Mapapalo... "Anak, sigurado ka bang ayos ka lang? Ang laki ng eyebags mo o," napasimangot ako sa tinuran ng aking ina. Natatawa pa siya habang inilalagay ang bagong bake na cake sa lagayan sa harap. Linggo ngayon at kagabi pa lang sa hapunan ay nakapagpaalam na ako kila Papa at Tita Monica na tutulong ako kay Mama maghapon. Okay lang naman daw dahil matagal ko na ding hindi nabibisita ang aking ina. "Ma naman e," napaungot ako bago dinampot ang maliit na salimin sa gilid ng kaha upang silipin ang aking itsura. Wala naman akong make up kaya siguradp akong maputla talaga ang itsura ko. Ibinaba ko ang salamin at inayos ang loosr yellow shirt na suot ko na itinuck in ko sa harap ng suot kong black pants. Nakatali din sa aking baywang ang itim na apron habang ang aking buhok ay nakapony