingin na ako ulit sa sketchpad ko kung san ko naiguhit ang kanyang mga mata.
Bakit ba hindi ako mapatahimik ng aking konsensya? Dati naman ay halos wala akong pakialam kung meron mang may sama ng loob sa akin. Basta hindi ang aking ina ay wala akong pakialam.
Nagulat ako ng nadinig ko siyang tumawa.
"Did you said anything to him that made him upset so much?" napatingin ako sa gawi niya. Bakit parang interesado siya sa galit sa akin ni Chase. May gusto ba siya dito? Nobyo niya ba si Chase?
May kung anong kumurot sa aking kaloob looban na hindi ko mawari kung ano ngunit pinawalang bahala ko na lang.
Baka dala lang ng sama ng aking pakiramdam.
"I told him to stay away from me," I answered and I saw her raised her eyebrow.
"So that's why..." bulong niya sa sarili niya na animo may napagtanto.
"You see, Chase does what is told of him. Kapag sinabi mong layuan mo siya ay lalayo siya. Hindi siya marunong bumali ng pangako. It'll take more than an apology to make him forget or break his promise. Good luck with that," bigla niyang sabi bago dire-diretsong tumayo papunta sa kusina.
Naipatong ko sa lamesa sa harap ang aking sketchbook. Parang may lumokob sa puso ko bigla.
So hindi na ba niya ko mapapatawad?
Ito lamang ang laman ng aking isipan hanggang sa pagpasok ko kinabukasan. Sa sobrang sakit ng aking ulo ay hindi ko nagawang bumangon para pumasok sa dalawa kong klase na pang umaga.
"Mukha ka ng aswang Chaese Andrea. Hindi ka ba natutulog?" nakaismid na turan ni Xantha pagkakita sa akin. Naikibit ko ang aking balikat bago naiyukyok ang mukha sa lamesa. Okupado namin ang isa sa mga lamesa sa quadrangle.
"Hapon ka na ding dumating," lumapit siya sa akin ng bahagya at sinalat ang aking noo. "May sinat ka pa yata. Bakit ka pa pumunta dito?" napatingin ako sa gawi niya at napansin ang nakabusangot niyang mukha.
"Baka may quiz mamaya..." bulong ko. Napapikit pa ako ng bahagya dahil sa iniindang sakit ng ulo.
"Tsss, akala mo naman antalino mo din e," bulong niya na nakapgpatawa sa akin ng bahagya.
"Kaya nga pumapasok para matuto diba?"
She just rolled her eyes at my direction.
"Bahala ka nga. Nga pala, did you hear the rumor? It seems that a certain Puntavega is already taken. I'm not really sure whonit is but someone heard Aedree telling Ice about it," she stated, her eyes on a book she was reading. Palagi naman siyang may binabasang libro. Romance ata.
Napatango na lang ako. Hindi naman imposible na mawalan ng nobya ang mga yon. Sa itsura pa lang ay marami ng nagkakandarapa.
"Baka si Julio. Sisiga siga dito yun pero hindi din naman yata nawawalan ng girlfriend. Pwede din si Milan. Lahat naman ng babae ineentertain yata nung isang yun," sabi niya. Si Milan? E parang medyo masungit nga sakin yun. Si Ulap at Lexo lang talaga ang parang tuko kung makalapit sakin. Minsan nga iniiwasan ko na din yung dalawa e. Mas masasabi ko pa ngang parang sila ang kambal hindi si Ulap at Chase.
Kalahating oras lang kami tumambay at naghiwalay din. Magkaiba kase kami ng subject ngayon. Buti na lang pareho kami ng vacant. At least ay nakapagpahinga ako ng may kasama.
Pagpasok ko pa lang sa room ay agad ko ng nakita ang matalim na tingin ni Jessa sa aking gawi. Oo nga pla, bukod kay Chase ay kaklase ko din ang babaeng ito dito. Napailing na lang ako ng makita ang suot niya, crop top na black ay puting mini skirt na pinarteran niya ng itim din na wedge. Medyo nakakulot pa ang ibaba ang kanyang buhok. Okay naman sana ang itsura niya pwera lang sa parang uod niyang kilay.
"Hoy babaeng tomboy, wag ka ngang tumitingin sakin! Ang pangit pangit mo pa naman," nakaismid niyang turan. Nadinig ko pang nagtawanan ang mga babae sa gilid.
Napailing na lang ako ulit. Luka luka talaga.
Dirediretso akong umupo sa aking pwesto at muling iniyukyok ang aking ulo sa lamesa. Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang aking pakiramdam. Hindi pa naman ako umiinom ng gamot.
Mabuti na lamang at wala akong pasok bukas. Wala kaming klase pag linggo. It's the school's advocate, to let the students be with their family every Sunday. Kaya lang ang mga klase sana para sa araw na yun ay naisisingit sa ibang araw kaya minsan ay full load ang ibang estudyante. Mabuti na din siguro na irregular ako kaya nakakapili ako ng mga oras at unit na gusto kong kuhanin.
I closed my eyes for a moment, the pain starting to feel unbearable making me evan ball my fist to suppress it within. Dapat yata ay hindi na nga ako pumasok. Itong klase lang naman ang hinabol ko. Ang totoo ay nagbabakasakali ako na makita si Chase.
Alam ko kaseng hindi niya pa din ako napapatawad. Pakiramdam ko ay kaya lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa naiisip ko na may kasalanan ako sa kanya.
Dahil marahil hindi din ako halos nakakatulog at sa iniindang sakit ay hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako.
Isang tapik ang nagpamulat sa akin at nagpabalik sa aking ulirat.
"Oliveros!" I was startled when I heard the professor calling my name. Bigla tuloy akong napabaligwas ng upo.
Napalingon ako sa aking gilid. Muntik na kong mapamura ng magtama ang aming mga mata. Napakablangko pa din noon at tila ba nakakalunod.
"Oliveros?" napalingon ako sa harapan at medyo nalilito na bago ko naibalik ang tingin sa kanya.
Bakit siya ang nasa tabi ko? Nasaan na si Lantis?
Napakunot noo siya ng makita ang naguguluhan kong ekspresyon. Tulala na yata ako.
Puta bat parang bagong ligo siya?
"Sabihin mo present. Nabaliw ka na din yata ah. Nakikipag usap ka kase sa kambal ko e abnormal yun,"
"Ha?" naguguluhan kong turan. Napailing na lang siya at itinaas bigla ang isa kong kamay.
"She's here," sabay sabi niya.
Napalunok ako. Mainit ba talaga ang pakiramdam ko o para akong napapaso?
Dahan dahan niyang ibinaba ang aking kamay at ipinatong sa lamesa at kitang kita ko ang kanyang pag iling. Napatingin pa siya saglit sa kamay ko, tapos sakin, parang may iniisip pero tumingin din ulit sa harap.
Hindi din nagtagal ay nagsimula na ang klase. Naguguluhan man ay napalingon pa ako sa aking likuran.
Na hindi ko na sana ginawa dahil napakatalas ng tingin sa akin ng babaeng parrot.
Wala siyang katabi. Asan kaya si Lantis.
Napalingon ako kay Chase. "Nasaan si Lantis?" bigla kong tanong. Tutok n tutok siya sa sinasabi ng prof at ni hindi niya ako pinansin.
Napasimangot ako agad.
Isnabero.
Napapikit ako ulit at napahilot sa aking sentido.
Hindi na ko halos sinisipon pero pakiramdam ko sasabog ang ulo ko at medyo nilalamig na din ang katawan ko.
Bawat minuto ay napapalingon ako sa kanya. Bakit kaya sakin siya tumabi?
Siguro nabwisit sa bunganga ng babaeng parrot. Pansin ko pa naman dito kay Chase hindi nag iingay.
Pero minsan natatanaw ko siya na nakikipagtawanan sa mga pinsan niya. Kahit nga si Dakota na hindi mo makikitaan minsan ng ekspresyon ay napapangiti dahil kila Ulap at Lexo. Iba talaga ang timplada mg utak mg dalawa.
Napalingon ulit ako sa kanya at napatitig na din. Kahit side view wala pa ding maipipintas sa mukha ng lalaking ito. Pakiramdam ko nga habang tumatagal ay mas lalo akong nasasanay sa mukha niya.
Napapasunod ang mga mata ko sa tuwing iginagalaw niya ang kanyang leeg. Nangangalay ba siya?
Nagulat na lang ako ng bigla siyang humarap sa akin at pinitik bigla ang aking noo. Hindi naman iyon malakas pero automatic na napa aray ako.
Naiangat ko pa ang aking kamay para himasin ang lugar na pinitik niya.
"m******s ka ba? Kanina ka pa tumititig. Naaalibadbaran na ko sayo ha," inis na sabi niya na nagawa pa kong irapan bago muling ibinalik ang tingin sa harapan.
Napangiti ako.
Ang haba ng sinabi niya sakin. Hindi na ba siya galit?
Nakagat ko ang aking labi.
"Bati na tayo ha?" masaya kong sabi. Hindi pa din siya tumingin sa aking direksyon pero nadinig ko pa din siyang bumulong.
"Tsss, baliw talaga,"
Mas lalo akong napangiti. At least pinapansin na niya ko ulit.
Mukhang makakatulog na ako ng maayos mamayang gabi.